Chapter 70

1123 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Seriously?” Hindi makapaniwala na sabi ni Zeri matapos kong ikwento sa kanya ang pinagdaanan namin ni Wayne sa nakaraan na pinagdalhan sa amin ng time travel spell. “You really met the first emperor of the Valier Kingdom and the first leader of the Ehrenberg Clan?”   Nakababad ako ngayon dito sa outdoor hot spring habang minamasahe ni Zeri ang aking balikat.   Medyo nakakapagod din talaga ang mga pinagdaanan namin kaya kailangan kong mag-relax.   Lalo na’t sa mga susunod na araw ay talagang mapapalaban ako sa maraming trabaho na matagal nang nag-aantay sa akin.   “To be honest, I was thinking that maybe it was all a dream,” sabi ko. “You know, things that my mind made up because I am always running away from my responsibilities.”   Higit isang linggo ang inilagi namin sa nakaraan. Pero ang oras na nawala kami sa panahong ito ay halos limang oras lamang. Ibang-iba sa naging karanasan ko noong napunta ako sa panahon ni Mommy Heya kung saan naglagi lamang ako ng ilang linggo doon pero inabot ng dalawang taon ang pagkakawala ko sa sarili kong panahon.   At iyon ang isa sa hindi ko maintindihan tungkol sa time travel.   Kaya naiisip ko na baka panaginip lang ang lahat ng iyon. Pero imposible naman na magkaroon kami ni Wayne ng parehong panaginip sa magkaparehong pagkakataon kaya iyon ang pinagbabasehan ko na totoo ang lahat ng nangyari.   Isa pa, alam kong ang bawat pakiramdam na nararamdaman ko habang kasama sina Kreyo at Hariya ay totoo at hindi lang isang bunga ng aking malikot na imahinasyon.   “Pero alam kong totoo ang lahat ng nararamdaman ko noong nasa panahong iyon ako kaya nakasisiguro akong totoo ang lahat ng nangyari,” dagdag ko.   “Ibig sabihin ay talagang nakatadhana na makabalik ka sa nakaraan upang iligtas ang tatlong iyon?” aniya na tinanguan ko.   “Buong akala ko nga ay aksidente lang ang lahat,” sabi ko. “Na hindi para sa akin ang spell na inilagay ng pamilya ko sa mga history book na nasa library pero isang malaking pagkakamali iyon. Everything is all according to what fate wants.”   Hindi pa man ako ipinapanganak ay inilalatag na ng tadhana ang mga bagay na dapat kong gawin para sa ikauunlad ng bansang ito.   Inihahanda na niya ang mga dapat kong harapin para sa magiging kinabukasan ng bansang wala namang ibang ginusto kundi kapayapaan.   At matagal nang itinalaga ng tadhana ang lahat ng responsibilidad na kailangan kong pasanin para sa ikabubuti ng buong Valier Kingdom.   Bumalik ang sa panahon kung saan nanganganib ang buhay ng mga nilalang na siyang magsisimula ng pagbabago sa bansang ito. Bumalik ako sa panahon kung saan kailangan kong harapin si Kei nang sa gayon ay maging isa siyang mabuting emperor na mayroong sariling desisyon at paninindigan at hindi kailanman magagawang kontrolin ng kahit sino.   Ako.   Ako ang simula at wakas ng lahat ng pagbabagong nagaganap sa bansang ito. At ako lang din ang nag-iisang paraan upang tuluyan nang makamit ng Valier ang pinakainaasam nitong panghabang buhay na kapayapaan.   Napahawak ako sa aking dibdib.   “Napansin ko lang,” sabi ni Zeri. “Parang mayroong malaking pagbabago ang naganap sa iyo.”   Bumaling ako sa kanya at kumunot ang noo. “What do you mean?”   Nagkibit balikat siya. “Hindi ko kayang i-explain but you have change a lot. Epekto ba iyan ng paglalagi mo sa nakaraan?”   “Hmm…” Napaisip ako. “I don’t really know what you are saying. Wala naman kasing nagbago sa akin maliban sa isang bagay.”   Siya naman ngayon ang nagkunot ng noo. “And what is that?”   “I just realized that no matter what I do, I can never get the simple and normal life that I really want,” sabi ko. “Maliban na lang kung tatanggapin ko ang tadhana ko at pansamantalagang ipagpapaliban ang sarili kong pangarap.”   “Are you telling me that you are now willing to take down the Shiann?”   “Well, wala pa iyan sa plano ko,” sabi ko. “Ayoko munang pagtuunan ng pansin ang angkan na iyon dahil sa ngayon ay may mas higit tayong dapat alalahanin.”   “And that is?”   “Ara Sierra,” sabi ko. “We need to find her as soon as possible. Kailangan din natin na malaman kung ano ang ginawa niya sa mga unang anak ng mga Shiann na ibinigay ni Hei sa kanya.”   “Hindi iyan magiging madali,” sabi niya.   Tinaasan ko siya ng kilay. “At bakit?”   “Ilang henerasyon na din ng pamilya namin ang nagtatangkang hanapin ang babaeng iyon,” paliwanag niya. “Alam ng buong angkan na siya ang dahilan kung bakit naubos ang lahi ng mga bampira kaya isang panganib ang tingin namin sa kanya. A threat to you when you come back here so we did our best to track her but unfortunately, masyadong magaling magtago ang isang iyon.”   Masyado na akong pinapahanga ng mga Andrade. And I can see how much loyalty they have for me even though they never met me in person.   Ang tanging alam lamang nila sa akin ay ang mga salitang iniwan sa kanila ni Zeldrix but most of them are still decided to serve and protect me without having a second thought.   “Well, I can’t blame you for that,” sabi ko tsaka ipinatong sa kanyang ulo ang aking kamay. “Ara is more powerful than Kei so you don’t have the ability to track her. Kaya niyang itago ang sarili niya, maging ang mga batang kinukuha niya kay Hei.”   “If that is the case, then paano natin siya hahanapin ngayon?”   “But she is no match against me,” sabi ko at ngumisi. “With just one clue, it will be easy for me to find her location.”   “One clue?”   Tumango ako. “Isang clue na siya mismo ang magbibigay sa akin.”   “And how is that possible?”   Hindi na ako sumagot pa sa kanya at sinenyasan ko na lang siya na ipagpatuloy ang pagmamasahe sa akin.   Wala naman siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga at itinuloy ang pinag-uutos ko sa kanya.   Hindi pa naman kasi ito ang tamang panahon para malaman niya ang lahat. Mas makakabuti kung wala pa siyang nalalaman sa kung paano kumilos si Ara nang sa gayon ay hindi makatunog ang babaeng iyon sa mga pinaplano kong gawin.   Gusto ng tadhana na pagtuunan ko ng pansin ang mga nilalang na walang ibang dala sa bansang ito kundi kaguluhan, pwes, iyan ang gagawin ko.   Kaya humanda na silang lahat dahil sa pagkakataong ito, hindi na ako magho-hold back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD