THB's Last Battle Chapter 6

1116 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Answer me, Heydrich Ehrenberg,” madiing sabi ni Dainsleif na ngayon ay nakatayo sa harap ko. “Are you really trying to avoid me?” “N-no!” sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. How does he even know that I am trying my best to avoid him? Eh si Wayne lang naman ang nakakaalam ng dahilan. “You are lying,” giit niya. “Why are you avoiding me?” “No, I am not!” balik ko sa kanya. At sa pagkakataong ito ay ibinalik ko na ang tingin ko sa kanya. “At ano naman sa iyo kung sakaling iniiwasan nga kita? We are not even close enough for you to react like that.” Natigilan siya matapos kong sabihin iyon and to be honest, gusto ko iyong bawiin agad dahil hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. I was just being cornered on something and I don’t want it to admit. “I…” Umiling ako. “No!” pigil ko sa kanya. “Don’t even say sorry.” Ako nga dapat ang mag-sorry dahil sa ganitong reaksyon ko pero ayoko ding gawin dahil tama naman kasi siya na iniiwasan ko talaga siya. “Let’s just think of a plan of how we are going to bring these people out of here without putting them into much danger.” “Ah, right,” aniya tsaka inilatag sa aking harap ang mapa ng buong city. “I was thinking if we could use the underground tunnel.” Itinuro niya ang bawat parte ng tunnel na aming dadanann para makarating sa bukana ng Ehrenberg Mountain. “Matagal nang isinara ang mga underground tunnel na ito and I already check it kaya nasisiguro kong magiging ligtas ang mga mortal na ito kung doon tayo dadaan.” “Pero hindi pa din imposible na maging delikado ang sitwasyon natin kapag nakatunog ang mga kalabang bampira kung nasaan tayo,” “This tunnel will give much more advantage to us,” aniya. “Kaunti lang ang bilang ng mga nilalang na kayang lumaban sa kanila sa panig natin at dahil hindi ganoon kalaki ang space ng mga tunnel ay mahihirapan silang sumugod ng maramihan.” “Oh.” Tumangu-tango ako. “That makes sense.” Sa ganitong space, magiging madali para sa akin na gamitin ang kapangyarihan ko dahil malilimitahan ang kakayahan ng mga kalabang bampira kapag sinubukan nila kaming sugurin sa mga tunnel na ito. “Sa tingin mo ay gaano katagal bago tayo makarating sa bukana ng Ehrenberg Mountain?” tanong ko sa kanya. “Maximum of three days,” sagot niya. “Iyan ay kung wala tayong makakaharap na problema sa ibaba. Higit iyong mas matagal kung sa ibabaw kami dadaan na halos isa hanggang dalawang araw lang ang itatagal ng byahe mula dito hanggang sa Ehrenberg Mountain. Pero ito lang ang nag-iisang way na mayroon kami kung saan nasa amin din ang advantage at makakasiguro pa kami na makakarating ng ligtas sa destinasyon namin nang hindi masyadong napapalaban. “Then, I guess we have to get ready for this.” Wala na din naman kaming ibang pagpipilian kaya mas mabuti ng isagawa ang planong ito sa lalong madaling panahon. Hindi na din kasi maganda ang pakiramdam ko sa labas ng building na ito at ramdam ko na habang nagpapalipas kami ng oras sa lugar na ito ay dumadami lalo ang mga bampira na nagpapakalat-kalat sa labas nito. At inaasahan kong anumang oras mula ngayon ay magsisimula na silang umatake dito kaya kailangan na naming kumilos. “Then, I will tell everyone about it,” sabi niya tsaka mabilis na pinuntahan ang mga mortal na kanyang kasama. “Okay ka na?” tanong sa’kin ni Graysean nang makalayo na si Dainsleif. Tumango ako. “Wayne’s blood helps me calm down.” “Nakita ko nga,” aniya. “Pero sa tingin ko ay dapat mo na ding harapin ang katotohanan tungkol sa lalaking iyon. Dahil kahit anong takbo mo ay hindi mo na mababago ang pagkataong bumabalot sa kanya.” “He is a Shiann.” “But he is also Kei,” giit niya. “It was just blood and flesh that made him part of the Shiann Clan. His soul is still Kei and it should be your reason to trust him.” Bumaling ako sa kanya. “Are you telling me that it is okay for me to trust a person who is part of the reason why our race was once on a brick of extinction.” “Don’t be too emotional about that, Heyd.” Tinapik niya ang balikat ko. “Yes, he is part of that clan. But the real perpetrator of everything that has been happening to our race and this country is not him.” “But–” “Hindi niya ginusto na mapabilang sa angkan na iyon,” dagdag niya bago pa ako makapagsalita. “Nagkataon lang na doon siya nilagay ng tadhana at hindi siya binigyan ng choice para mamili ng magiging pamilya niya.” “Alam ko naman iyon.” “But he still chose the right side,” aniya. “He still chooses your side and not his family’s side despite the blood that has been circulating inside his body. Despite the bond that they have, he still chooses to be at your service.” Bumuntong hininga ako. “Fine.” Inirapan ko siya. “Naiintindihan ko na kung ano ang gusto mong iparating.” “All I am saying is that, don’t waste your fvcking time on drama,” natatawa niyang sabi tsaka ginulo ang buhok ko. “Minsan na kayong pinagkaitan ni Kei ng pagkakataon para magkasama. Huwag mo na sanang ulitin pa iyon sa pagkakataong ito kung saan binibigyan ka na ng chance para makapiling siya.” Well, I won’t deny that I am making these things a really big deal. Hindi nga naman ginusto ni Kei na ma-reincarnate sa pamilya na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay at muntik na pagkaubos ng aming lahi. Hindi din naman siya ang pumili ng tadhana niya ngayon kung saan kasama siya sa angkan na naging dahilan kung bakit nagdusa si Hei. Kaya hindi ko na dapat ito palakihin pa. Dahil parang ako lang din ang pumipigil sa sarili ko na muli na siyang makasama gayong malinaw na naman sa amin na siya talaga ang reincarnation ni Kei. Bahagya akong tinulak ni Graysean papunta sa direksyon kung nasaan si Dainsleif. “You better talk to him now, Heyd. I had this feeling that if you let this chance slide, you won’t be able to see him again for a very long time.”

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD