Chapter 74

1100 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Xan told me that he invited his friend, Dainsleif, to the gymnasium of the First Kei University tonight so that I will have my chance to meet him again, just like what I wanted. To be honest, I was actually thinking of inviting him over to my house but Xan said that it would be impossible. Hindi niya nilinaw sa akin ang dahilan kung bakit hindi ko pwedeng imbitahan ang lalaking iyon sa bahay ko pero mariin niya iyong iginiit kaya dito na lang namin napagdesisyunan na mag-usap. Pero isang oras na ang nakakalipas nang pumatak ang oras na napagkasunduan ay hindi pa din dumadating ang lalaking iyon kaya naman masama akong tumingin kay Xan. “Sigurado ka bang dadating siya?” tanong ko. “Aba’y kanina pa tayo dito pero hanggang ngayon ay hindi pa din nagpaparamdam.” “He said that he will be here,” sabi ni Xan. “We just have to wait dahil hindi naman madali para sa kanya ang magpakita sa isang Ehrenberg.” Kumunot ang noo ko. “And why is that?” “I will tell you everything once he arrives.” Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na nagtanong pa dahil mukha namang hindi magsasalita itong si Xan tungkol sa lalaking iyon hangga’t hindi ito dumadating. Ayoko naman siyang pilitin dahil nakikita kong itinuturing niya talagang kaibigan si Dainsleif at ayokong sirain iyon dahil lang sa pangungulit kong alamin ang lahat nang hindi hinihintay ang tamang pagkakataon. Kaming dalawa lang ni Xan ang nandito. Hindi ko na pinasama sina Zeri at Wayne dahil na rin sa pakiusap ni Xan because apparently, this man is using different identity while travelling all over the country to avoid getting trouble with the royal family. At kanina lang din ay dumating ang ilan sa mga impormasyon na kailangan ko tungkol sa mga plano nitong gawin sa mga susunod na taon at doon ko nakita ang kanilang aksyon para sa mga natitirang bampira sa bansang ito. Mukhang ngayon nakabalik na ako ay muli na naman silang na-threaten kaya agad na silang gumagawa ng paraan upang ubusin ang lahat ng mga posibleng pumanig sa akin kung sakali man na gumawa na ako ng hakbang laban sa kanila. Kaya naiintindihan ko ang pag-iingat na ginagawa ni Xan para sa kaligtasan ng kaibigan dahil isa itong monarch vampire na maaari ding maging threat sa royal family kapag nabunyag ang katauhan nito. I was about to sit on the bench when I suddenly felt a presence of someone familiar to me so I immediately looked  around the gymnasium and there, I saw Dainsleif, standing at the stage where the light was too dim to reveal himself fully. “Dain,” tawag ni Xan dito at agad itong nilapitan. “Why are you late?” “Something came up,” sagot naman ni Dainsleif at bumaba sa stage. Nakatitig lang ako sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din maipaliwanag kung bakit presensya ni Kei ang naramdaman ko pero siya ang nakita kong nakatayo sa direksyon ng pinanggalingan noon. Yes, ang pamilyar na presensya na naramdaman ko ay katulad na katulad ng kay Kei kaya agad akong nagpalinga-linga sa buong gymnasium. Pero ibang tao ang nakita ko, imbes na si Kei. “Why?” mahina kong tanong na ikinalingon nila sa akin. “You said something?” tanong ni Xan habang kunot noong nakatingin sa akin. “I’m sorry, Heyd. But I didn’t hear what you said.” “Why–” I was about to ask him why he has the same presence as Kei pero agad akong napalingon sa likuran ko at tumingin sa malayo dahil sa kakaibang naramdaman at naamoy ko. “Did you smell that?” “What smell?” dinig kong tanong ni Xan. “I don’t actually smell anything aside from the both of you here.” “That smelled like blood,” sabi ko. “Are you serious?” Agad akong nilapitan ni Xan at hinawakan sa mga balikat ko. “Do you know where it came from?” Umiling ako. “Not yet. But I am sure that it is nearby.” “It came from the hospital two blocks from here,” sabi ni Dainsleif na ikinalingon namin sa kanya. “There is something going on there.” “Oh s**t!” Napatakip na ako ng ilong ko. Hindi ganoon kalakas ang amoy ng dugo na naaamoy ko kaya iniisip ko na hindi seryoso ang kung anuman ang nangyayari sa lugar na iyon. Pero habang tumatagal ay lalong lumalakas ang amoy nito to the point na masyado nang masakit sa ilong. “I don’t know what is going on there but we have to stop it,” sabi ko. “I’m sorry but I can’t,” sabi ni Dainsleif. “I can only wait for you here.” I stared at him, giving him suspicious looks but he didn’t even flinched so I guess, wala naman siyang kinalaman sa kung ano ang nangyayari sa lugar na iyon. “Fine,” I said. “I will look into it and you stay here until I come back.” Tumango siya. “Okay.” Bumaling ako kay Xan. “Ikaw na ang bahala sa mga security camera na nasa paligid ng ospital na iyon. Tawagan mo din si Zeri at papuntahin mo dito just in case na kailanganin ko ng tulong.” “Okay.” Hindi na ako naghintay pa ng susunod nilang sasabihin at agad na akong tumakbo palabas ng gymnasium pagkuwa’y tinahak ang daan papunta sa pinanggagalingan ng dugo na naaamoy ko sa mga oras na ito. At kailangan kong magmadali dahil habang tumatagal ay nadadagdagan ang dugo na naaamoy ko. At ang lahat ng dugong iyon ay galing sa mga mortal na nasa iisang lugar lamang. Hindi ako sigurado sa kung ano ang tunay na nangyayari sa lugar na iyon pero nakasisiguro kong mayroong mga mortal na namamatay at dugo nila ang kasalukuyang kumakalat sa ospital na iyon. And as for the killer, I don’t really know. Hindi ko maramdaman ang presensya nila na para bang mayroong humaharang sa kapangyarihan ko. At nang tuluyan kong marating ang opsital na sinasabi ni Dainsleif na siyang pinanggagalingan ng dugo na aking naaamoy, isang kahindik-hindik na tanawin ang bumungad sa akin. A bunch of dead people showering with their own blood, scattered all over the hospital floor with a bunch of scratches and bite marks all over their body. As if someone was attacking them and sucking their blood without minding if they live or die.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD