Chapter 8

1184 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov   Marahas akong huminga ng malalim nang matapos kong panoorin ang mga nangyari sa pagitan ni Kei at Hei sa pamamagitan ng alaala ni Xan.   “Are you okay?” tanong ni Xan na ngayon ay nasa tabi ko na at nakaalalay sa akin. “Did you see everything you need?”   Tumango ako tsaka huminga ng malalim.   “Now, do you understand why I am saying that going up there is not a good idea?” tanong niya na muli kong tinanguan.   “But like what I said, you will not gonna stop me,” madiin kong sabi. “Lalo na ngayong alam ko na kung ano talaga ang nangyayari.”   According to Xan’s memory. Hei was being controlled by some kind of electronic device that was attached to her brain. And this device is ordering her to kill her own father, Kei.   At kahit isa na siyang bampira ay wala siyang magawa para bawiin ang kontrol sa kanyang katawan.   Hindi din naman basta matatanggal ang device na nakakabit sa kanya dahil kakailanganin pa iyon ng surgery kaya naman hiniling na lang niya kay Kei na patayin siya dahil alam niyang iyon lang ang talagang makakapigil sa kanya upang patayin ang kanyang ama.   But knowing Kei, hindi niya kailanman kayang saktan ang isang nilalang na minamahal niya. At gagawin niya ang lahat para iligtas ito kahit pa buhay niya ang maging kapalit.   And as he was trying to hold her daughter, that device controlling her daughter took advantage of the situation and immediately stabbed him in the neck and it also controlled Hei to bite the neck of her father and drink all of his blood.   At iyon ang ikinamatay ni Kei.   Nang tuluyang mamatay si Kei at doon lamang natauhan si Hei. Labis-labis ang kanyang pagwawala habang yakap ang sariling ama at kung hindi pa siya pinatulog ni Xan ay baka maging ang sariling buhay ay kinitil na niya.   Agad nagsagawa si Xan ng surgery upang alisin ang device na iyon sa ulo ni Hei at habang nagpapagaling ito ay doon nagsimula ang sunod-sunod na pag-atake sa iba’t-ibang parte ng bansa.   Iniwan ni Xan si Hei sa pangangalaga ng isa sa kanyang tauhan at agad na sumali sa naganap na digmaan. Ngunit nang balikan niya ito ay hindi na niya ito naabutan.   Ang tanging iniwan lamang nito sa kanya ay ang liham na nagsasabing isa sa mga Shiann ang nasa likod ng pagkontrol sa kanya upang patayin ang kanyang ama nang sa gayon ay mapadali para sa kanila ang makuha ang kontrol ng buong bansa.   Ang mga Shiann.   Ito ang angkan na siyang pinagsilbihan at pinoprotektahan ni Wain na siyang namumuno sa bansang ito hanggang sa kasalukuyang panahon.   “You know that you have been deceived by that clan yet you didn’t do anything?” sabi ko kay Xan.   “Nakita mo na’t lahat ng nasa memorya ko, Hope,” aniya. “Alam mong wala akong ibang magagawa dahil nakatali ako sa huling bilin ni Kei na huwag nang habulin ang kung sinuman ang nasa likod ng nangyari sa kanilang mag-ama at ipaubaya ko nalang sa kanyang anak ang lahat. Habang ako ay manatiling naka-focus sa kung ano talaga ang trabaho ko. Ang manatiling buhay hanggang dumating ang araw ng paggising mo.”   Bumuntong hininga ako at inis na ginulo ang buhok ko.   Ang mga Shiann ay nagpanggap na kapanalig ni Kei ngunit ang talagang nais nila ay makuha mula sa mga Sierra ang pamumuno sa bansa.   At alam nilang si Hei lamang ang kahinaan ni Kei kaya ito ang ginamit nila upang maisakatuparan ang kanilang plano.   At ngayon, dahil sa ginawa nilang mag-ama ay binalikan sila ni Hei. Gamit ang kanyang kaalaman sa mahika na tingin ko ay nakuha niya sa mga libro ni Mommy Heya ay isinailalim niya sa sumpa ang tatlong branch ng Shiann Clan.   Kung saan isa-isa silang mamamatay. Hindi ito iyong instant kill lang. Unti-unti at talagang mararamdaman nila ang bawat sakit sa kanilang buong katawan at ang tanging solusyon lamang upang makaligtas ang bawat henerasyon nila ay kung isa-sakripisyo nila ang bawat unang anak ng tatlong pamilya.   Yes, the royal disease is just a front. Isang palabas upang hindi magtaka ang publiko kung balik ang ikalawang anak ang lagi nilang ginagawang tagapagmana ng trono.   At kung bakit kinakailangan nilang dahil sa bundok na ito ang kanilang mga unang anak.   Hindi dahil gusto nila itong ipagamot. Kundi dahil iaalay nila ito sa babaeng nagbalot sa kanila sa sumpa.   Hei Sierra is still alive and she is at the top of this mountain. Feasting the blood of every first born of every part of Shiann Clan.   “Now that you know this,” sabi ni Xan. “Are you going to stop her?”   “Stop her?” tanong ko sa kanya. “Why would I do that?”   Bakas ang pagkabigla sa kanilang mga mata.   “Hindi mo siya pipigilan sa ginagawa niya?” tanong ni Zeri. “You clearly know that this is not right.”   “Kesyo tama o mali ang ginagawa niya, anong karapatan kong pigilan ang isang anak na ipinaghihiganti lang naman ang hindi makatarungang pagkamatay ng kanyang ama? And oh, let me just remind you that I love Kei so what makes you think that I will let them get away from what they did to him and to her daughter?”   Kei didn’t do anything to deserve a death like this. Wala din namang ginagawang masama si Hei para maging kasangkapan sa kasakiman ng ibang mortal. Ang mag-amang iyon ay hinangad lang na mabuhay ng maayos at tahimik habang pinamumunuan ang bansang ito sa abot ng kanilang makakaya.   Pero dahil sa inggit, pagkaganid at pagkasakim, nagawa nilang iparanas sa batang tulad ni Hei ang ganoong karumal-dumal na pangyayari.   Kaya masasabi kong nararapat lang sa kanila kung ano ang pinagdadaanan nila ngayon.   Sila ang pumili ng kanilang tadhana kaya dapat lang na harapin nila iyon.   Bumuntong hininga si Xan. “You are still what you were before, Hope.”   “Ilang libong taon man kasi ang lumipas, para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat,” sabi ko. “Mahabang panahon akong tulog kaya hindi ka na dapat nagtataka kung bakit walang pagbabagong naganap sa ugali at paniniwala ko.”   Hindi ako iyong tipo ng nilalang na walang gagawin at magpapatawad na lang ng mga nilalang na nagkasala sa akin. Hindi ako iyong tipo ng nilalang na hahayaan ang kasamaan at pagkaganid ng iba lalo na kung mayroon silang sinaktan sa mga taong mahal ko.   Matibay ang paniniwala ko na dapat ay higit na parusa ang ipinapataw sa mga nilalang na gumagawa ng mga bagay dahil sa kanilang kasakiman at pagkaganid. Parusang habang buhay nilang pagdudusahan dahil nagpabalot sila sa kanilang inggit at selos.   Parusang hinding-hindi makakalimutan ng bawat miyembro ng kanilang angkan dahil hindi sila nakuntento at pilit na inagaw ang buhay ng iba para sa sarili nilang kapakanan.   “Let’s go,” sabi ko at nagpatuloy na sa pagtahak ng daan papunta sa tuktok ng bundok. “I need to see that kid.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD