THB's Last Battle Chapter 1

1222 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov I was about to open the gate of the underground parking where we think the survivors in this area are actually residing. Pero agad akong natigilan nang mauna itong bumukas kahit hindi ko pa man hinahawakan ang mismong gate. At bumungad sa amin ang pamilyar na mukha na tatlong taon ko ding hindi nakita. "D-Dain!" "You know him?" tanong sa akin ni Graysean na handa na sanang sumugod kay Dain. Agad ko siyang hinila sa likod ko at humarap kay Dainsleif. "Yes, Xan and I know him." "Oh." ani Graysean at bahagyang kumalma ngunit ramdam ko na alerto pa din siya lalo na't hindi ko maitatago sa kanya na isa din itong bampira. "How did you know him?" Umalis siya sa likod ko at lumapit kay Dainsleif pagkuwa'y ininspeksyon ang kabuuan nito. "His presence is too familiar to me but I don't really recall anything--" "Shut up for a while, Graysean," ismid ko sa kanya. Hinila ko na din siya pabalik sa akin at muling hinarap si Dainsleif. "What are you doing here?" "I live here," aniya. "And I was about to get out of here when I felt the presence of Shiann vampires outside to deal with them." "We already take care of them," sabi ni Graysean. "Oh." aniya. "Then, thank you." "Do you have someone with you inside?" tanong ko. "We just started to take care of this whole mess when Uno learned that there are still human survivors outside the safety area so we are checking all the possible places to rescue them." "After three years?" kunot noong tanong niya. "Hindi ba't parang masyado na kayong huli upang isipin pa kung may nakaligtas sa gulo kung saan kayo mismo ay involved?" Natigilan ako sa sinabi niya. Well, I won't deny that this mess actually happened because of me. Because I chose to challenge the Shiann clan and planned to overthrow them. At tatlong taon pa ang lumipas bago ko naisipan na tumulong sa ibang mortal na naipit lamang sa gulong ito. "Hoy!" alma ni Graysean at nakita ko na lang na nahablot na niya ang kwelyo ni Dainsleif. "Wala akong pakialam kahit pa pamilyar ang presensya mo pero hindi ako makakapayag na ganyan ang ibubungad mo sa kapatid ko. Aba'y wala kang alam sa nangyayari sa lugar na pinanghahawakan niya para--" "Graysean!" saway ko sa kapatid ko. Bumaling siya sa akin. "No. Dapat malaman ng tarantadong ito na sa loob ng tatlong taon ay hindi din naging madali ang pinagdaanan nyo sa Ehrenberg Mountain." "That's enough, okay?" giit ko. "Wala tayo dito para makipag-away kaya tigilan mo na iyan." Nagdadalawang-isip man ay agad din niyang binitiwan si Dainsleif at nakaismid itong tumalikod sa amin. Bumuntong hininga ako. "I am sorry for that," sabi ko. "And I am sorry for being late to do this and I don’t have any excuse for that. But right now, I just want to make sure that the remaining survivors will be rescued before Katheryne starts the second wave of her attack.” Yes, what happened three years ago was just the first wave of the Katheryne’s plan. At napag-alaman namin na mayroon pang kasunod ang mga plano niya na siyang tatapos sa lahat ng mortal o bampira na nasa panig namin kaya naman kahit delikado pa para sa akin ay hindi na ako nagdalawang-isip na sagipin ang mga mortal na napag-alaman naming naninirahan pa din sa labas ng mga safety area. Tinitigan ako ni Dainsleif pagkuwa’y bumuntong hininga tsaka nilakihan ang pagkakabukas ng gate ng parking. “Pumasok na muna kayo at dito natin sa loob pag-usapan ang lahat.” Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya iyon kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na hilahin si Graysean papasok doon at sumunod kay Dainsleif. “There are a lot of survivors living inside this parking lot,” sabi ni Dainsleif habang naglalakad kami papunta sa area kung saan naka-set up ang kanilang mga tent. “Most of them got trapped here when the vampire attack happened and thanks to the generator that this building has, they manage to survive even just for a little time.” “And then, you found them?” Tumango siya. “Iyong gate na pinasukan nyo, may mga kotseng nakaharang doon na pilit nilang inaalis dahil kailangan nilang maglibot sa paligid nang sa gayon ay makakuha sila ng pagkain,” aniya. “Paubos na kasi ang kanilang supplies at malapit na silang mawalan ng pag-asa. At doon ako dumating.” “And they were actually scared when they first saw you, right?” tanong naman ni Graysean. “Matapos ang nasaksihan nila, hindi naman siguro nakakapagtaka na ganoon nga ang nangyari,” sagot nito. “They immediately ran away when they saw my fangs. Nakalimutan nga yata nila ang kanilang gutom dahil sa takot na baka sugurin ko sila at atakihin.” “Then?” sabi ko. “How did you manage to gain their trust?” “I did not actually care about their trust,” sabi niya. “Pero hindi naman kaya ng konsensya ko na mamatay sila dahil sa kagagawan ng mga Shiann kaya inalis ko ang mga kotseng nakaharang sa nag-iisang daan na maaari nilang gamitin sa paglabas at pagpasok sa parking na ito. At araw-araw ko silang dinadalhan ng kanilang makakain nang sa gayon ay hindi na nila kailanganin pang lumabas dahil nang mga panahong iyon ay naglipana pa sa paligid ang mga Shiann vampires.” “At mula noon ay unti-unti nilang na-realize na wala ka namang planong masama sa kanila kaya naging bukas sila para maging malapit sa iyo,” ani Graysean. “But how did you survive? I mean, you are also a Shiann vampire and without drinking blood, you will become weak and die.” Hindi sumagot is Dainsleif but I have an idea how he manages to stay alive and strong despite not drinking blood from humans or vampires. “He is monarch Shiann vampire,” bulong ko kay Graysean na ikinalaki ng kanyang mga mata. “And he entered a blood contract with only one nomal elite vampire so it is his blood source.” Bumaling sa akin si Dainsleif. Siguro ay narinig din niya ang ibinulong ko kay Graysean. Pagkuwa’y napabuntong hininga na lang siya. “Yes,” aniya. “I have a normal elite vampire as my servant and its blood is what keeps me alive. But please don’t mention it in front of the human survivors we have here. They don’t know anything about my servant.” Kumunot ang noo ko. “They don’t know?” Tumango siya. “They don’t trust other vampires even if I keep telling them that only the Shiann vampire and rogue vampire are the only ones who keep attacking humans.” “Wait,” pigil ko sa kanya. “If that is the case, then why are you allowing us to enter here? Hindi ba’t posible din silang matakot sa amin dahil parte pa din kami ng lahi ng mga bampira.” “I know that,” aniya. “But the two of you are different.” “At paano kami naiiba?” “You are part of the Ehrenberg Clan,” sabi niya. “And they have their faith and trust to that clan ever since the beginning of this mess.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD