CHAPTER 5: Something Fishy. . .

2163 Words
MULI akong nagising bandang tanghali. Hindi ko namalayan ang oras. Napaupo ako sa kama at kinuha ko na ang aking phone na nasa side table, kagabi pa ito naka-off. Binuksan ko na iyon at hinintay na mag-open. Sa pag-open kong iyon ay nakita ko ang sunod-sunod na notification from may social media accounts. Binasa ko ang mga iilang notification at tinatanggal ko rin agad. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ang text messages and chats ni Giovanni. “Babe, Iʼm sorry! Please, text me ASAP! Or, magreply sa akin sa chat ko sa iyo. Iʼm worried!” “Babe, please!” “I know itʼs my fault, so, please, kausapin mo na ako, babe!” “I love you so much, my Quence!” Nakagat ko ang aking ibabang labi nang mabasa ko ang text messages niya and chats niyang parehas. Pero, ang naiba lamang ay hetong mala-MMK niyang chats sa akin. “Babe, I know na galit ka sa akin. Alam ko namang kasalanan ko ito. Sobrang naawa lang ako kay Patricia kaya sinabay ko na siya. Naiisip ko rin na kung paano ikaw ang nasa kalagayan niya, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung magko-commute ka habang umuulan. Kanina lamang nang malaman kong nag-commute ka ay hindi na ako mapakali. Sorry kung naiwan ka namin kaninang umaga, sana pinuntahan din kita kanina sa room mo para malaman kung may sakit ka ba talaga? Sorry talaga, babe! Sana mapatawad mo ko. And, promise, may surprise talaga ako sa monthsarry natin today. Balak kitang dalhin sa amusement park pero hindi rin tayo matutuloy dahil umulan nang malakas. Kumain ka nang marami, ha? Huwag kang magpapagutom, okay? Alam kong kapag galit kay ay hindi ka kumakain. I love you so much, baby. PS: mag-de-delivery ako ng food sa iyo bukas ng umaga.” Ang haba, right? Pʼwede na itong ipasa sa MMK. Hindi ko ikakailang kinilig ako sa chat niyang iyon, ha? Alam ko namang sweet talaga si Giovanni since nuʼng high school kami, kaya to the point na marami talagang nagka-crush ka sa kanya. Kaya kinakabahan ako na baka magka-crush si ate Patricia sa kanya, knowing her na laging nasusunod ang gusto niya. Napahinga na lamang ako nang malalim at iniwasan na lamang ang aking iniisip. “Hindi naman siguro mangyayari iyon. Alam kong mahal ako ni Giovanni. Mahal talaga niya ako.” saad ko sa akin sarili at pinatatag ang loob ko. Nagreply ako kay Giovanni para malaman niyang nakain ko ang food na pina-deliver niya para sa akin. “Babe, I know how gentleman you are, but, may time na hindi ka pʼwedeng always maging gentleman sa ibang babae. Alam mong nagseselos din ako, hindi ko lang sinasabi sa iyo. Kaya please huwag kang masyadong maging mabait kay ate Patricia, okay? Natanggap ko na rin Iyong food na pina-deliver mo sa akin, naubos ko iyon. Alam mo talaga kung paano ako kunin, ano? Galingan mo sa meeting niyo, dad, okay? I love you, babe!” reply ko sa kanya. Heto talaga ang problema ko kay Giovanni, ang pagiging mabait at gentleman niya kaya maraming nahuhulog sa kanya. Sinuksok ko na lamang ang aking phone sa bulsa ng suot kong shorts ngayon at lumabas na muli ako sa room ko. Heto ang ayoko tuwing weekends, wala akong ginagawa. Ayoko namang lumabas dahil mapapagastos and mapapagod lang ako. “Good afternoon po, Miss Quence!” bati sa akin ni ate Angie. “Afternoon din po, ate Angie! Napahaba ang tulog ko dahil sa pagod!” sabi ko sa kanya. “By the way po, nakauwi na po ba si mommy?” tanong ko ulit sa kanya.. “Wala pa po, Miss Quence,” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Ganoʼn po ba? Paniguradong marami na naman pinagawa si mommy sa katawan niya,” saad ko at tinignan si ate Angie, nakita ko ang pagtango niya sa akin. Sang-ayon siya sa sinabi ko, ganoʼn naman kasi si mommy. “Kumain na po ba kayo, ate Angie? Sabay na po tayo!” yaya ko sa kanya, ayoko namang mag-isa na naman kumain sa dining area namin, right? Maiinip lamang ako. “Sige po, Miss Quence,” sagot niya kaya tumango ako sa kanya at lumakad na kami papunta roon. Nakita naming sinigang na hipon ang niluto ni ate Celis. Pinaupo ko na rin siya at sabay-sabay kaming kumaing tatlo, pinabuksan ko pa ang softdrinks para masarap talaga ang kain namin. Nagku-kʼwentuhan din kaming tatlo para naman masaya ang kain namin ngayong tanghalian. “Miss Quence, kami na po bahala rito sa pinagkainan natin!” sabi ni ate Celis sa akin. “Naku, ate Celis, wala naman po akong gagawin ngayon kaya ako na po ang maghuhugas! Konti lang naman po ang mga ito,” sabi ko sa kanya pero inilingan niya ako. “Hindi na po, Miss Quence, ayos lang po talaga!” pagpipigil niya sa akin kaya wala na akong nagawa kung ʼdi tumango at sumunod sa kanya. “Um, manood na lang po tayo ng KDrama series, ate Celis and ate Angie! May bagong KDrama series daw ngayon, maganda raw ayon sa feedback ng mga tao and ayon din kay Angelica. Alam niyo naman pong addict niyon sa mga KDrama series! Ako na po ang magluluto ng popcorn natin!” nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa at kumuha na ako ng lalagyan. “Hindi naman na rin po kami makakatutol sa iyo, Miss Quence, ni-re-ready mo na po kasi ang popcorn!” natatawang sabi ni ate Angie sa akin. “Iyon po talaga ang purpose ko, ate Angie and ate Celis, para hindi na talaga kayo tumutol!” nakangiting sabi ko at binuksan na itong kalan namin para makapagluto na ako. “Magkaibang-magkaiba po talaga kayo ni Miss Patricia, Miss Quence. Iyong ate niyo po ay sobrang iwas sa amin, akala mo ay may sakit kami. Eh, simula bata kayo ay kami na ang kasambahay rito! Mabuti na lamang po ay nagmana kayo kay Sir Patrick, sobrang bait po kasi ng daddy niyo kumpara sa mommy niyo na kaugali ng ate niyo,” saad ni ate Angie sa akin. “Pasensya na po kung nasabi po iyon ni Angie sa inyo, ha? Alam ko pong mommy niyo po iyon, Miss Quence, pero iyon po talaga ang nakikita namin,” sabat ni ate Celis. “Alam ko naman po iyon. Ganoʼn naman po talaga si mommy, maarte, maselan at laging nasa mata niya ay si ate Patricia. Kaya huwag niyo na lamang pong intindihin kapag sinusungitan kayo, ganoʼn naman po ang sinabi nina loloʼt lola, ʼdi ba po?” sabi ko sa kanila at hinalo na itong kaserola na pinaglagyan ko ng popcorn at inalog-alog para pumutok ang popcorn sa loob. “Sayang nga po at for good na roon ang loloʼt lola niyo, Miss Quence, mas mabuti pong nandito sila para may kasama po kayo at may nagtatanggol sa inyo kapag nag-aaway kayo ng ate mo.” Napangiti akong napatingi kay ate Angie. “Namiss ko rin po sila. Kaya sa araw ng kasal po namin ni Giovanni ay pauuwiin ko po sila rito sa Manila para maka-attend silang dalawa, or kung hindi na talaga sila pʼweseng bumayahe, sa Cebu na lamang po ako magpapakasal,” nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa at hinango na ito, nilagay ko sa malaking mangkok. Naglagay naman na ako ng asin kanina sa kaserola. “Sana nga po, Miss Quence! Sa lola mo lang po takot si Miss Patricia. Nawawala po ang sungay kapag nakikita niya ang lola niyo po,” natatawang sabi ni ate Angie sa akin. Hinayaan na muna namin ang kaserolang ginamit ko para makapagluto ng popcorn. Pumunta na kami sa living room at binuksan niya ang television. Naka-pʼwesto na kami nina ate Angie and ate Celis at hinanap na namin ang sinasabi ni Angelica na KDrama series na patok ngayon. “Ang gwapo ng bidang lalaki, Miss Quence! Parang si Sir Giovanni lamang po!” saad ni ate Angelica. Napangiti ako sa sinabi niya. Sobrang green flag kasi ng bidang lalaki rito para nga siyang si Giovanni. “Oo nga po pala, Miss Quence, kailan niyo po balak magpakasal? Ilang taon na rin po ang relasyon niyong dalawa at isang taon na rin po kayong engage ni Sir Giovanni,” tanong ni ate Celis sa akin. Nakita kong binangga ni ate Angie si ate Celis dahil siguro sa tanong na iyon. “Huy, nakakahiya ka!” Napangiti na lamang ako sa kanila. “Okay lang po, ate Angie!” saad ko sa kanila. “Actually, napag-uusapan na po namin ang tungkol dʼyan, ate Celis. Kaya huwag po kayong mag-alala.” nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa. “Naku, Miss Quence, paniguradong kapag kinasal ka na, kayo po ang pinaka-magandang bride sa araw na iyon!” Napangiti na lamang ako sa sinabi ni ate Celis sa akin. “Salamat po! Pero, ituloy na natin itong pinapanood natin ngayon! Episode two na po tayo at para makarami tayo ngayong araw na episode!” sabi ko sa kanila at plinay ko na ang episode two ng KDrama series na ito. Nakatutok ako ngayon sa pinapanood namin nang maramdaman kong may nagba-vibrate sa aking shorts ngayon. Kinapa ko iyon at kinuha ang phone ko. Nangunot ang noo kong makita ang pangalan ni Angelica. Bakit kaya napatawag siya? “Ate Celis, ate Angie, sandali lamang po, ha? Sagutin ko lamang po itong tawag ni Angelica,” sabi ko sa kanya. Tumayo na ako sa sofa at lumayo sa kanila. Sinagot ko ang kanyang tawag. “Hello, Angelica, bakit napatawag ka? Anong nangyari?” pagtatanong ko sa kanya. “Besh, where are you now?” Nangunot ang noo ko dahil sa boses niyang iyon. Para siyang natataranta. “Um, nasa bahay. Alam mo naman hindi ako lumalabas kapag weekends, ʼdi ba? Ayokong mapagod at maglabas ng pera lalo na kapag wala pang sahod,” sabi ko sa kanya. “Ikaw, nasaan ka?” balik na tanong ko sa kanya. “Tsk! Hmm... Nasa mall ako today, Besh. Sa Megamall!” madiin niyang sabi sa akin. “Bakit parang ang init ng ulo mo yata, Angelica? Ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo? Umuwi ka na kaya?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. “Okay lang ako, Besh! Anyway, nasaan si Giovanni ngayon? Magkasama ba kayo?” “Nope, Angelica! May meeting siya ngayon with dad. Bakit mo naitanong?” wika ko sa kanya. “Sa meeting na iyon ay kasama ang bruha mong ate, right?” Tumango ako sa kanya kahit hindi niya ako nakikita. “Um, oo, siya ang secretary ni dad, e. Kaya kasama siya sa meeting. Bakit mo pala naitanong? May problema ba?” Nakarinig ako nang pagkabuntong hininga sa hininga mula kay Angelica. “Hoy, Besh, sure ka bang meeting iyon? I mean, nakita ko lang naman ang ate mong naka-akla sa braso ni Giovanni! Mukha nga silang mag-boyfriend and girlfriend kung ʼdi mo sila kilala! Baka nagiging cheater na iyang si Giovanni, ha?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. “Ha? B-baka nagkakamali ka lang ng nakita, Angelica,” sabi ko sa kanya. “Meeting talaga ang pinuntahan niya with dad.” “I know naman, Besh! Pero, ask mo pa rin talaga kung totoong meeting iyon. Nagulat din ako kanina nang makita silang dalawa. And, wala sa paligid nila si tito Patrick! Nag-aalala lang naman ako sa iyo at ayokong masaktan ka dahil sa gagang kapatid mo!” Dama ko ang gigil ni Angelica sa bawat salita niyang lumalabas sa bibig niya. “Um, o-okay. Magtatanong ako mamaya kay Giovanni about sa nakita mo, Angelica. Thank you dahil sa sinabi mo sa akin ang tungkol dito, ha?” sabi ko sa kanya. “Of course, Besh, ikaw lang ang best friend ko! Kaya po-protektahan kita at ilalayo kita sa mga taong mananakit sa iyo, kahit kay Giovanni once na masaktan ka niya!” May babalang sabi ni Angelica sa akin. “Oh, siya, ibababa ko na ito at susundan ko nang palihim ang dalawang iyon. Magse-send ako ng video sa iyo para may evidence tayo! Malapit ko na masabunutan ang ate mong bruha!” Natatawang sabi niya sa akin. “S-sige. Ingat ka, Angelica! Bye!” saad ko sa kanya at binaba na ang tawag niya. Napatingin ako sa aking phone at iniisip ang sinabi ni Angelica sa akin. Magkasama silang dalawang nag-iikot ngayon sa Mall. Gumalaw na lamang ang aking kamay at pumunta sa number ni Giovanni. “Babe, nasaan ka na ngayon? Tapos na ba ang meeting niyo? Text me, okay? And, gusto ko ng donut sa Monday, ha? I love you!” chat ko sa kanya. Hihintayin ko na lamang ang reply niya mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD