Chapter 43

1168 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Napaisip ako sa sinabi ni Zeri kanina.   And I think that he is right.   I think, no matter what I do to get the normal life that I really wanted for myself, it is just futile because of the fate I have.   No matter where I go, as long as I am the half-blood of Ehrenberg Clan who holds the family’s power, trouble will always seek its way to me.   Hangga’t nabubuhay ako, hinding-hindi ko makakamit ang normal na buhay na matagal ko nang pinapangarap.   But now I kind of understand why my father and brother decided to just put me to sleep rather than letting me die for good.   Alam nila na ang kapayapaan na iniwan ko sa kanila noon ay mayroon pa ding posibilidad na masira kaya naman pinaghandaan na nila iyon sa pamamagitan ng pagpreserba sa akin dahil alam nilang ako ang unang pupuntiryahin ng mga kalaban kung sakaling buhay ako ng mga panahong iyon.   And I think they decided to place another responsibility on my shoulder because they know that I would rather have it all than pass it to another child that will become the next half-blood if they let me die.   At ngayon unti-unti kong nakikita ang mga panganib na maaaring mangyari sa buong Valier, unti-unti kong naiisip na tama lang ang ginawa ng pamilya ko.   Hindi ko namalayan na natapos na pala ang pang-umagang klase namin at napansin ko nalang na naglalabasan na ng room namin ang mga kaklase ko kaya napabuntong hininga na lang ako.   Masyado yatang occupied ang utak ko dahil hindi ko man lang naintindihan ang itinuturo ng mga professors namin.   Ipagpasalamat ko na lang siguro dahil nakausap na ni Xan ang mga professors ko bago siya umalis at na-inform na niya na huwag akong masyadong pansinin sa klase dahil hindi naman talaga ako pumasok sa eskwelahan na ito para mag-aral.   Doon ko nga lang nalaman na ginamit pala niya ang pangalan ng angkan ko sa bawat eskwelahan na kanyang ipinatayo kaya naman nangangahulugan lang noon na ako ang nagmamay-ari nito.   At iyon ang sinabi niya sa mga professors.   Kaya nga walang naglalakas ng loob na sitahin ako kahit hindi nakikinig sa mga discussion nila at hinahayaan nila akong gawin ang anumang gusto ko. Basta siguruhin ko lang na hindi ako nakakaistorbo sa mga kaklase ko.   “Saan tayo magkikita mamaya?” tanong sa akin ni Greeny nang makalapit siya sa akin. After lunch pa naman kami mag-uusap kaya pupunta pa siya ng canteen.   “Let’s just meet upstairs,” sabi ko. “Sa rooftop ng building na ito.”   “Okay,” aniya. “I will just wait for you there.”   Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad na tumakbo palabas ng classroom namin.   Kasunod naman noon ay ang paglapit sa akin ni Zeri. “Why do I feel like she is assuming that you will accept her request and help her save those vampires?”   Bumuntong hininga ako. “Iyan din ang iniisip ko.”   Kasi naman, bakas ang kasiyahan sa mukha ni Greeny nang sabihin ko sa kanya na nakapagdesisyon na ako tungkol sa hinihingi niyang tulong kahapon. At kanina bago siya lumabas, bakas din ang excitement niya.   Kaya sigurado kami na iniisip ng babaeng iyon na papayag akong iligtas ang mga bampirang nakakulong sa ilalim ng palasyo.   Which is not because of so many reasons that we can’t even say to her because she might know more information about the vampire.   Sa tingin ko kasi ay tanging ang mga rogue vampire kamang ang napag-aralan ng mga Shiann. Kaya ang mga kakayahan at characteristic lang ng mga ito ang nalalaman nila.   Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit hindi nila nalalaman na bampira si Xan na malayang nakakalabas at nakakapaggala sa buong bansa.   “We have to tell her as little information as possible,” sabi ko. “Lalo na ang tungkol sa mga bampira dahil ayoko nang maungkat pa sa mga Shiann ang tungkol sa amin.”   Sa ganitong paraan ay higit kong masisiguro ang kaligtasan naming mga natitira pang bampira.   “But I don’t think that it will be possible,” sabi niya. “Sa ugali ng babaeng iyon, nasisiguro kong hindi siya titigil hangga’t hindi mo siya nabibigyan ng dahilan kung bakit hindi mo siya tutulungan,”   “Alam ko,” sagot ko. “Nakikita ko din iyon sa kanya kaya napag-isipan ko na kung ano ang gagawin sa kanya. Basta siguraduhin mo lang na hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na magagamit niya para mapilit tayong gawin ang gusto niya.”   Tumango siya. “Sige. Ako na ang bahala doon.”   Lumabas na din kami ng classroom at nagsimulang maglakad papunta sa rooftop ng building na ito.   May packed lunch na kasi kami na inihanda ni Wayne para sa amin nang sa gayon ay hindi na kami makipagsiksikan pa sa mga maraming tao sa canteen. At dahil sa rooftop naman ang usapan namin ni Greeny ay doon na kami kakain ng tanghalian namin.   “Anyway,” sabi ko habang tinatahak namin ang hagdan paakyat. “May ibang kaibigan ba si Xan na nagngangalang Dain?”   Kumunot ang noo niya. “Dain?”   Tumango ako. “I don’t know if that is his real name pero iyon ang pakilala niya sa akin nang magkita kami sa office ni Xan.”   “Hmm.” Napaisip siya. “Kilala ko ang lahat ng kaibigan ni Xan. Ako kasi ang madalas niyang isama sa mga business party na dinadaluhan niya bilang representatives ng mga student ng Kei University. Pero kung tama ang pagkakaalala ko, wala siyang ipinapakilala sa akin na may pangalang Dain.”   “Sigurado ka?”   Tumango siya. “Yeah. Bakit?”   “Something is weird about that guy,” I said. “And I am sure that he was once a human that was just turned into a vampire.”   “But Xan?”   Umiling ako. “By someone else.”   Lalong kumunot ang noo niya. “Hei?”   Muli akong umiling. “No,” sabi ko. “And I am also sure that he was not turned by any vampire living in this era.”   “How is that even possible?”   Bumuntong hininga ako. “Iyan ang gusto kong malaman. He is a vampire that was once a human but the one who turned him is not someone that I already met. Kaya naisip ko na baka mayroon pang ibang monarch vampire na nabubuhay sa panahon na ito maliban kay Ara at sa akin.”   Kaya kong malaman kung anong klaseng bampira ang nilalang na makakaharap ko. At nakasisiguro ako na isa siyang elite.   At nagiging isang elite vampire lang ang isang taong nakakagat ng bampira kung ang kakagat sa kanya ay isang monarch vampire.   “Aside from that, may isang bagay pa akong napansin sa kanya and it actually made me confuse.”   “And why is that?”   “Because everytime I look at him, I remember Kei.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD