Chapter 71

1188 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Sinasabi mo ba na mayroong hawak na dugo ng isang rogue vampire ang mga Shiann at iyon ang ginamit nila para gawing bampira ang ilan sa mga preso na nakakulong doon nang sa gayon ay mapag-aralan nila ang mga ito?” paninigurado ko sa sinabi ni Xan.   Nang sabihin ni Zeri na nakabalik na si Xan ay agad ko siyang pinatawag dito sa mansion nang sa gayon ay malaman ko agad ang resulta ng pinagawa ko sa kanya.   At sinabi nga niya na ang mga rogue na nakakulong sa ilalim ng palasyo ay mga baguhang bampira pa lamang na ginawa lamang ng mga Shiann.   “Iyan nga ang sinasabi ko,” sambit niya. “They are experimenting on those rogue vampires to create a weapon that they will use against us.”   “Ibig bang sabihin nito ay may plano silang kalabanin talaga ako?”   Nagkibit-balikat siya. “I am not really sure. But they are aware that one day, you will be back here. At posibleng iyon ang pinaghahandaan nila. They are planning to create a weapon against you.”   Inis kong ginulo ang aking buhok.   Well, alam kong wala silang masyadong malalaman tungkol sa isang rogue vampire blood. May epekto ito sa akin pero hindi naman fatal.   Lalo na ngayon na napag-aralan ko na din ang dugo ng mga bampirang iyon kaya magagawa kong makontra iyon kahit pa gamitin sa akin.   Pero hindi pa din maganda na mayroong malaman ang mga taong iyon tungkol sa dugo ng mga bampira lalo na’t alam naman namin na wala silang ibang gagawin kundi ang wasakin ang bansang ito at hayaan ang ibang bansa na makialam sa pamamalakad dito.   “Wala pa sana akong planong pakialaman ang mga iyon pero mukhang hindi maaaring manahimik na lamang ako,” sabi ko.   “What should we do now?”   “I will handle it personally for now,” sabi ko tsaka tumayo at nag-inat. “May ibang bagay akong ipapagawa sa iyo pero magpahinga ka muna. Sa susunod ko na ipapaliwanag ang detalye.”   Tinitigan niya ako ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay tinaasan niya ako ng kilay. “It looks like you are ready to do your job.”   “I am,” sabi ko. “For the sake of this country. And for the sake of the life that I really want to have since day one.”   “Then, I will be glad to assist you in anything you need.”   Ngumiti ako. “Thanks. And oh,” Lumapit ako sa kanya. “Did you know about the Richelle Clan?”   Kumunot ang noo niya. “Wain’s clan?”   Tumango ako.   “What about them?”   “Wain is alive,” sabi ko na ikinalaki ng kanyang mga mata.   Mukhang hindi nga lahat ng bagay ay ipinaalam nila kay Xan. Sa kanilang lahat kasi, ito ang expose sa buong mundo at lahat ng nagnanais na malaman ang mga sikreto ng mga bampira ay siya ang inoobserbahan.   “W-what?” Napatayo siya. “Buhay ang lokong iyon?”   Tumango akong muli at sinimulang ikwento sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin ni Papa Wain. At hindi nawawala ang pagkabigla sa kanyang mga mata sa buong sandali na nagkukwento ako sa kanya.   Hanggang sa muli siyang mapaupo sa kanyang upuan habang hawak ang kanyang ulo. “I can’t believe that they manage to hide all of those things to me. Hindi lang si Wain. Kahit si Kei na itinuturing naman ako na pinaka pinagkakatiwalaan niyang kaibigan ay hindi din niya sinabihan ng kanyang mga plano.”   “Are you mad?”   “Of course not,” mabilis niyang sabi tsaka tumingin sa akin. “I can understand why they did that. Alam kong sinisiguro lang nila na hindi ako pakikialaman ng mga taong nag-aagawan sa trono ng bansang ito.”   “Right,” sabi ko. “They only want to make sure that you will stay alive because I really need you in this era.”   “But I still can’t believe that they manage to hide all of that,” aniya. “Akala ko ay alam ko na ang lahat.”   “Well, magaling magtago ang mga iyon eh.” Ginulo ko ang buhok niya. “So, they will be one of the groups that will back us up when I decide to do something about the Shiann.”   “You have the Richelle and Andrade Clan,” aniya. “You have the power of the half-blood and the influence of the Ehrenberg Clan so I think you will be able to achieve your goal.”   “And I have you,” dagdag ko. “You are also powerful enough to help me get back what the vampire race really owns.”   Ngumiti siya at nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin. Isinubsob pa niya ang kanyang mukha sa tiyan ko dahil nananatili siyang nakaupo habang ako ay nakatayo sa harap niya.   “Xan?”   “I am kind of tired,” sambit niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. “Let me stay here for a minute.”   “Did I give you a tough assignment?”   “Hindi naman masyado,” sabi niya. “Pero alam mo naman na talagang nakakapagod makipag plastikan sa mga mortal na alam kong dahilan kung bakit biglang naging ganito ang buhay natin.”   “But you are doing a good job.” Sinimulan kong haplusin ang kanyang buhok. “Despite everything that you experience. Living alone for almost one thousand years. You did a great job, Xan.”   “Because I know that this is for our race, for this country,” aniya. “For Kei. And for you. Despite everything that happens, alam mong hindi mawawala ang loyalty ko sa inyong dalawa ni Kei.”   “I know that.” Bahagya ko siyang inilayo sa akin at hinawakan ang kanyang dalawang pisngi para maiangat nang sa gayon ay magtama ang aming mata. “And I appreciate everything you did for me. But Xan.”   “Hmm?”   “It is okay.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “It is okay to get tired and become weak. You are not alone anymore.”   Matapos kong sabihin iyon ay unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata at ilang sandali lang ay tuloy-tuloy na itong umagos sa kanyang pisngi.   Sa isang libong taon niyang paghihintay sa akin, alam kong hindi naging madali ang lahat para sa kanya.   Sa loob ng maraming taon na iyon ay ilang mortal na din ang kanyang nakasama at nakasalamuha. At lahat ng iyon ay isa-isang nawala sa kanyang tabi.   Hanggang sa nagdesisyon na lamang siyang lumayo sa mga ito at ipakita na malakas siya kahit mag-isa lang siya.   But I know this man more than anyone.   He suffered for all those years so I think it will be nice for me to let him know that everything will be okay, now that I finally came back.   He will not be alone anymore. And we will fight those people who ruin our lives together.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD