Chapter 5

1310 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Zeri,” tawag ni Xan sa pangalan nito pagkuwa’y bumuntong hininga. “Could you please lower your voice?”   Kumunot ang noo nito. “Bakit naman? Wala namang ibang--”   Pwersahan nang iniharap ni Xan ang ulo ng lalaking ito sa direksyon ko. “May iba na tayong kasama dito.”   Tinitigan ako nito pagkuwa’y kumunot ang noo. “Who are you?”   Gusto kong matawa sa naging reaksyon ni Xan dahil sa pagiging ignorante ng lalaking iyon pero iniiwasan ko nalang dahil mukhang sakit na niya ng ulo ito.   “Idiot!” singhal ni Xan pagkuwa’y binatukan ito. “She is the last Ehrenberg. The last half-blood vampire of Ehrenberg Clan.” Hindi niya tinigilan ang pambabatok na ginagawa dito. “Meaning, she is your master.”   “O-Oo na,” alma ng lalaking iyon. “Gets ko na.”   “Hindi.” Hindi ko malaman kung naiinis ba o natatawa si Xan dahil nakangiti siya pero halata namang gigil ang paghampas niya sa ulo ng lalaki. “Mukhang hindi mo pa naiintindihan. You should know it right before you enter this mansion. After all, you have her blood in your veins yet you didn’t even notice her right in front of you.”   “Xan,” tawag ko dito at sinenyasan na tigilan na niya ang ginagawa. “You can’t blame him.”   “You don’t understand, Hope.”   Umiling ako. “Like what I said, you can’t blame him because I am already hiding my presence with everyone.” Isa iyon sa kakayahan ko na tingin ko ay kahit ang mga nilalang na nagtataglay ng dugo ko ay naapektuhan din.   Natigilan siya at marahil ay doon lang napansin ang ginagawa ko dahil kanina pa niya ako kausap.   “That’s the first thing I practiced earlier.” I said. “And I think, you wouldn’t even manage to notice me if Wayne didn’t tell you where you will be able to see me.”    “Now that you mention it.”   Bumaling naman ako sa lalaking kahawig ni Zeldrix. “And you…”   He immediately bent one of his knees and bowed in front of me. “Master. I am Zeri Andrade, your servant.”   “You don’t have to bend your knees and bow to me.”   “No, master,” he said. “This is what I should be doing when I am in front of you because you are my master. My ancestor made a promise to you and we are willing to fulfill it until the last breath of our family.”   I sighed. “Can someone in this mansion have the ability to treat me as equal?” Tumingin ako kay Xan.   “Don’t look at me, Hope,” aniya. “That is what they learned from their parents and it has nothing to do with me. Kung may sisisihin ka, eh ‘di si Andrade. Kasi iyan ang ibinilin niya sa mga sumunod sa henerasyon niya.”   Umismid ako. “As if I can do that.” Ibinalik ko ang tingin kay Zeri na hanggang ngayon ay nakaluhod at nakayuko pa din.   “Then, as my servant, you have to obey my orders.”   “Yes, Master.”   “Stand up and just call me Hope.” sabi ko.   Napaangat ang kanyang ulo at bakas ang kanyang gulat sa sinabi ko. “Pero--”   “That was an order, Zeri,” madiin kong sabi. “So, I will be expecting you to obey it without complaining.”   Tumayo siya at tumango, “As you wish, H-Hope.”   Ngumiti ako. “Anyway, wala pa din namang nangyayari sa training ko at nandito na din naman kayo kaya mabuting samahan niyo nalang ako.”   Kumunot ang noo ni Xan. “Saan tayo pupunta?”   “May gusto lang akong puntahan.” Iniligpit ko muna ang mga ginamit ko pagkuwa’y hinablot ang jacket ko tsaka lumabas ng silid. “Let’s go.”   “Do I need to come with you too, Hope?” tanong ni Wayne na kakapasok lang din ng library.   “You can just stay here,” sabi ko tsaka itinuro ang kapatid niya. “I will have him and Xan with me so I think that will be enough. I will just call you if we need help.”   “As you wish.”   Hinila ko na sina Zeri at Xan palabas ng mansion. Eksakto naman na nandoon ang kotse ni Xan at iyon na ang ginamit namin paalis.   “Saan mo ba planong pumunta?” tanong ni Xan habang nagmamaneho.   Kinuha ko ang mapa sa bag na dala ko at iniharap iyon sa kanya.   “Anong gagawin natin sa Cory Mountain?” tanong naman ni Zeri.   “Alam kong matagal na panahon nyo na ding hindi nabibisita ang lugar na iyon kaya naman gusto kong malaman kung ano na ang sitwasyon sa lugar na iyon.”   “Hmm,” ani Xan. “Ang pagkakaalala ko, nang matapos ang huling gulo sa bansang ito at naipasa na sa mga mortal ang pamumuno dito ay naging restricted area ang Cory Mountain.”   “Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok doon kaya naman wala nang nakakaalam kung ano ang mayroon sa lugar na iyon,” dagdag ni Zeri. “Pero may mga sabi-sabi na bumabalot dito kung saan tinayuan daw ng isang facility ang tuktok ng bundok na iyon at doon dinadala ang mga miyembro ng royal family na nagkakaroon ng sakit.”   Kumunot ang noo ko. “Sakit?”   “Ah, the Royal Disease?” sabi ni Xan. “Matagal na panahon na ding pinagpapasa-pasahan ng royal family ang sakit na iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa din nila alam kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng ganoong sakit.”   “Royal Disease? Ano iyon?”   “Ang kasalukuyang royal family ay may tatlong branch,” panimula ni Zeri. “At bawat unang anak sa tatlong branch na iyon ay ipinapanganak na mahina ang pangangatawan. At habang lumalaki sila ay unti-unting nauubos ang kanilang dugo.”   “Nauubos ang dugo?”   Tumango siya. “Misteryoso pa din ang sakit na iyon sa lahat dahil tanging royal family lang at ang mga unang anak lamang nila ang nakakadanas ng sakit na iyon kaya naman hindi na nakakapagtaka na hanggang ngayon ay wala pa din silang nakukuhang sagot.”   “At ang mga nagkakasakit na miyembro ng royal family ay dinadala sa Cory Mountain?”   “Iyon ang sabi-sabi pero walang sinuman ang nakapagpatunay noon,” aniya. “Usap-usapan nga din na kagagawan daw ng bampira ang nangyayari sa royal family at iyon ang umuubos sa dugo ng mga ito.”   They said that vampires are already extinct in this era. But that doesn’t mean they are all gone.   Siguradong mayroon pa ding natitira sa kanila na tulad ni Xan at tahimik na namumuhay sa panahong ito.   Kaya hindi imposible ang usap-usapang sinasabi nitong si Zeri. Malaki ang posibilidad na bampira nga ang nasa likod ng royal disease.   Pero hindi ko iyon mapapatunayan hangga’t hindi ko nakikita ang mga biktima. Lalo na sa panahong ito na nakasisiguro kong mayroong nilalang maliban sa mga bampira ang nananabik din sa dugo ng mga tao.   Tinitigan ko ng braso ko at sa maliit na sugat nito na nakuha ko noong gabing nagising ako mula sa matagal na panahon na pagkakatulog.   “To be honest, hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin nating ito, Hope,” ani Xan. “Dapat yata ay imbestigahan muna natin ang Cory Mountain bago tayo pumunta doon.”   Umiling ako. “Malakas ang kutob ko na huli na ang lahat kapag hindi pa tayo tumuloy ngayon.”   “Ano bang kinukutuban mo?”   “We will be able to find someone or something that is connected somehow to the person who tried to draw blood on me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD