Chapter 68

1147 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Tulad ng sinabi ko kina Hariya at Kreyo, naghintay pa kami ni Wayne ng dalawa hanggang tatlong araw bago tuluyang lumabas ng kweba kung saan kami nanatili nitong mga nakaraan.   Ipagpasalamat na lang namin na sa mga araw na iyon ay walang kahit sinong bampira ang sumulpot para i-check ang loob ng lugar kaya naman naging payapa ang tatlong araw na pananatili namin doon.   Pero tulad ng inaasahan ay agad kong naramdaman ang iba’t-ibang presensiya na galing sa iba’t-ibang direksyon. At nangangahulugan lamang ito na agad napansin ng mga bampirang iyon ang aking presensya kaya agad na nilang tinatahak ang direksyon patungo sa akin.   Me and Hariya’s son actually has the same presence kaya inaasahan ko talaga na ako ang hahabulin nila which is actually a good thing.   Dahil kahit sabihin na tatlong araw na mula nang umalis sina Hariya at Kreyo, hindi pa din ako nakakasiguro kung tuluyan na nga ba silang nakalayo sa lugar na ito at hindi na mahahabol pa ng mga bampira.   Malaki din kasi ang posibilidad na buong Mortelle Mountain ang pinabantayan ng kapatid ni Kreyo upang masiguro na hindi basta makakatakas sa kanilang radar ang half-blood na kanilang sadya.   “They took your bait, right?” tanong sa akin ni Wayne habang tinatahak namin ang daan paakyat ng bundok.   Sa lugar na iyon kami unang dumating sa panahong ito kaya naman doon din kami dapat manatili upang muling ma-trigger ang time travel spell na siyang magbabalik sa amin sa sarili naming panahon.   At tulad ng sinabi ko kay Wayne, may ideya na ako kung paano ko iyon mati-trigger. But to be honest, wala pang kasiguraduhan kung gagana nga ba ang plano ko.   “Yes,” sagot ko sa tanong ni Wayne. “So we have to go up faster. Kailangan nating makarating sa tuktok ng bundok na ito sa eksaktong paglabas ng buwan sa mga ulap na iyan at eksaktong alas dose ng madaling araw.”   “What?” aniya. “Paano kung hindi natin maabutan iyon?”   “Maghihintay tayo ng isang buwan pa kung kailan muling lalabas ang full moon,” sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata. “Well, iyan kasi ang nabasa ko sa bawat libro na pinaglalagyan ng time travel spell. Twelve midnight on a full moon.”   Gabi na kasi kami lumabas ng kweba dahil sa mga oras na iyon lang din active ang mga bampira. At iyon ang magandang pagkakataon para lansihin ang kanilang atensyon at hindi na nila mapansin pa ang pagpuslit nila Kreyo at Hariya palayo sa lugar na ito.   At ang mga salitang pinagbasehan ko para makabalik kami ay nakasulat ang bawat salitang iyon sa pinakaunang pahina ng mga libro.   Ang unang akala ko ay isa lang iyong phrase na gustong ilagay ng pamilya ko. Na wala iyong kahulugan ngunit naisip ko na kailanman ay hindi maglalagay ng ganoon ang mga iyon dahil lang sa trip nila.   Kaya naisip ko na iyon marahil ang nag-iisang paraan upang muling ma-trigger ang spell at makabalik kami sa sarili naming panahon.   “You should have said that earlier,” sabi ni Wayne. “Bigla siyang tumigil sa pagtakbo at nanlaki nalang ang mga mata ko nang bigla siyang lumapit sa akin at walang pagdadalawang-isip na binuhat ako.   “What the hell are you doing?”   “Mayroon na lamang tayong sampung minuto bago mag-alas dose ng madaling araw kaya kailangan nating magmadali,” sambit niya at nagsimula na siyang tumakbo.   Tingin ko ay in-enhance niya ang kanyang mga paa upang bumilis ang kanyang pagtakbo nang sa gayon ay hindi kami mahabol ng mga bampirang kasunod namin at magawa naming maabutan ang pagpatak ng alas dose ng madaling araw kasabay ng paglabas ng bilog na buwan sa mga ulap na tumatakip dito ngayon.   “Maliban pa sa mga iyon, ano pa ang dapat nating gawin para makabalik sa panahon natin?” tanong niya.   “We will just have to offer some blood,” sabi ko.   “Blood?” aniya. “Whose blood?”   “Dugo ng mga nilalang na galing sa panahong ito at sa hinaharap,” sabi ko. “Iyon ang magbubukas ng daan pabalik sa atin.”   “Then, use mine.”   Umiling ako. “Your blood is too important and you know it. Hindi natin ito maaaring iwan sa panahong ito.”   “Importante din ang dugo mo,” aniya.   “May proteksyon ang dugo ko kaya hindi nila basta makikita ang kahit na ano sa alala ko,” paliwanag ko. “Pero iyang sayo, dugo ni Kei ang nasa mga ugat mo. Dugo ni Kei na nawalan na ng proteksyon dahil sa pagkakamali ko kaya hindi tayo maaaring mag-risk.”   Akma pa siyang sasagot ngunit hindi na niya itinuloy at pinili na lamang na itikom ang kanyang bibig.   “Anyway, isa din iyon sa dahilan kung bakit nililihis ko ang atensyon ng mga bampira sa atin,” dagdag ko pa. “Dugo nila ang gagamitin natin upang makabalik sa hinaharap.”   “Sigurado ka bang gagana ang ideya mong iyan?”   “Well…” Napaiwas ako ng tingin. “I don’t really know. But I am hoping because I don’t want to stay here any longer.”   Aba’y hindi naman masayang manirahan sa bansang ito.   Lagi lang akong nakakulong at hindi pa makakilos ng maayos dahil masyadong maraming madadamay kapag may nakaalam ng pagdating ko sa panahong ito.   At ayoko namang makagulo sa panahon dahil siguradong malaking pagbabago ang posibleng maganap sa hinaharap kaya ingat-ingat din ang ginagawa kong pagkilos.   “Ayoko na din naman pero wala ba tayong plan b diyan?” tanong niya. “Aba’y kapag na-corner tayo sa itaas, siguradong hindi natin maiiwasan na mabago ang hinaharap dahil posibleng ang ilan sa makaharap natin ay may malaking papel na gagampanan sa hinaharap.”   “Ang naisip ko lang ay kung hindi gagana ang plan A, I will just use the vela spell for us to have the opportunity to run away from them without fighting all of them.”   Tumangu-tango siya. “Okay, I will take note of that.”   “And oh.” Tumingin ako sa kanya. “No matter what happens, you need to stick close with me, okay? Lalo na kapag gumana ang ideya ko.”   “Why?”   “Naisip ko kasi na hindi ka naman talaga dapat kasama sa pagbabalik ko sa panahong ito,” sabi ko. “Para sa akin lang ang spell na iyon kaya ako lang dapat ang narito pero dahil niyakap mo ako nang ma-trigger ang spell ay napasama ka.”   “So, kailangan na yakapin kitang muli para masiguro na hindi ako maiiwan sa panahong ito?”   Tumango ako. “That would be the only way,”   “Okay,” aniya. “I will carry you throughout the process to make sure that the both of us will get home tonight.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD