Chapter 69

1114 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   We only have three minutes before the clock hits twelve midnight.   At sa mga oras na ito ay nakatayo na kami sa mismong kinatatayuan namin noong nakaraang dumating kami dito pero hanggang ngayon ay buhat pa din ako ni Wayne.   Ang sabi niya kasi ay mas mabuti na ito nang sa gayon ay hindi siya mapabitaw sa akin at hindi din ako mapalayo sa kanya dahil siguradong aatakihin kami agad ng mga bampira na nakasunod sa amin.   Huminga muna ako ng malalim pagkuwa’y bumaling kay Wayne. “Are you ready?”   Tumango siya. “Yes.”   Itinaas ko ang aking kamay at pinatulis ang aking kuko sa hintuturo pagkuwa’y ito ang ginamit upang hiwain ang aking palad. Ikinalat ko ang aking dugo sa paligid namin hanggang sa tuluyan itong maghilom.   “Nandito na sila, Heyd,” sabi ni Wayne.   Ilang sandali lang ay isa-isa nang lumabas sa masukal na gubat ang mga bampira na nakasunod sa amin. Ang bawat isa sa kanila ay nakalabas ang mga pangil at mahahabang kuko. Masama din ang kanilang tingin sa amin ngunit bakas sa kanilang mga mata ang pagtataka.   Pero ang pagkakaalam ko ay walang kakayahan na magsalita ang mga lower rank vampire kapag ganito ang kanilang itsura kaya hindi na ako nag-abala pang kausapin sila.   Pero siguradong hindi nila inaasahan na hindi isang sanggol ang kanilang dadatnan sa lugar na ito.   Ngumisi ako nang tumama ang tingin nila sa akin tsaka sinimulan ko ang pag-cast ng gechi. “Lumapit kayo sa akin.”   Agad nanigas ang kanilang mga katawan habang diretsong nakatingin sa akin at ilang sandali lang ay nagsimula silang maglakad palapit sa amin.   “Stop,” sabi ko na ikinatigil nila sa paglalakad.   “Are you going to kill them?” tanong ni Wayne na inilingan ko.   “They don’t need to die,” sabi ko. “Baka magkamali pa tayo kung iyon ang gagawin ko. Dugo lang naman nila ang kailangan ko.” Muli akong bumaling sa mga bampirang pilit nilalabanan ang gechi ngunit wala silang magawa dahil masyadong malakas ang aking kapangyarihan kahit pa hindi ako galing sa panahong ito. “Chop off your hands.”   Nanlaki ang kanilang mga mata ngunit mabilis din naman na kumilos ang kanilang mga kamay at agad na pinutol ang kanilang kamay.   Kita ko sa kanilang mga mata ang sakit na nararamdaman nila habang umaagos ang kanilang dugo sa palibot namin ni Wayne. Pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon dahil maya-maya lang ay sigurado namang gagaling din ang mga kamay nilang iyan.   They are vampires and their bodies regenerate too fast.   Nang maghilom ang sugat ng mga bampirang iyon ay agad ko silang inutusan na bumalik sa paanan ng bundok at huwag na huwag na sila muling aakyat sa tuktok na ito.   At agad naman nilang ginawa iyon.   Medyo natawa pa nga ako dahil hindi naman ako gumamit ng gechi ng sabihin ko iyon sa kanila.   Simpleng command lang iyon na walang halong spell pero dahil sa naramdaman nila na kaya ko silang pasunurin gamit lamang ang aking salita ay agad na silang nakaramdam ng takot kaya agad nilang sinunod ang aking sinabi.   Isang malakas na pag-uga ng lupa ang naramdaman namin nang pumatak ang ikalabing dalawa ng madaling araw. Kasunod nito ang paglabas ng buwan mula sa mga ulap na tumatakip dito.   “Is it working?” tanong ni Wayne.   Hirap man sa pagbabalanse ng kanyang sarili dahil malakas ang pagyanig ng lupa ay hindi pa din niya ako ibinababa.   “I think it is,” sabi ko.   Nagsimula na din kasing lumiwanag ang lupang kinatatayuan ni Wayne kaya agad kong ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg.   “But I don’t know what will happen next so you have to be prepared, okay?” sabi ko na agad niyang tinanguan.   “Don’t worry, I will protect you.”   At tulad ng nangyari noon ay unti-unti kaming binabalot ng liwanag hanggang sa hindi na ito kinaya ng aming mga mata kaya napapikit na lamang kami.   At lihim na nagdadasal na sana ay tama ang ginawa namin at muli na kaming makabalik sa panahong kinabibilangan namin.   __________   “Wayne? Heydrich?”   Mabilis akong dumilat nang marinig ang boses ni Zeri at agad akong lumingon sa pinanggalingan noon. At hindi nga ako nagkamali dahil agad bumungad ang kanyang nakakunot noong mukha habang nakatingin sa amin ng kanyang kapatid.   “What the hell happened here?” tanong niya. “At bakit amoy dugo kayong dalawa? May pinuntahan ba kayo?”   Doon ko napansin na nasa library na kaming muli sa mansion ng mga Ehrenberg pero nananatili pa din akong buhat ni Wayne.   “We are finally back,” sabi ko. Tinapik ko sa balikat si Wayne kaya naman agad na niya akong binaba tsaka ako bumaling kay Zeri. “We just caught up with some annoying spells.”   Lalong kumunot ang kanyang noo. “What?”   Natawa ako dahil talagang naguguluhan siya sa mga sinasagot ko pero ayoko na munang magkwento tungkol doon kaya tinapik ko nalang siya sa balikat. “I will tell you everything later. I just need to have a nice shower, okay?”   Napakamot siya ng ulo pagkuwa’y tumango na lamang. “Okay.”   Saglit ko munang binalingan ang mga libro kung saan ko natagpuan ang time travel spell na inilagay ng pamilya ko at unti-unti nang nawawala ang mga shaded part sa gilid nito.   Ibig sabihin ay dalawang beses lang maaaring gamitin ang isang time travel spell. Ang una ay ang pagdadala sa amin sa ibang panahon habang ang ikalawa ay ang pagbabalik sa amin.   Kapag nagamit na ang dalawang iyon ay agad na itong mawawala na parang bula at hindi mag-iiwan ng kahit anong bakas na nalagyan ito ng ganoong klase ng spell.   Wala din kasi akong alam sa time travel spell na ginamit namin noon ni Graysean kung saan bumalik kami sa nakaraan para makasama si Mommy kaya ngayon ko lang napagtanto kung paano ito gamitin.   “Should I clean this up?” tanong ni Wayne na inilingan ko.   “Hayaan mo na muna iyan,” sabi ko tsaka tumalikod na dito. “Maglinis ka na din muna ng sarili mo. Pagkatapos ay maghanda ka na ng makakain natin.”   “As you wish.” Agad na siyang umalis ng library kaya naman bumaling muna ako kay Zeri.   “And you?”   Itinuro niya ang kanyang sarili. “Can you prepare some tea for me?”   Tumango siya. “Okay.”   “Thanks.” I was about to get out of the library when Zeri suddenly called my name so I looked at him again. “What?”   “Nakabalik na si Xan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD