Chapter 72

1168 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Dahil sa pagbabalik ni Xan ay bumalik na din kahit paano sa normal ang araw namin. Lagi na kaming magkasabay ni Zeri sa pagpasok at pag-uwi pero tulad ng nakagawian ko ay lagi akong tumatambay sa office ni Xan tuwing afternoon class.   Sapat na kasi para sa akin ang mapalibutan ng mga tao sa loob ng apat na oras sa umaga. Kahit paano ay hindi na ako naghahanap ng dugo kahit pa madami silang nasa paligid ko.   Pero hindi naman ibig sabihin ng pagre-relax ko sa umaga ay wala na akong ginagawa.   Pinapanindigan ko naman ang mga sinabi ko noong nakaraan.   Na handa na akong saluhin ang responsibilidad na pinipilit sa akin ng tadhana kaya nagsisimula na akong pakialaman, hindi lang ang Shiann kundi maging ang grupo ni Ara na nagpaparamdam na din sa wakas.   At ang una kong target ay ang mga rogue vampire na nakakulong sa ilalim ng palasyo.   Noong mga unang gabi ay nagmamasid lang muna ako sa palasyo at nang makabisado ko na ang bawat galaw ng mga tao doon ay sinimulan ko na ang pagpuslit.   Isa-isa kong pinatay ang mga rogue vampire na kanilang bilanggo at sinira ang mga resulta at equipment na mayroon sila doon.   At dahil sa ginawa kong iyon ay nagsimulang magkagulo ang buong palasyo kaya lalong naghigpit ang kanilang seguridad.   Hindi naman iyon ipinamamalita sa labas dahil mauungkat ang kanilang mga ginagawa sa ilalim ng palasyo pero siguradong ako na ang una nilang pinagbibintangan.   Pero kahit ilang araw na ang nakakalipas ay wala pa ding nagtatangka sa mga Shiann na lumapit sa akin at harapin ako.   “Sa tingin mo ba ay kikilos na sila?” tanong sa akin ni Zeri habang tinatahak namin ang daan papunta sa school namin. “Masyado ng malaki ang gulong sinimulan mo.”   “They will,” sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa dinadaanan namin. “Tulad ng sinabi mo, masyado nang malaki ang gulong sinimulan ko at nagparamdam na din ako sa kanila kaya naman hindi nila palalampasin ang pagkakataon na harapin ako.”   At sa susunod na mangyayari ay mako-confirm ko din kung ang grupo nga ba ni Ara Sierra ang sinasabi ni Lutia na siyang gusto akong kunin.   “Hindi ko alam ang plano mo at wala naman akong problema doon pero sana naman ay bigyan mo din ako ng trabaho na makakatulong sa iyo,” maktol niya. “Palagi mo nalang akong ipinaiiwan sa bahay eh.”   Bumaling ako sa kanya. “Alam mo, sa ngayon kasi ay hindi pa kita kailangan kaya huwag kang masyadong excited, okay? Ako mismo ang magsasabi sa iyo kapag nagsimula na ako sa talagang mga plano ko.”   “Hindi pa ba ito ang plano mo?”   Umiling ako. “Pampaingay pa lang ito,” sabi ko. “Para palabasin ang lahat ng kalaban. I am giving them clues about my existence and observing who will come after me at doon ako magpo-focus.”   Sa ngayon din kasi ay tapos na ang trabaho ko sa mga Shiann. Nasa kanila na lang kung gagawa sila ng ikakukuha ng atensyon ko, baka mapaaga ang pagpapalayas ko sa kanila sa palasyo.   “Hay nako.” Ginulo niya ang kanyang buhok. “Ikaw na nga ang bahala. Plano mo naman iyan kaya hihintayin nalang kita hanggang sa ikaw na mismo ang magbigay sa akin ng trabaho.”   Nginitian ko nalang siya at muling ibinalik ang tingin sa dinadaanan ngunit agad kumunot ang noo ko nang makita ang kaguluhang nagaganap sa labas ng school namin.   Ang akala ko ay isang simpleng gulo lamang iyon ngunit nang tuluyan kaming makalapit sa mga ito ay agad akong napatakip ng ilong.   “What is it?” tanong sa akin ni Zeri. “Did you smell something?”   Tumango ako. “Sila.” Tukoy ko sa limang lalaki na ngayon ay nanggugulo sa labas ng gate ng school. “They all look like normal people but there is something weird about them.”   Kumunot ang kanyang noo. “What do you mean? Bampira din ba sila?”   Umiling ako at nagkibit balikat. “I can’t really explain it but they are not human but they are not also a vampire.”   “Hindi mortal at hindi din bampira?”   Akma akong lalapit sa mga lalaking iyon ngunit natigilan ako nang biglang sumulpot si Xan sa harap ko kaya napataas ang kilay ko sa kanya. “What is it?”   “To my office.” Sinenyasan pa niya ako at si Zeri na sumunod sa kanya. Habang ang ilang security at professor naman ang kumakausap sa mga nangugulong mga lalaking iyon kaya hindi na ako nakialam at sumunod nalang kay Xan.   “Who are they?” agad kong tanong kay Xan nang makarating kami sa office niya. “They are not normal, Xan.”   “I know,” sagot niya. “They are different and I am aware of that but we can’t do anything bad about them.”   Kumunot ang noo ko. “Why?”   “They are exchange students from Third Kei University that bases out of the country,” sabi niya. “Basically, they are special envoys from different countries and the palace is holding them dearly.”   “They are connected to the palace?”   Umiling siya. “They are not actually connected with the Shiann Clan but the palace needs to show that everything in Valier is good so that some investors around the world will come here and start their business.”   “They need them so they decided to protect them even though they are not some human or vampire?” ani Zeri na tinanguan ni Xan.   “Kaya ngayon palang ay hinihiling ko na huwag nyo na lang munang pansinin ang mga iyon,” sabi niya. “Ipaubaya nyo na lang muna sila sa mga professors at staffs ng school.”   “But Xan!”   “Please, Heyd.” Bakas ang pagmamakaawa si Xan kaya naman natigilan na ako. Alam kong magiging masama ang tingin ng mga tao sa First Kei University kapag may nangyaring hindi maganda sa mga envoy na iyon at iyon ang iniiwasan ni Xan kaya napabuntong hininga na lamang ako.   “Fine,” sabi ko na ikinahinga niya ng maluwag. “But you have to remember that once they did something wrong, hindi ako magdadalawang-isip na makialam at iligpit sila, okay?”   Tumango siya. “Noted, Heydrich.”   “Sige na,” sabi ko. “Pupunta na kami sa klase.” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at agad ko nang hinila palabas ng office si Zeri.   “Are we really going to let those people off the hook?” tanong ni Zeri.   “For now, yes,” sagot ko. “Kahit para kay Xan lang. Pero tulad ng sinabi ko kanila, hindi ako magdadalawang-isip na makialam at patulan ang mga iyon kung may gagawin silang kalokohan sa lugar na ito. Kaya naman kailangan nating mag-ingat at magmanman.”   “Copy that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD