Chapter 73

1217 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Alam kong dapat ay pinai-imbestigahan ko na ang tungkol sa mga lalaking iyon na ramdam kong mga hindi normal na mortal pero dahil nasa loob sila ng teritoryo ni Xan ay kailangan kong magpigil muna.   Ayokong ilagay sa alanganing sitwasyon si Xan lalo na't malaki ang posisyon ng mga lalaking iyon.   Kaya naman kahit ipinagsisigawan na ng kutob ko na may gagawing hindi maganda ang mga iyon ay pinipilit kong huwag gumawa ng kahit ano.   At itinuon ko na lang ang atensyon ko sa nag-iisang bagay na gustong-gusto kong gawin.   "Anak ka talaga ni Heya, Heydrich."   Napalingon ako kay Xan na nakaupo sa kanyang mesa habang nakatingin sa akin. "Syempre. Hindi naman mapagkakaila iyon eh."   "Kaya nga," aniya. "Kaya pati ang hilig niya sa pagtulog ay kuhang-kuha mo din."   Well, isa lang naman ang pagtulog ko sa mga bagay na gusto kong gawin. At ito ang madalas kong gawin kapag nandito ako sa office ni Xan.   Kaya nga kung noon ay dito siya nagpapa-meeting kapag may kailangan silang pag-usapan ng mga staff niya, ay napipilitan silang lumipat sa conference room.   "Aba'y alam mo naman na sa pagtulog din namin kinukuha ang lakas namin," sabi ko. "This helps us limit our consumption of human blood and the Sierra's blood that will soon turn us fully into a vampire."   Hindi naman kasi pwedeng lagi kaming iinom ng vampire or human blood. Higit lang nitong pabibilisin ang pagiging full blood vampire ng tulad namin na siyang magpapahina sa katawan namin para gamitin ang kapangyarihan at kakayahan na mayroon kami.   Kaya sa pagtulog namin binabawi ang lakas namin.   Maliban pa doon, higit din itong nakakatulong sa akin lalo na ngayon na maging ang kakayahan ni Kei ay unti-unti nang naipapasa sa akin.   "Alam ko naman iyon," aniya. "Pero kailangan ba talaga na dito ka matulog?"   "Oo naman!" mabilis kong sabi at bumangon. "Ito lang sa lahat ng silid sa lugar na ito ang alam kong makakatulog ako ng maayos."   Bumuntong hininga siya. "I don't really mind what you are doing here. Pero nagrereklamo na kasi ang mga staff ko."   Kumunot ang noo ko. "Why?"   "Alam mo naman na nasa fifth floor pa ang conference room habang nasa third floor lang itong opisina ko."   "Oh?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kinalaman ko doon?"   "Napapagod silang umakyat," aniya. "Palaging puno ang elevator kaya wala silang choice kundi ang gumamit ng hagdanan."   "Nako, hindi ko kasalanan iyon." Muli akong nahiga sa sofa. "Kung gusto nyo ay doon kayo sa grounds mag-meeting."   Napasapo siya ng noo at bumuntong hininga. "The clinic is open for you, you know that, right?"   "I know," sagot ko. "Pero hindi ako feel safe sa lugar na iyon. At anytime ay maaari din akong istorbohin noong mga estudyante na masyadong curious tungkol sa akin at sa angkan ko."   Napakamot siya ng ulo. "Then, I guess I don't really have any choice."   "Ah!" Muli akong bumangon at tumayo tsaka lumapit sa kanya. "May kailangan pala akong itanong sa iyo."   Kumunot ang kanyang noo. "What is it?"   "Well, noong nakaraan ko pa dapat ito itatanong pero lagi kong nalilimutan dahil sa mga bagay na inuna natin," sabi ko. "But it has something to do with your friend."   "My friend?"   Tumango ako. "That vampire that sneaks in your balcony. I met him once and he said that he is your friend. And his name is Dainsleif."   Nanlaki ang mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan nito. "You met him?"   Tumango akong muli.   "s**t!" Ginulo niya ang kanyang buhok at bakas ang matinding kaguluhan sa kanyang mga mata.   "Are we not supposed to meet?"   Bumaling siya sa akin at umiling-iling. "No. It is not like that."   "Then, what is it?"   "Dainsleif is a special case," aniya. "He was once human and only turned into a vampire not long ago. Actually, hindi niya kagustuhan na maging bampira kaya nang makakita ng pagkakataon ay agad siyang tumakas palayo sa grupong iyon."   "Ibig bang sabihin nito ay isa lamang siyang common or rogue vampire?"   Muli siyang umiling. "Like what I said, he is a special case kaya naman nagtutulungan kaming dalawa upang malaman ang dahilan kung paano siya naging isang monarch vampire despite him being a human before."   Nanlaki ang mga mata ko. "H-he is a monarch vampire?"   I knew it. That was the weird feeling that I felt when I met him. That strange feeling that even though he was once human, his body managed to emitted powerful mana all over his body.   "B-but how is it possible?"   He shrugged his shoulders. "I don't really know. As far as I know, only you have the ability to turn a human into a monarch vampire. While the rest of the monarchs, including Kei, Kelliar and even Ara can only produce elite and common vampires despite how powerful they are."   If that is the case, then there is no way in hell that I was the one who turned Dainsleif into a vampire because I was in a deep sleep for two thousand years.   And now that I think about it, posible kaya na ito ang plano ng mga grupong naghahabol sa akin. Ang gamitin ako para muling makabuo ng mga monarch vampire na siyang nagtataglay ng malalakas na kapangyarihang kanilang magagamit para sa pansarili nilang adhikain?   "Are you sure that it was only me?" tanong ko. "Hindi lamang ako ang nag-iisang bampira na may ganoong kakayahan, hindi ba? Paano kung--"   "It was not any of your siblings, Heyd," aniya. "I know that I told you that they are just suddenly disappeared but now that you make yourself visible to the whole world for some time now, sa tingin mo ba ay hindi ka agad nila pupuntahan kung sakali man na buhay pa sila sa panahong ito?"   Natigilan ako dahil may punto ang sinasabi niya.   Inilantad ko ang sarili ko hindi lamang para ipakita sa buong mundo na may isa pang Ehrenberg na natitirang buhay. Pero maliban doon, gusto ko ding ipaalam sa lahat na buhay na buhay si Heydrich Ehrenberg dahil sa pagbabakasali ko na buhay pa din ang mga kapatid ko at naghihintay lang sila ng pagkakataon para makabalik.   Pero lumipas na ang higit isang buwan ngunit wala pa din sila.   "I am not saying that you have to give up on them being alive," sabi pa niya. "Dahil maging ako naman ay nananalangin na sana ay buhay pa sila dahil hindi ko naman sila nakitang namatay. They just disappeared like a bubble. But I can assure you that they are not involved in anything that has been happening here in Valier for some time now."   "I know," sabi ko. "I am sorry for thinking like that. I just miss them so much but I don't even know if they are still alive or not."   Nilapitan niya ako pagkuwa'y ipinatong ang kanyang kamay sa aking ulo. "I know that, Heyd. But please don't expect too much. Ayokong lalo ka pang masaktan kapag mali ang inakala mo tungkol sa kalagayan nila ngayon."   Tumango na lamang ako. "For now, let me meet Dainsleif again."   Kumunot ang kanyang noo. "For what?"   "I want to know how they turned him," sabi ko. "And I can only know that if I examine him personally."   Tinitigan niya ako pagkuwa'y bumuntong hininga. "Fine. I will call him."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD