Chapter 10

1212 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Hindi makapaniwala si Hei nang tuluyan siyang makapasok sa loob ng Ehrenberg Mansion.   Ayon kasi sa kanya ay ito palang ang kauna-unahang pagkakataon na nakatapak siya sa lugar na ito.   Nang tanungin ko naman kung hindi siya dinala dito ng kanyang ama ay agad siyang umiling.   At doon sinabi sa akin ni Xan na hangga’t maaari ay iniiwasan ni Kei na pumunta sa lugar na ito, maging sa Hope Island dahil ang mga lugar na iyon ang higit na nagpapaalala sa kanya ng mga bagay tungkol sa akin.   Kaya hindi ko maiwasang ma-guilty sa naging makasarili kong desisyon.   Dumeretso na ako sa hapag kainan kung saan inihanda ni Wayne ang mga pagkain na alam niyang hahanapin ko pagdating ko.   Habang si Hei naman ay pinatulungan ko na kay Xan na makapag-ayos. Maliban kasi sa matagal na panahon na itong hindi kumakain o umiinom ay hindi din ito nakakaligo at nakakapagpalit ng damit kaya iyon na ang pinauna kong gawin nila.   “I don’t understand,” sabi ni Zeri na ngayon ay kasalo ko na din sa pagkain. “Kung dalawang libong taon na siyang hindi umiinom ng dugo, saan niya dinadala ang mga unang anak ng bawat pamilya ng Shiann Clan? Hindi ba’t inaalay sa kanya ang mga iyon?”   “Iyan ang bagay na tanging si Hei lang ang makakasagot niyan,” sabi ko habang nilalantakan ang coffee jelly na gawa ni Wayne.   Well, si Wayne lang naman ang nag-iisang nagpapanatili ng kalinisan sa buong Ehrenberg Mountain. Siya din ang naghahanda ng pagkain at gumagawa ng iba pang gawain sa buong lugar na ito.   At hindi ko na inaalam kung paano niya ginagawa iyon nang siya lang mag-isa sa kabila ng kalakihan ng lugar na ito. Ang mahalaga lang sa akin ay ang mismong resulta.   “But I am sure that she never drank a single drop of blood in those two thousand years,” sabi ko. “At kung hindi ko pa siya pinuntahan kanina ay siguradong bago sumikat ang araw ngayon ay tuluyan na siyang mamamatay.”   “Oh, then tamang-tama lang din pala ang paggising mo para mailigtas ang anak ng pinakamamahal mo.”   Natigilan ako sa sinabi niya. “Are both of you aware about me and Kei?” Ipinagpalipat-lipat ko ang tingin sa kanilang magkapatid.   Tumikhim muna si Wayne bago tumango habang si Zeri naman ay walang pagdadalawang-isip na tumango.   “Everyone in the clan knows that,” sabi ni Zeri. “Late emperor Kei fell in love with you. That's why he has always looked after you ever since you were a kid. And you fell in love with him because he never stopped caring about you. But you both decided not to pursue your feelings with each other. And until the very last second of Emperor Kei, ikaw at ikaw lang din ang minamahal niya.”   “At sinasabing hanggang sa iyong paggising ay mananatili pa ding siya ang mahal mo,” dagdag pa ni Wayne.   “Why did Zeldrix do that?”   “Para itatak sa utak namin na pag-aari ni Kei ang puso mo.” Sumulpot si Xan at Hei papasok ng dining area.   “Iniisip kasi ni Zeldrix na hinid imposibleng mahulog sa iyo ang mga apo niya kaya naman sinigurado niya na alam ng mga ito na pag-aari ka na ng iba,” dagdag pa ni Xan. “Though, the idea really came from Kei to secure his place in your heart.” Bahagya pa siyang natawa pagkatapos sabihin iyon. “Baka daw kasi mahulog ka din sa mga protector mo.”   Napaismid ako. “As if I have time for that kind of thing.”   Kung noon nga ay hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagmamahal ko kay Kei, ngayon pa kayang wala na siya sa mundong ito?   Wala na akong ibang makikita na tulad niya kaya hindi na din ako nagbabalak pang ma-in love sa ibang lalaki.   “Anyway,” pag-iiba ko ng topic. “Paupuin mo na iyang si Hei dahil marami-rami pa tayong kailangang pag-usapan.”   “Hindi ba natin pwedeng ipagpaliban iyan?” tanong ni Xan. “Kakabawi lang niya ng lakas niya.”   “That is the point, Xan,” sabi ko. “ Nakabawi na siya ng lakas niya kaya kailangan na niyang ipaliwanag sa atin kung ano ba talaga ang nangyari sa lugar na iyon.”   “Hindi ba pwedeng basahin mo nalang ang alaala ko?” tanong ni Hei.   Umiling ako.   “Why?”   “I have to know if I can trust you.”   Natigilan sila at bakas sa kanilang mga mata ang pagkabigla dahil hindi nila inaasahan ang sinabi ko.   “Don’t assume that I already trust you just because you are Kei’s daughter,” paglilinaw ko. “Hindi din porket iniligtas kita sa nalalapit mong kamatayan ay pinagkakatiwalaan na kita.”   “Is it about the fact that--”   Umiling ako. “Hindi din ito tungkol sa katotohanan na sa mga kamay mong iyan namatay ang lalaking pinakamamahal ko.”   “Then---” Akmang magsasalita si Xan ngunit agad ko na siyang sinenyasan na manahimik. Aba’y si Hei ang kausap ko at ang mga sasabihin nito ang kailangan kong marinig.   “You clearly know why I am doing this, right?” tanong ko sa kanya.   Na agad niyang ikinaiwas ng tingin sa akin pagkuwa’y tumango.   “Kung nagdadalawang-isip kang magsalita dahil sa sumpang nakabalot sa iyo ay hindi mo na dapat iyong alalahanin,”   Gulat niyang ibinalik ang tingin sa akin. “H-how did you--”   “Don’t underestimate me, Hei,” sabi ko. “I am more powerful than any half-blood that the Ehrenberg Clan produced in the past. So, sensing the curse that is enveloped in your soul is too easy for me. At higit naman mas madali ang alisin ito lalo na kung dati ka namang mortal.”   Napahawak siya sa kanyang dibdib. “Then, I am finally free.”   “From the one who cursed you, yes,” sagot ko. “But from me, not yet.”   Muli siyang napatingin sa akin. “What do you mean?”   “If you try to lie to me, my blood inside your body will immediately attack you from the inside,” sabi ko. “But if you tell me everything I need to know, you will be finally free and you will have your own life back that those Shiann took away from you.”   “Hope,” tawag sa akin ni Xan. “Hindi ba parang sobra naman iyan.”   “I am just trying to know what really happened before, Xan,” walang gana kong sagot. “At alam mong hindi ko kayang kontrolin ang kakayahan ng dugo ko kaya huwag ako ang sisihin mo.”   “Oh,” sabi ni Zeri. “Iyon pala ang dahilan kung bakit mahigpit na bilin ni Dad na kapag kami ang pinalad na makaharap ang nag-iisang half-blood ng Ehrenberg ay huwag na huwag kaming magsisinungaling sa kanya.”   “Dahil dumadaloy din sa mga ugat niyo ang dugo ko,” sabi ko. “Kahit pa engineered ang isang iyan ay dugo ko pa din ang base kaya hindi pa din kayo makakaligtas sa kakayahan nito.”   Tumangu-tango siya. “Now I understand.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD