Chapter 9

1458 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   “Let’s go,” sabi ko at nagpatuloy na sa pagtahak ng daan papunta sa tuktok ng bundok. “I need to see that kid.”   “Huh?” Sinabayan ako ni Xan ng paglalakad. “Why?”   “Xan,” Hinarap ko siya. “That kid is all alone in this place right after she killed her beloved father. Living here all alone for thousands of years and now you are telling me to keep her like that for the rest of her life.”   “Oh come on, Hope.” Ginulo niya ang buhok. “Please tell me that you are not hoping to take her in.”   “Oh,” I shook my head. “I am not hoping. I am actually going to take her in.” Ngumiti ako at tinalikuran siya. “Well, that will depend on how she will react after seeing me.”   Nagpatuloy na kami sa paglalakad.   __________   Isang oras din ang tinahak namin paakyat ng bundok bago marating ang tuktok na ito at ang bumungad sa amin ay isang malaking compound na mayroong mansyon sa gitna nito.   Sinubukan kong maghanap sa kahit anong amoy na hindi kabilang sa bundok na ito ngunit masyadong malakas ang hangin at nagagawa nitong maitago ang sinuman o anumang nasa loob ng compound na iyon.   Kaya sinimulan ko na lamang hanapin ang presensya ng mga taong posibleng nandito.   “Weird,” sabi ko habang nakatitig sa malaking gate ng compound. “Why do I only feel one presence?”   “Tingin mo ba ay si Hei iyan?” tanong ni Xan.   “I think so,” sagot ko. “Presensiya ito ng isang babae.”   “Then, malaki ang posibilidad na pinatay na niya ang mga miyembro ng royal families na isinakripisyo sa kanya.”   I keep searching the whole compound but something is really strange.   “I don’t think that is what happened here.” Binuksan ko na ang gate at nagpatuloy sa pagpasok sa compound.   “Now that we are inside, masasabi kong weird nga talaga ang pakiramdam ko dito,” dinig kong sabi ni Zeri. “Why do I feel like there is no one here?”   “Because there is really no one here aside from Hei,” sabi ko.   “There is no one alive?” tanong ni Xan.   “There is no one alive,” ulit ko sa sinabi niya. “But there is no one dead.”   Natigilan sila sa sinabi ko.   “What do you mean?”   Nilingon ko si Xan. “You know that I can sense if someone dies in a certain place, right?”   Tumango siya.   “That is what I am doing right now,” paliwanag ko. “I am sensing the whole area if there is someone alive or someone dead in this place. And I am not picking up anything aside from one alive and weak presence that is probably owned by Hei.”   “Are you saying that there is a possibility that Hei didn’t kill any mortal that has been sacrifice to her?”   Nagkibit balikat ako. “That is what I am not sure of. I still need to see her in person before I can make a solid conclusion about what is really happening here.”   Muli na kaming nagpatuloy at sa pagkakataong ito ay tinahak na namin ang daan papunta sa mansyon na nasa gitna ng compound.   Doon ko nararamdaman ang presensya ng isang babae kaya iyon na agad ang aming iche-check.   “Now I am sensing her,” sabi ni Xan nang marating na namin ang mismong front door ng mansyon. “And I can confirm to you that this is really Hei’s presence. But…” Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa malaking pinto ng mansyon. “Something is not right.”   “She is weak.” Agad ko nang binuksan ang pinto at ang unang bumungad sa amin ay ang maalikabok na paligid at ang grand staircase na nalalatagan ng pulang carpet.   Hindi na ako nag-abala pang ibaling ang tingin ko sa paligid.   Tuluyan na akong pumasok sa mansyon at tumayo sa unang baitang ng hagdan habang nakatingala sa pinakataas nito.   “Nice to meet you, Heydrich Ehrenberg.”   Isang babae ang nakaupo ngayon sa huling baitang ng hagdan. Nakatukod ang kanyang kanang kamay sa kanyang gilid upang maging suporta sa kanyang pag-upo dahil bakas ang kanyang panghihina.   Namamayat na din sya at bakas ang matinding pagkauhaw at pagkagutom sa kanyang mukha.   “Hei!” sigaw ni Xan. “Ikaw nga iyan, Hei!”   “Oh,” Bumaling ang babae kay Xan. “I didn’t know that you were still alive. Akala ko ay tulad ng ibang heneral ng aking ama ay pinili mo na ding manilbihan sa mga bampira na tuluyang naging dahilan ng pagkaubos ng lahi natin.”   “So, you are Kei’s daughter.”   Ibinalik niya sa akin ang tingin at ngumiti.   “And you are the famous Hope of the vampire and mortal race.” Nagpilit siyang tumayo at lalong lumapad ang ngiti niya nang nagawa niyang makatayo ng tuwid ngunit mabilis din iyong nabura nang bigla siyang mawalan ng balanse. “Oh s**t!”   Ngayon ako higit na nalinawan sa kung ano ba talaga ang nangyari sa lugar na ito. At sa tunay na kalagayan ni Hei maging ang dahilan ng kanyang panghihina.   Hindi na niya napigilan pa ang pagkahulog niya sa hagdan. Ngunit bago pa man iyon mangyari ay agad na akong tumakbo paakyat at mabilis siyang sinalo.   “You are one careless kid,” nailing kong sabi.   Hindi niya inaasahan ang pagsalo ko sa kanya kaya napahawak na lang siya sa balikat ko at tinitigan ako. “Y-you are really the Hope.”   “Yes,” sagot ko. Binuhat ko siya at agad na bumaba ng hagdan. Walang lakas ang babaeng ito para tumayo ng tuwid nang hindi siya nahuhulog kaya mas mabuting manatili na lamang siyang nakaupo. “I’m the Hope.”   Inilapag ko siya sa sahig.   “What happened to you, Hei?” tanong ni Xan nang malapitan ito at sinimulang suriin ang katawan nito.   “Mamaya ka na makialam.” Inis kong itinulak ang mukha niya palayo. “At mamaya ka na magtanong.”   “B-bakit ba?” tanong niya habang hawak ang kamay kong nasa mukha pa din niya. “Anong nangyayari sa kanya?”   “She hasn’t drank a single blood since the last time you saw her.” Inalis ko na ang kamay ko sa mukha niya at hinayaan siyang nakanganga. Pagkuwa’y ibinalik ko ang tingin kay Hei na mukhang nagulat din dahil alam ko ang bagay na iyon.   “How--”   “Mamaya na tayo mag-usap.” Isinalpak ko sa bibig niya ang braso ko. “Now, drink.”   Umiling siya.   “Don’t make me repeat myself, Hei Sierra,” madiin kong sabi. “Drink.” Sinugatan ko na ang braso kong malapit sa bibig niya at nagsimula na iyong dumugo. “Drink and regain your strength.”   Bakas ang pagdadalawang-isip niya ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay naluha na lamang siya pagkuwa’y kinagat na ang aking braso at sinimulang sipsipin ang aking dugo.   Medyo napangiwi ako dahil matagal-tagal na din noong huli akong masugatan pero tiniis ko nalang muna dahil kakailanganin niya ng maraming dugo para manumbalik ang lakas niya at masiguro kong hindi siya tuluyang mamamatay.   Makalipas ang ilang sandali ay binitiwan na niya ang braso ko at bahagyang lumayo sa akin. Patuloy pa din ang kanyang pagluha kaya tingin ko ay nakita niya sa dugo ko ang memorya na mayroon ako noon.   Well, karamihan kasi doon ay tungkol kay Kei kaya hindi na nakakapagtaka na ganito ang magiging reaksyon niya.   “Hope.” Lumapit sa akin si Zeri pagkuwa’y inilabas ang kanyang leeg. “You need it too, right?”   Napakunok ako nang makita ang leeg niya.   Matagal na panahon na din akong hindi nakakatikim ng dugo at mula ng magising ako ay hindi ko pa din sinusubukan kaya marahil iyon ang dahilan kung bakit lumakas ang urge ko na kagatin ang leeg niya at sipsipin ang dugo niya.   Pero---   Bumuntong hininga ako at isinara nalang ang jacket niya. “Not now.”   Sa ilang libong taon kong hindi nakatikim ng dugo, natatakot ako na baka hanap-hanapin ko dito oras na muli na akong uminom nito. Kaya kailangan ko munang masanay muling mamuhay bilang isang mortal bago ko muling tanggapin ang pagiging bampira ko.   Binalingan ko si Hei. “Are you okay now?”   Dahan-dahan siyang tumango.   “Great.” Tumayo na ako. “Let’s go home.”   Nanlaki ang mga mata niya. “H-home?”   Tumango ako. “Yes. You will go home with me now, Hei.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD