CHAPTER 4: Drama Queen

2022 Words
PINAANDAR na niya ang kotse paalis sa parking. Nakahinga ako nang maluwag nang kami na lamang ang nandito ni Giovanni. Palabas na kami ng parking nang biglang umulan nang malakas isama mo pa na nadaanan namin si ate Patricia na ngayon ay nakasilong sa isang waiting shed. Nagulat ako nang huminto siya roon sa tapat ng waiting shed. “Babe, need natin siyang isabay. Wala siyang payong,” malumanay niyang sabi sa akin. Napasandal ako sa passenger seat. Ang galing din, ano? Ngayon pa talaga umulan, kanina naman hindi madilim ang kalangitan then ngayon, ang saya mo! “Paano kung ayoko?” saad ko sa kanya at seryoso ang mukha kong nakatingin kay Giovanni. “Babe. Please, babe, lumalakas na ang ulan. Walang dalang payong ang ate Patricia mo,” nagmamakaawa niyang sabi sa akin. “See? Gagawin mo naman pala ang gusto mo, tinanong mo pa ako,” pabalang na sabi ko sa kanya at nanahimik dito sa kinauupuan ko. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga dahil sa sinabi ko. Totoo naman talaga ang sinabi ko sa kanya. Hiningi pa niya ang opinyon ko. Huminto ang kotse at narinig ko na lamang ang malakas na boses ni Giovanni. “Get in!” malakas niyang sabi kaya wala na akong nagawa kung ʼdi papasukin ulit siya. Pumapabor sa kanya ang lahat, maging ang kalangitan. “T-thanks!” saad niya nang pumasok siya sa loob. Nakita ko sa rear view mirror na basa siya. “Sorry, ha? Hindi tuloy natuloy ang date niyo dahil sa akin!” Napapikit ako dahil sa boses niyang iyon. Naririndi na ako. Natututo rin akong mainis. “Itʼs okay, Patricia, kaysa naman ipag-commute ka namin na malakas ang ulan. Paniguradong punuan ang mga bus and taxiʼs tonight!” Gusto ko sana tumahimik pero naalala ko ang nangyari kanina. “Really? Sana trinay mong mag-commute habang umuulan. Para naman maramdaman mo ang nangyari sa akin kaninang umaga,” matabil na sabi ko sa kanya. Hindi na ako nakapagpigil dahil bwisit na ako. Always ganito ang plano namin dalawa kapag monthsarry namin, nagda-date at hindi pʼwedeng baliin iyon. Ngayon lang! “Babe!” malakas na sabi ni Giovanni sa akin. “What? Wala naman mali sa sinabi ko, right?” Tinaasan ko ng kilay si Giovanni kaya hindi siya nakaimik sa akin. “Iʼm sorry, Quence, akala ko talaga ay may sakit ka kanina. Wala kasing sumasagot sa katok ko,” nagda-drama niyang sabi. Tinignan ko siya sa rear view mirror. “Ang tanong kumatok ka ba talaga? Maliit lang ang room ko kumpara sa iyo, ate Patricia. Kaya maririnig ko kahit nasa loob ako ng banyo kung may kumakatok... Katok nga ni ate Angie ay dinig na dinig ko, sa iyo pa kaya? Kaya nagtatanong ako kung kumatok ka ba talaga kaninang umaga... Ganoʼng gusto rin akong akyatan ni ate Angie kanina pero pinigilan mo,” mahabang sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko. “Babe, enough na. Tapos na iyon. Nangyari na iyon kaninang umaga. Humingi na rin ng sorry ang ate mo,” pagpapakalma sa akin ni Giovanni. “Sorry... H-hindi ko naman talaga alam, Quence... T-talagang kumatok ako, b-baka nakasabay sa shower mo ang pagkatok ko kanina kaya hindi mo narinig. Sorry talaga!” malakas niyang sabi at umiiyak na siya ngayon. Pinang-ikutan ko na lamang siya ng mga mata ko. “Dʼyan ka naman magaling sa pag-iyak,” sabi ko sa kanya. “Babe, enough! Quence, tama na, okay!” Tumaas na ang boses ni Giovanni sa akin. “Pʼwede rin naman natin i-reschedule ang date natin! Malakas din ang ulan. How about tomorrow? Huwag ka lang magalit sa kapatid mo!” pagtatanong niya pa rin sa akin. Narinig ko ang pagsinghot ni ate Patricia. Umiiyak na naman siya na walang luha naman. “T-tomorrow? Nakalimutan mo ba, Gio, n-na may meeting kayo ni dad sa new business niyo! A-ako ang secretary ni dad!” pautal-utal niyang sabi dahil kunwari ay umiiyak pa rin siya. Napapikit na lamang ako at hindi na lang ako nagsasalita sa usapan nilang dalawa. “Oh, I forgot! Sorry, babe, may meeting pala kami tomorrow ni tito. How about Sunday?” Huminga akong malalim. “Stop, okay? Just drive, Giovanni! Busy rin ako sa Sunday! And, hindi naman pʼwedeng maulit ang date sa isang buwan, right? Kaya re-schedule? Huwag na lang!” madiin na sabi ko sa kanya at kinuha ang aking airpods, sinuot ko iyon sa aking tenga para malaman niyang ayoko na siyang kausapin. Call me immature! But, bwisit na ako lalo kay ate Patricia. Buong byahe namin ay hindi ako nagsasalita. Tanging tunog lamang mula sa stereo ang mag-iingay sa sulok ng kanyang sasakyan. Anong sasabihin ko kay Angelica mamaya, na hindi natuloy ang date namin dahil umepal si ate Patricia. Umepal naman talaga siya. Nakita kong malapit na kami sa bahay. Tinanggal ko na ang seat belt ko at nakita ko ang pagsulyap ni Giovanni sa side ko. Galit ako. Sino ba naman hindi magagalit, right? Pinapasok na niya ang kotse sa loob ng bahay namin nang bumukas ang gate. Hindi pa maayos ang pagkapark ng sasakyan niya ay binuksan ko na ang pinto. “Babe!” Narinig ko ang malakas niyang pagtawag sa akin pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso akong lumakad papasok sa bahay namin pero bago pa ako makapasok ay nakita ko si ate Angie na nakatingin sa akin. “Miss Quence... T-tinatawag po kayo ni Sir Giovanni,” nauutal niyang sabi sa akin. Tinignan ko lamang siya. “Wala akong pake,” saad ko sa kanya at lumakad na muli. Iniwan ko rin sa sasakyan ang binigay niyang bulaklak. Pabagsak kong sinara ang pinto ko. Napaupo at napasandal ako sa likod nuʼn. Pinipigilan kong umiyak pero hindi na nakatiis ang aking mga mata nang umiyak ito dahil sa inis ko kay Giovanni at kay ate Patricia! Valid naman siguro ang feelings na nararamdaman ko, right? Napatingin ako sa pinto ng room ko nang makarinig ako ng katok mula roon. Napapikit na lamang ako, paniguradong si ate Angie ito. “Hay!” Napabuntong hininga ako at tumayo sa aking kama. Nagbabasa ako ngayon ng book at ang phone ko ay inoff ko muna. Ayoko munang makabasa ng chat, text messages and calls mula kay Giovanni. Ayoko muna. “Ate Angie, bakit po?” pagtatanong ko sa kanya nang mabuksa ko ang pinto ng room mo. “Dinner na po, Miss Quence. Nasa baba na po ang parents niyo and si Miss Patricia,” nag-aalinlangan niyang sabi sa akin. “Hindi po ako kakain, ate Angie. Pakisabi na lang po kay dad,” saad ko sa kanya. “And, padalhan na lang po ako ng sandwich at gatas po, ha? Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Sure po ba kayo, Miss Quence?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Sige po, gagawa na lang po ako ng sandwich na paborito niyo po, ham sandwich po.” Tumangong ngumiti ako sa kanya. “Thanks po!” Yumuko siya sa akin at nakita ko ang papalayo na niyang hakbang mula sa akin. Sinarado na lamang muli ang aking pinto at bumalik sa pagbabasa. Napapaisip tuloy ako, what if natuloy ang date namin ngayon. Ano kaya ang surprise niya? Ano na kaya ang ginagawa namin? Paniguradong masaya kaming dalawa ngayong araw pero baliktad ang nangyari dahil kay ate Patricia. Hindi pa rin talaga nawawala ang kulo ng dugo ko sa kanya. Matatandaan ko talaga ito sa buong buhay ko. Ang nag-iisang monthsarry namin na hindi nagkaroon ng date. Bumalik na rin ulit si ate Angie, binigay na niya sa akin ang ham sandwich na ginawa niya at maging ang gatas ko. Nagpasalamat ako sa kanya at kinain ko na iyon, na bigla na lamang akong umiiyak na hindi ko namamalayan. “s**t, traydor talaga itong luha ko! Kaya nga nagbasa na lang ako ng books, e. Para hindi ko na maisip ang nangyari kanina! Argh, nakakainis itong puso at luha kong ʼto!” aniya ko sa aking sarili at kinain ang sandwich habang umiiyak ako ngayon. Weʼre gonna be okay, Quence. Kinabukasan, maaga akong bumangon sa kama matapos kong umiyak kagabi. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Giovanni na pʼwedeng i-reshedule ang date namin. Pʼwede bang i-reschedule rin ang monthsarry? Isama mo pa ang malakas na ulan kahapon, eksaktong pa talaga kung kailan nagpasya na si ate Patricia na magko-commute, nakakainis. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko! Niligpit ko na muna itong pinaghigaan ko. Pumasok sa bathroom at naligo. Hindi ako pʼwedeng magkulong sa room ko, ayokong ipakita kay ate Patricia na nananalo siya sa larong ginagawa niya ngayon? Kung gusto niyang makipaglaro sa akin, bibigyan ko siya. Hindi niya alam kung paano gumanti ang isang tahimik na babae. Nang matapos akong magbihis ay lumabas na rin ako. Nagugutom na rin kasi ako at tanging gatas at sandwich lamang ang kinain ko kagabi. Bumaba na ako.sa living room at nakita kong naglilinis si ate Angie roon. “Good morning po, Miss Quence!” Malaking ngiti ang binigay niya sa akin. “Um, good morning din, ate Angie! Si mom po?” pagtatanong ko sa kanya. Alam ko naman kasing nasa meeting ngayon sina dad and ate Patricia. Binida pa nga niya sa akin kahapon ang meeting nila. Siya raw ang secretary ni dad. “Umalis po ang mom niyo, Miss Quence... Pero, may food delivery po na dumating kanina. Galing daw po kay Sir Giovanni. Nasa table na po ang pagkain niyo, galing din po sa favorite niyong restaurants,” nakangiting sabi ni ate Angie sa akin. Napabukas ang aking bibig pero agad ko ring sinara. “Huwag tayong bibigay agad, Quence.” kausap ko sa aking sarili. Tinignan ko si ate Angie. “Ganoʼn po ba? Sige po, kakain na po muna ako ng breakfast ko,” sagot ko na lamang sa kanya at lumakad na papunta sa dining hall namin. Nakita ko nga ang tinutukoy ni ate Angie, nandoon sa dining table ang paper bag galing sa favorite kong restaurant. “Akala mo ba makukuha mo ko sa ganito, ha, Giovanni?” inis kong sabi sa hangin at binuksan ko na ang paper bag na iyon. Kinuha ko ang dalawang nakalagay roon. Amoy pa lamang ay alam mong masarap na agad. Sa pagkuha ko ay may nahulog na letter. Nangunot ang noo ko at binasa ko iyon. “Babe, Iʼm sorry kung hindi natuloy ang date natin kahapon. I know you were really mad yesterday because of what happened but I promise you, I'll still surprise you even if we don't have monthsarry. You know how much I love you, right? Naawa lang talaga ako kay Patricia, kaya huwag ka na magalit sa akin, okay? I love you, my Quence. Ikaw lang mamahalin ko. Bati na tayo, okay? Heto ang favorite mong food, babe! Kain ka marami, ha? I love you! I love you so much! Love, Babe!” mahabang basa ko sa kanyang sulat. Mayroʼn pa talagang maraming hearts na nakalagay roon sa letter niya at hindi lamang iyon dahil may mukha ng lalaki na malungkot, nakasulat sa itaas na siya raw iyon. Napailing na lamang ako sa kanya at tinabi ang sulat niya. Pasulat-sulat ka pa nalalaman, may tampo pa rin ako sa iyo, Giovanni! Binigyan ko na lamang pansin ang pagkain, kumulo ang aking tiyan dahil nagugutom na rin ako. Hindi ko na sinalin sa plates ang pagkain ko, doon na ako mismo kumain. Dagdag hugasin lang naman iyon kaya bakit pa ako mag-aaksaya, right? Napapapikit ako habang sinusubo ko ang aking pagkain, ang sarap talaga. Hindi rin nagtagal ay naubos ko na rin ang breakfast ko. Tinapon ko na iyon sa trashcan at muling umakyat sa room ko, dala ang letter ni Giovanni. Wala naman din akong gagawin ngayong araw, mas gusto ko pang matulog muna kaysa gumala. Kaya manonood na muna ako para magpababa ng kinain then muling matutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD