Chapter 7

1851 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Nang marating namin ang tinitirhan ni Zedd ay agad niya kaming pinaghanda ng maiinom pagkuwa’y naupo.   “Hindi ko akalain na darating ang panahong ito kung saan muli kitang makikita,” naluluha niyang sabi. “Akala ko ay mamamatay na lamang ako sa paghihintay sa pagdating mo.”   “Hinihintay mo din ako?”   Tumango siya. “Ibinilin sa akin iyon ng iyong ama bago kami magkahiwalay. Sinabi niyang walang kasiguraduhan ang hinaharap na iyong dadatnan kaya naman kailangan kitang hintayin at ibigay ang lahat ng tulong na aking magagawa para sa iyo. Sinabi  din niya na dito ako manirahan dahil nasisiguro niyang ito ang una mong pupuntahan kapag dumating na ang oras ng iyong paggising.”   Ibig sabihin ay maliban kay Xan, inihanda din ni Papa ang pagtulong sa akin ng kanang kamay niya bago sila tuluyang maglaho.   “Mula ba nang magkahiwa-hiwalay tayo ay dito ka na nanirahan?” tanong ni Xan na agad namang tinanguan ni Zedd. “Bakit hindi ka man lang nagparamdam sa Ehrenberg Mansion. Siguradong alam mo na buhay pa din ako at kasama ang angkan ni Zeldrix.”   “Iyon naman ang plano ko,” sabi ni Zedd. “Higit kong magagawa ang ibinilin sa akin ng ama ni Hope kung mananatili ako sa tabi mo pero hndi ko maiwan ang lugar na ito na isa din sa pinaka-naapektuhan ng digmaang umubos sa lahi natin.”   “Anong ibig mong sabihin?”   Itinuro niya ang itaas ng bundok. “Those mortals that invade our country, binomba nila ang tuktok ng bundok gamit ang isang nuclear bomb.”   Nanlaki ang mga mata ko. “What?”   “And you all know the effects of a nuclear bomb to a mere mortal so I had to do something to save them, “ dagdag niya.   Iginala ko ang tingin sa paligid at isa-isang tinitingnan ang mga naninirahan sa village na ito na siyang nakatingin din sa amin. “You turned them into a vampire.”   Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Yes.”   “But they are not rogue vampires.” Ibinalik ko ang tingin sa kanya. “How did you do that? You are not even a monarch vampire so how did you manage to turn them?”   Yes, Zedd is a rogue vampire. Pero base sa naaamoy ko sa mga dugo ng nasa paligid ko ay hindi sila tulad ni Zedd. They are different.   “Leora.”   Kumunot ang noo ko. “Leora Hamish?”   Tumango siya. “Nagkataon na nakita niya ang pambobomba sa bundok na ito kaya agad-agad siyang nagtungo dito. At naabutan niyang naghihingalo na ang mga naninirahan sa village na ito.”   “And?”   “Namukhaan ko siya kaya agad akong nagmakaawa sa kanya na iligtas ang mga naninirahan dito,” aniya. “Ayaw ko silang gawing rogue vampire dahil alam ko ang hirap na maging isa sa pinakamababang uri ng bampira na hindi kayang kontrolin ang pagkauhaw sa dugo kaya nang makita ko siya ay nabigyan ako ng pag-asa na mailigtas sila.”   “And I am assuming that Leora turned them.”   Muli siyang tumango. “Nagmamadali din siya ng oras na iyon kaya hindi na siya nakapag-isip pa ng ibang paraan para iligtas ang lahat at ginawa na lamang silang mga bampira.”   “After that?” tanong ko. “Agad bang umalis si Leora?”   Muli niyang itinuro ang tuktok ng bundok. “Doon siya pumunta at hindi na muling nagawi sa area na ito kaya hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya.”   Bumaling ako kay Xan. “Ano ang huling balita mo sa babaeng iyon?”   Umiling siya. “Nagkahiwa-hiwalay kami sa palasyo at wala ni isa sa kanila ang bumalik sa mansion ng Ehrenberg kaya doon na ang huling balita ko sa kanya. Sinubukan ko din silang hanapin pero masyado nang huli ang pagkilos ko dahil nawala na ang mga posibleng lead kung saan sila posibleng nagpunta.”   Tumangu-tango ako. “Did you check this place?”   Umiling siyang muli.   “Then, there is a possibility that I might see her here,” sabi ko. “At ang babaeng iyon marahil ang dahilan kung bakit may parang tumutulak sa akin na puntahan ang pasilidad na nasa lugar na ito.”   Gusto kong malinawan sa kung ano ang nangyari noon dahil alam kong ang mga nalalaman lang naman ni Xan ay iyong mga bagay na nangyari sa side niya at iyong mga bagay na hinayaan nila Leora at Papa na malaman niya.   Tumayo ako. “Let’s go. I need to know what is really happening at the top of this mountain.”   I know that I am striving for a normal life but the way I woke up is not normal and I should do something about that because I know that something will surely happen. And I am sure that what may happen will endanger the life that I am striving for.   “That is not a good idea, Hope,” sabi ni Xan. “You know that this is not a good idea. You might fight against the royal family.”   Bumuntong hininga ako at direstong tumingin sa kanya. “Then, I should prepare myself for that because you will not stop me from doing that place.” Inubos ko muna ang inumin na binigay ni Zedd pagkuwa’y nagsimula na akong tahakin ang nag-iisang terrain papunta sa tuktok ng bundok na ito.   Mabilis namang sumunod sa akin si Zeri habang si Xan ay bumuntong hininga muna bago tuluyang sumunod sa akin.   Si Zedd naman ay kinausap ang mga kasamahan niya sa village at sinabihan na manatili na lamang doon para hintayin kami tsaka siya humabol sa amin para sumama.   “You better be ready for what we might see in this place, Hope,” sabi ni Xan. “Baka hindi mo magugustuhan at magwala ka nalang.”   “Why do I feel like you know something but you are hesitant to say anything,” sabi ko at bumaling sa kanya.   Muli siyang bumuntong hininga sa akin. “Fine, I will tell you what I know about this place.”   Tumigil ako sa paglalakad. “Go on.”   “Like what Zeri said earlier, there is a facility here where the royal family bring their eldest born that showed symptoms of royal disease,” panimula niya. “But they are not here to get cured. There is no cure in the curse that was placed on them.”   “Then, their diseases are not really genetic,” sabi ko. “That was a curse that only affected the first born in their family.”   Tumango siya.   “And you have an idea who did this to them.”   Muli siyang tumango. “The same woman that killed Kei.”   “Wait,” ani Zeri. “The one who killed Emperor Kei? Hei Sierra? His own daughter?”   Nanlaki ang mga mata ko.   Woah, hindi ko alam na nagkaroon pala ng pamilya si Kei. Ilang libro sa library na ang binasa ko tungkol sa mga pangyayaring naganap sa bansa pero ni isa doon ay walang binanggit tungkol sa naging pamilya ni Kei.   “Hey,” tawag sa akin ni Xan. “Just to make it clear, okay? Kei never gets married to any other woman, okay? You remain the love of his life until the very end of it.”   Natigil ako sa iniisip ko at napakunot noo. “But he has a daughter.”   “Yes,” aniya. “Adopted daughter.”   “Oh,” Well, Kei having a family is not really an issue.   Maiintindihan ko naman iyon dahil nga kailangan niya din talaga ng tagapagmana at napag-usapan na namin ang tungkol sa nararamdaman namin para sa isa’t-isa.   Nagtataka lang ako dahil hindi nabanggit sa kahit anong history books ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.   “He met that child at the orphanage that was built under Heya’s name,” he said. “Hei was a fragile child and also has the same illness you have before. And I think Kei remembered you through her so he decided to adopt her.”   “And?”   “Kei turned her into a vampire so she could survive her illness and from then, she grew up just like you,” pagpapatuloy niya. “But when things in the palace are starting to get difficult, something strange is also happening to Hei.”   “Tingin mo ba ay may kinalaman ang bampirang sinasabi niyong kasing sama at kasing sakim ni Kresha?”   Umiling siya. “This is someone else.” aniya. “That time, abala kami sa pagmi-meeting tungkol sa mga nararanasan ng bansa nang biglang pumasok si Hei sa loob ng silid. She was holding a knife. May mantsa ng dugo ang kanyang damit at mga kamay at umiiyak.”   Agad kong hinablot ang kamay ni Xan at mabilis kinagat ang kanyang daliri. Nang magdugo iyon ay agad ko itong nilasanan.   At ilang sandali lang ay unti-unti ko nang nakikita ang mga alaala ni Xan. Isa-isa ko iyong sino-sort out hanggang sa marating ko ang araw na may kinalaman sa kakaibang pangyayari sa anak ni Kei.   “D-dad,” nangangatal na tawag ni Hei sa kanyang ama na ngayon ay nakatingin sa kanya. “D-dad. Please help me. Kill me if you have too. Please…”   “Baby, tell me what is happening,” sabi ni Kei at akmang lalapit sa anak ngunit mabilis itinaas ni Hei ang kutsilyo pagkuwa’y itinutok sa kanya. “Baby.”   “Dad… They did something to me,” sabi nito. “They…” Gamit ang isa pang kamay ay sinabunutan nito ang sarili at pumikit na para bang may pinipigilan itong gawin. “They put something in my head and I can’t… I can’t control myself.” Muli itong tumingin sa ama. “Please. Help me. I don’t want to kill anyone again. I… I don’t--”   “Hei!” Mabilis na nilapitan ni Kei ang anak ngunit agad na iwinasiwas nito ang kutsilyo na hawak na naging dahilan kaya nasugatan siya sa braso.   “Huwag kang lalapit, Dad!” sigaw nito. At muli ay napapikit ito. Sa pagkakataong ito ay para na itong may iniindang sakit sa kanyang ulo. “Huwag kang lalapit sa akin kung wala ka din namang planong patayin ako! Please, Dad!”   “Kei,” tawag ni Xan dito. “There is something attached to the back of her head. Tingin ko ay iyon ang kumokontrol sa kanya.”   “Then, remove it.”   Umiling si Xan. “It is connected to her brain. She will die if I remove it without proper surgery.”   Nakikita ko ang halu-halong emosyon sa mga mata ni Kei. Ngunit nangingibabaw doon ang takot at pag-aalala.   Hindi ko akalain na ganito ang dinanas ng lalaking mahal ko matapos kong magdesisyon na mamatay.   Muli na nga siyang nakahanap ng magbibigay ng kasiyahan sa kanya sa piling ng anak na si Hei ngunit muli itong binawi sa kanya sa marahas na paraan.   “We have to do something.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD