CHAPTER 6: Whatʼs Wrong?

2424 Words
“Miss Quence, ayos lang po ba kayo?” Napatingin ako kay ate Angie nang magtanong siya sa akin. “Huh? I mean, a-ayos lang ako, ate Angie,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Sure po ba kayo? Namumutla po kasi kayo, Miss Quence,” sabi niya sa akin. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. “Namumutla po ako? Teka, iinom ko lang itong tubig. Huwag po kayong mag-alala sa akin,” sabi ko sa kanila at umupo na ako sa sofa. Kinuha ko ang aking baso at uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay nag-dry ang aking lalamunan dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Tumingin na lamang ako sa television at nag-focus sa pinapanood naming KDrama series pero ang isip ko ay nasa sinabi ni Angelica kanina. Hihintayin ko muna nang reply ni Giovanni sa akin. Maniniwala ako sa kanya. Kinagabihan, dumating na rin sina mom, dad and ate Patricia. Nakita ko ang malaking ngiti ni ate Patricia nang pumasok siya sa loob ng bahay. “Quence, mabuti naman at nandito ka. Binilhan kita ng new clothes and sandals mo! Nakita ko ang damitan mo nuʼng isang araw lalo na iyong sandals and shoes mo, may ibang pudpod na. Ibaba mo ang mga iyon, okay? Itatapon na natin!” saad ni mommy sa akin at binigay ang tatlong paper bag na hawak niya kanina. “And, next week, sumama ka sa akin. Ipapaayos ko lang hair mo ulit! Buhaghag na naman! Hindi ka talaga marunong mag-ayos, hindi tulad ng ate Patricia mo!” saad pa niya sa akin. Tumango na lamang ako sa sinabi ni mommy. Hindi naman din ako pʼwedeng tumutol sa kanyang sasabihin. “And, by the way, nagtake out na ako ng favorite food and dessert mo, okay? Kumain na kami sa labas ng dad and ate Patricia mo! Kaya kumain ka na, ha! Hindi ka kasi lumalabas kapag weekends. Mabuti na lamang ay may fiancé ka na at hindi ka iniiwan ni Giovanni! Gumimik din minsan, Quence!” pahabol pa niyang sabi sa akin. “Wala rin naman po akong gagawin sa labas, mom. Tanging si Angelica lang din ang best friend ko! Okay na rito sa loob,” sagot ko sa kanya. “Ay, bahala ka nga sa buhay mo, Quence! Kapag talaga nagsawa sa iyo si Giovanni! Hindi ko na alam sa iyo!” saad niya at lumakad na siya pa-akyat ng second floor. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Nag-aayos din naman ako, hindi lang talaga ako umaalis kapag weekends. I would rather stay at home than gumimik. Sasakit lang ang mga paa ko at mabubutas lang ang bulsa ko. Kaya, no thanks! Tinapik ako ni dad sa aking balikat. “Huwag mong intindihin ang mommy mo, Quence! Kumain ka na roon at ubusin ang pasalubong namin sa iyo, okay? Magpapahinga na ang dad mo, sobrang napagod ako ngayong araw,” saad ni dad sa akin at hinalikan ako sa aking noo. Tumango ako kay dad. “Okay po! Pahinga po kayo, dad!” Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya at tinignan siyang umakyat. Nagkasalubong ang aking magkabilang kilay nang bumaling ang tingin ko kay ate Patricia, nakita ko ang malaking ngisi niya sa akin. Doon ay muli kong naalala ang sinabi ni Angelica kaninang tanghali. Wala pa rin kasi akong nakuhang reply mula kay Giovanni. Bago ko iyon intindihin ay lumakad na lamang muna ako papasok sa dining room. Kailangan ko munang kainin ang pasalubong nina mom and dad sa akin, bago ko pansinin ang ate Patricia kong mukhang ewan. Ngumingisi na walang dahilan. Bwisit! Nang maubos ko ang dessert kong chocolate cake ay tumayo na rin ako. Dinala ko ang hugasin sa lababo. Wala pa sina ate Angie, ate Celis and kuya Angelo. May tinira pa man din akong chocolate cake sa kanila, hindi ko na kasi kayang ubusin. Kaya ang ginawa ko ay lumakad ako sa likod bahay namin kung nasaan ang room na tinutuluyan nila. Talagang iyon ang ginawa nina dad and mom, sa likod bahay ang kanilang Headquarters. Nang makarating na ako sa tinutuluyan nila ay kumatok na muna ako, may nagbukas naman agad ng pinto at nakita ko si kuya Angelo. “Miss Quence, ano pong kailangan niyo?” gulat na tanong niya sa akin. “Um, may natira pa po akong chocolate cake, kuya Angelo. Hindi ko naman na po maubos dahil sobrang dami pa po. Binabahagi ko po sa inyo! Paghatian niyo po nina ate Celis and ate Angie,” nakangiting sabi ko sa kanila at inabot ang cake. “Sige po, alis na po ako, kuya Angelo! Enjoy po sa pagkain!” saad ko sa kanya at lumakad na rin ako pabalik. Nakabalik na ako sa room ko at una kong ginawa ay ang mag-half bath, need ko muna maging fresh bago ko contact-in muli si Giovanni. Nilunod ko ang aking sarili sa ilalim ng shower, tumatama ang tubig sa mukha at sa buong katawan ko habang ang buhok ko naman ay nakatali para hindi mabasa. Kailangan kong huminahon para kumalma ang isipan ko once na ma-contact ko si Giovanni. Baka may masabi akong hindi maganda mamaya sa usapan namin. Iniisip ko lang ay bakit hindi siya sumagot sa minessage ko sa kanya. Hindi ba niya napansin ang text message ko, or, ayaw niya lang talagang magreply? Naguguluhan na talaga ako. Pinatay ko ang shower at kinuha ko ang aking sabon, pinadaanan ko iyon sa buong katawan ko. Nang mapuno ang aking katawan ng sabon ay muli kong binuksan ang shower at nagbanlaw na ako. Kinuha ko ang aking towel at lumabas na ako para makapagsuot na ako ng aking pajamas. Naglagay rin ako ng toner sa face ko and night cream. Sinuklay ko ang aking buhok at sumampa na rin sa kama ko. Kinuha ko ang aking phone sa side table at nakita ko ang chat ni Angelica sa akin. Angelica: Besh, ano na? Anong sinabi ni Giovanni sa iyo? Tinanong mo ba kung bakit kasama niya ang gagang ate Patricia mo, ha? Dapat pala talaga nagpakita ako sa kanila kanina at kapag nagulat ang bruhang ate mo, ay ingudgod ko siya sa tiles ng Mall and ipapahiya para naman mawala na ang kapal ng mukha ng ate mo! Akala niya siguro ang tali-talino niya! Bobita naman! The nerve! Napangiti ako sa mahabang chat ni Angelica sa akin. Siya talaga ang nagagalit sa akin para kay ate Patricia. Huminga akong malalim at nag-type ng reply sa kanya. “Hello, besh, huwag ka na ma-highblood, okay? Nagtext and nagchat na ako kay Giovanni kanina, waiting na lamang ako ng reply mula sa kanya. And, iniisip ko na baka kasama ni Giovanni sina dad and mom din nang makita mo si ate Patricia. Sabay-sabay rin kasi silang umuwi ngayon at binilhan ako ni mommy ng new clothes and sandals, plus may pagkain pang tinake out sa akin... And, prinomise ko sa iyo na once na niloko ako ni Giovanni ay never ko siyang patatawarin, ʼdi ba? Never akong makikipagbalikan sa kanya once na makipag-break ako sa kanya, panigurado naman naaalala pa naman niya ang sinabi ko tungkol doon, noong sinagot ko siya. Sabi nga natin, once a cheater always a cheater, right? Sa ngayon, sa ilang taon namin, hindi naman niya ako niloko, right? Kaya chill lang tayo, Besh! Dahil kapag naramdaman kong may mali na sa relasyong ito, ako ang unang aayaw. Mas okay ng single kaysa mamoblema pa sa kanya.” mahabang reply ko sa kanya. Iyon talaga ang nasa isipan ko. Kapag niloko niya ako, ayoko na. Hindi ko siya mapapatawad. Huminga muli ako nang malalim. Hindi ko alam pero napapansin ko sa aking sarili na humihina ako. Umiinom na rin naman ako ng vitamins na pina-prescribe sa akin ng pharmacist nang magtanong ako kung anong need na inumin na vitamins para sa mga taong maputla. Need ko raw ng vitamin iron. Kaya sinunod ko ang sinabi ng pharmacist sa akin, and nagkaroon din ako ng pagre-reseach about sa pamumutla, iyon din ang tina-take ng iilan. Napapikit na lamang ako at napabuntong-hininga. Baka hindi pa tumatalab sa akin dahil wala pang isang linggo ng uminom ako. Napaayos ako nang pagkakaupo ko sa kama nang makita ko si Giovanni na tumatawag. Napangiti ako at inaayos ko ang aking sarili, nagre-request siya ng video call naming dalawa. Huminga akong malalim at sinagot na ang tawag niya. “Hello, babe! Good evening!” nakangiting bati niya sa akin nang sagutin ko ang kanyang call. “Sorry, babe, ngayon ko lang napansin ang text and chat mo, ha? Low battery ang phone ko at nakasaksak pa nga iyon, oh!” Pinakita niya sa akin ang phone niyang nakasaksak sa charge. “Um, mamaya na lang kaya tayo mag-usap? Para mapuno na agad ang phone mo,” sabi ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “No, babe! Baka makatulog ako at makalimutan kitang tawagan!” Hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko. “Nakainom ka?” tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing sinisinok siya. Napangiti siya sa sinabi kong iyon. “Paano mo nalaman, babe? Nag-shower na nga ako bago kita tawagan para hindi mo mapansin ang magkabilang pisngi kong namumula. You know me well talaga, babe!” nakangising sabi niya sa akin. Malalaman mong lasing si Giovanni kapag; namumula ang magkabilang pisngi niya, kapag sinisinok siya, kapag makulit at madaldal and lastly, kapag tulog agad siya nang maaga. Nagpupuyat kasi niya pagdating sa business nila. “Uminom ba kayo ni dad, ha?” tanong ko sa kanya. Pero, hindi ko naman napansing lasing or nakainom si dad. Wala rin akong naamoy na wine sa katawan niya kanina. “Napainom lang kami ni tito Patrick, babe! Then, nagpasundo na lamang ako sa driver namin kaya hindi ako nag-drive ng lasing, okay? Huwag kang mag-alala, ha?” nakangiting sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. “By the way, nakita ko ang text and chat mo, kung nasaan ako kaninang tanghali? Kasama ko ang dad and Patricia mo after the meeting. Kumain kami ng lunch and early dinner, dumating din kasi si tita Phello kaya hindi ako nakaalis agad. Oo nga pala, binilhan kita ng chocolate cake. Nagustuhan mo ba? Ngayon ko lang nakitang gusto mo ng donut! Sa Monday bibilhan kita ng isang box!” dagdag niyang sabi at lalo niyang nilapit ang mukha niya sa camera. “Um, oo, nakain ko na siya kanina. Sa favorite kong cake shop mo binili, right?” tanong ko sa kanya. Akala ko sila mommy ang bumili nuʼn? Tumango siya sa akin. “Of course, babe! Kilala rin kaya kita! Lahat ng favorite mong food ay alam ko!” nakangising sabi niya sa akin. “Ang ganda mo, babe! Sobrang swerte ko sa iyo na ikaw ang girlfriend ko! Kaya never kitang hihiwalayan, okay? Akin ka lang!” Kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang sabihin iyon ni Giovanni. Ang kanyang mga mata na seryoso habang sinasabi niya iyon sa akin. “Hey, manahimik ka nga po! By the way, may gusto akong itanong sa iyo... Kanina sabi sa akin ni Angelica ay nakita niya kayo ni ate Patricia na magka—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may nahulog sa kabila, kay Giovanni. “Hey, ano iyon? May nahulog ba dʼyan? Mukhang may nabasag!” gulat na sabi ko sa kanya. “Wait, babe,” saad niya sa akin at bigla na lamang siya nawala sa harap ng camera. Bigla rin siya bumalik at nagulat pa nga ako dahil sa biglaan niyang pagsulpot. “Iyong wall frame ko rito, babe! Bumigay na yata kaya nahulog! Iyong picture pa man din natin ang nakalagay roon. Inalis ko ang picture natin at ang frame ay nilagay ko na sa basurahan ko.” salaysay niya sa akin. “P-picture natin? Anong picture niyon?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam pero heto na naman ang kabog nang puso ko, sobrang bilis. “Noong nag-propose ako sa iyo, babe! But, donʼt mind that! Kukuha lang ako ng picture frame sa ibaba, kay mommy, para maisabit muli ito sa wall ko roon,” sabi niya sa akin at hinarap doon ang camera. May iisang wall kasi sa room niya na puro picture namin, simula noong sinagot ko siya hanggang sa nag-propose siya sa akin at ang kulang na lamang ay wedding picture naming dalawa roon sa wall niya. Kumpleto na ang pictures naming magkasama. “G-ganoon ba?” Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya. “Of course, babe, ibabalik ko rin agad ito roon! Anyway, muntik ko pa ngang makalimutan! Sabi ni mom ay magkakaroon ng family dinner this Saturday, Quence, hindi ko alam kung anong mayroʼn pero mukhang pag-uusapan ang tungkol sa kasal nating dalawa,” nakangiting sabi niya sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ko iyon. Our wedding. May date naman na kaming naisip kung kailan magiging wedding naming dalawa. “Paniguradong atat na rin silang ikasal tayo, babe! Pero, one year pa lang naman nang ma-engage tayo, right? Hindi talaga sila makapaghintay, ha? O, baka gusto nila agad magkaroon ng apo sa akin. Alam mo namang only child ako! Sina mom and dad talaga, babe, ano?” nakangiting sabi niya sa akin at sabay iling. “Baka gusto lang nina tita Bianca at tito Gavin na malaman kung may date na ba tayong napupusuan, right? And, hindi rin natin sila masisisi dahil ikaw ang tagapagmana nila, Gio!” paliwanag kong sabi sa kanya. “I know naman, babe! Pero, hindi kita pipilitin if ayaw pong magpakasal sa akin, okay? Ikaw ang priority ko, right?” Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niyang iyon. “I know naman,” sagot ko sa kanya. Sobrang gentleman talaga niya. “But, by the way, Gio, about sa tinatanong ko kani—” Humikab siya nang malakas kaya hindi ko na naman naituloy ang aking sasabihin. “Babe, inaantok na ako! Can I sleep na? But, donʼt forget, okay? This Saturday, ha? May family dinner ng araw na iyon! I love you! Good night, Quence!” nakangiting sabi niya sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya, napansin ko rin kasi ang mga mata niyang papikit na. “O-okay. I love you too, Gio! Good night too!” saad ko sa kanya at na-end na ang video call naming dalawa. Shit, Quence, hindi tuloy natin naitanong kung bakit magkasama sila ni ate Patricia kanina sa Mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD