bc

Living With Mister Ukyo Silvestre (SPG)

book_age18+
4.0K
FOLLOW
44.6K
READ
billionaire
contract marriage
HE
dominant
mafia
drama
bxg
assistant
like
intro-logo
Blurb

Ako si Quence Valdez, dalawangpuʼt taong gulang. Nalaman ko sa edad kong iyon na may malalang kanser ako at hindi na tatagal sa mundong ibabaw na ito. Sinabi ko sa magulang at sa fiancé ko ang tungkol sa sakit ko pero pandidiri ang inabot ko.Pinalayas nila ako sa bahay na tinitirahan ko sa halos dalawang dekada. Wala raw silang anak na katulad kong mamamatay na dahil sa isang kanser. Pinagtulungan nila ako, pinagtawanan at higit sa lahat nandidiri sila sa akin na baka mahawa sila sa sakit ko. Ang kinalulungkot ko lamang ay maging ang fiancé ko ay hindi ako magawang kampihan at titigan. Kung kailan kailangan ko sila saka naman nila pinaramdam sa akin na mag-isa ako.Pinagtabuyan nila ako na parang aso.Kaya sa natitirang buhay ko ay gagawin ko ang lahat para labanan ang sakit ko at mabalikan sila. Kailangan kong lumaban para sa sarili ko.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Pamumutla
“Besh, are you okay? Parang namumutla ka yata? May sakit ka ba?” Napatingin ako kay Angelica nang magsalita siya. Nandito kami sa loob ng building ng Angeles Company, na pagmamay-ari ng fiancé kong si Giovanni. Isa kami sa staff sa Marketing department ni Angelica. “Huh? Wala naman ako sakit, Angelica. Baka pagod lang ako and hindi rin ako nakatulog nang maaga kagabi,” sagot ko sa kanya at inasikaso na itong ginagawa ko. “Besh, baka kulang ka sa vitamins? Uminom ka kaya?” saad niya sa akin kaya napatingjn ako sa kanya. “You think?” pagtatanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Yes, iyong may iron, Besh, para hindi ka na mamutla! Para kang multo!” “Seryoso ba? Halata bang maputla ako?” pagtatanong ko kay Angelica kaya binuksan ko ang drawer ng aking working table at kinuha roon ang aking salamin. “Oo, Besh, lalo na kapag wala kang makeup! Maglagay ka ng lipstick para hindi rin maputla ang labi mo! Para kang multo!” usal niya sa akin at tumingin sa ginagawa niya. Ginawa niya ang sinabi ng best friend niya. Kinuha niya ang kanyang lipstick at naglagay sa kanyang labi, katamtaman lamang ang nilagay niya lalo naʼt super red itong lipstick na mayroʼn siya. “Okay na ba ito, Angelica?” pagtatanong ko sa kanya. Sa paningin ko ay hindi naman ako maputla, maputi lang talaga ako. “Pʼwede na iyan pero ang kutis mo talaga ay maputla,” sabi niya sa akin nang tignan niya ako. “Baka maputi lang talaga ako kaya akala ko ay maputla ako, Angelica,” sabi ko sa kanya at tinignan ang aking braso. “Besh, ilang years na ba tayo magkaibigan, ha? Since high school ay magkasama tayong dalawa kaya alam kong maputi ka talaga pero ngayon iba ang pagkakaputi mo, mutla!” saad ni Angelica sa akin. “Besh, mag-vitamins ka na lamang baka nga kulang ka sa iron kaya ganyan ka kaputla! Sa drugstore mayroʼn iyon kahit hindi ka na magtanong sa counter nasa mga shelves lang iyong ganoʼng vitamins.” dagdag pa niyang sabi sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Okay, iinom na lang ako ng vitamins and magpapa-araw na rin para magkaroon din ako ng vitamins D na mula sa araw,” sabi ko sa kanya. “Ganoʼn na nga ang gawin mo at mag-ayos-ayos ka rin, Besh, baka sa kapo-focus mo sa work mo ay maging losyang ka at mawala ang love ni Giovanni sa iyo, sige ka! May impakta pa naman sa paligid-ligid! Kilala mo naman kung sino ang tinutukoy ko, Quence!” mataray niyang sabi sa akin. “Hindi naman siguro gagawin ni ate Patricia niyon,” mahinang sabi ko sa kanya. “Ay, besh, iba ang ahas ngayon nag-iiba ang kulay. Iyong feeling na hindi makamandag pero kapag may chance manuklaw, tapos ang laban. Ganoʼn ang ate mo, Besh! Ilang beses na ba akong agawan ng boyfriend, ʼdi ba? Proven and tested ang mga ganyan. Best friend lang daw nila pero naglalandian na behind my back!” saad ni Angelica sa akin. “Pero, iyong kaso ng ate mong impakta ang kinaibahan lamang ay hindi siya best friend ni Giovanni, naging close lang sila dahil always dumadalaw sa bahay niyo ang fiancé mo noong college tayo then until now, tapos dinadaldal ng impakta na iyon si Giovanni then ikaw, wala man lang ginagawa dahil always mong sinasabi para magustuhan ang fiancé mo, right? Pero, mukhang mababaliktad dahil nalaman ng impaktang ate mo na si Giovanni na fiancé mo ay ang CEO na ng company nila, hetong company na pinapasukan natin! Kaya kung ako sa iyo, Quence, bakuran mong mabuti si Giovanni, okay? Ayokong umiiyak-iyak ka sa akin, ako lang dapat kapag hiniwalay ulit ako ng jowa kong foreigner!” mahabang sabi niya sa akin at muling tinignan ang ginagawa niya. “H-hindi naman ako lolokohin ni Giovanni, nangako siya sa family ko, sa iyo at sa akin. Mahal niya ako, Angelica. Kaya may tiwala ako sa kanya na hindi siya magloloko,” sabi ko sa kanya at tinignan din itong work ko. “Tiwala? May tiwala ka nga kay Giovanni pero lalaki pa rin iyan. Kahit anong iwas niya kung may temptation na nakahain sa harap niya, ay kakain niyan nang palihim. Mas okay ng mambakod kaysa umiyak sa huli. Iyong ate mong impakta pa naman ay magaling mang-ahas! ʼDi ba, na-tsismis pa iyan dati na nang-ahas siya ng jowa noong college tayo! Hindi ko ba alam sa parents mo but laging pinapaboran niyang ate mo, bobo naman! Muntik pa nga hindi grumaduate kung ʼdi mo lang tinulungan sa research paper niya. Iniisip ko kung bobo rin ba sina tito and tita dahil kinakampihan nila ang ate mong iyon! Isama mo pa na mas maganda ang regalong nakuha ng kapatid mo kaysa sa iyo na may flying colors! Gusto kong kausapin ang dad and mom mo that time na, 'hello, tita and tito, may flying colors ang anak niyong si Quence kaya bakit phone lang binigay niyo sa kanya at hindi rin kotse katulad ng bobo niyong anak!' Nagpigil lang ako that time dahil marami rin tao. Pero, punong-puno na ako sa ate mong impakta noong graduation!” gigil niyang sabi sa akin, kita ang kamay niyang nakakuyom na. “Oo nga pala muntik ko nang makalimutan! Naalala ko rin iyong panay pasikat siya sa parents ni Giovanni that time, akala mo talaga katalinuhan dahil binida iyong research paper na ikaw naman gumawa. Kakaloka talaga ang ate mo that time! Tapos, balak din dito mag-work at gusto kang paalisin dahil sa policy na bawal magkamag-anak dito sa company. Kapal ng mukha talaga! Baka naman ampon ka lang, Quence, ha?” Napailing na lamang ako kay Angelica. “Sira! Ako, ampon? Xerox copy ko si daddy. And, magka-blood type rin kaming dalawa. Kaya malabo,” sabi ko sa kanya. “Oh, baka ang ate mong impakta ang ampon! Paano kung ganoʼn nga? Kaya bobo siya!” gigil pa rin niyang sabi sa akin. “Sira ka! Paano ko malalaman, ha? Siya ang unang pinanganak sa amin, sinabi rin ni lola na kamukha ni ate si mommy noong kabataan niya,” saad ko at tumayo na ako. “Mamaya na tayo mag-usap, Angelica. Kailangan ko na muna ibigay ito papers sa secretary ni Giovanni sa 9th floor, ha?” sabi ko sa kanya. “Sure, bilisan mo, ha? Malapit na rin ang lunch break natin, Quence! Nagugutom na rin ako at pag-usapan ulit natin ang ate mong impakta!” malakas pa niyang pahabol sa akin. Napailing na lamang sa kanyang sinabi kaya lumakad na ako nang mabilis para makarating na ako sa office ng secretary ni Giovanni. Babe ang tawagan naming dalawa pero kapag nandito na ako sa company namin ang tawagan namin ay by surname dahil be professional daw. Napatingin ako sa aking suot na wristwatch at nakita ko ngang malapit na nga mag-lunch break, kaya pala nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nakatingin ako sa itaas ng elevator kung nasaan ang number na naka-indicate roon. Nasa lobby floor pa lamang. Nang dumating na sa 4th floor ang elevator ay pumasok na ako, nakipagsiksikan talaga ako kahit ang dami ng nasa loob. Need ko ng madala itong papers ko sa secretary ni Giovanni. Nang makita kong next na 9th floor ay sumiksik ako paunahan habang yakap ang papers na ibibigay. “Wow!” Iyon na lamang ang nasabi ko nang makaalis na sa loob ng elevator. Lumakad na ako papasok sa floor ng 9th floor at dumiretso sa loob nito, sobrang tahimik dito dahil na rin for executive ang nandito sa 9th floor dahil ang 10th floor ay for President, which is dad niya ang nandoon and last floor ay tambayan para sa smoker na empleyado sa company na ito at halos na natira roon sa elabfor kanina ay pupunta sa last floor. Nangunot ang noo ko nang makitang wala sa working table niya si Bien — ang secretary ni Giovanni. Napalingon ako sa paligid pero wala akong mapagtanungan ngayon, mukhang ang ibang empleyado rito ay nag-lunch break. Hindi ko naman pʼwedeng iwan ang papers dahil importante ito. Napatingin ako sa office room ni Giovanni baka pʼwede ko sa kanya ito iwan lalo naʼt sa kanya rin ito mapupunta. Humakbang na ako papunta roon at kakatok na sana nang bumukas iyon kaya napatago ako. Hindi ko alam bakit nagtago ako ganoʼng wala naman akong gagawing masama. Napalunok ako nang makita ko si Giovanni at hindi lamang siya ang lumabas doon sa office room niya, maging si ate Patricia. Anong ginagawa niya rito ngayon? Bakit nandito siya? Gusto kong ihakbang ang aking mga paa para kausapin siya ngayon at itanong kung bakit magkasama sila ni ate Patricia sa office room niya pero napahawak ako sa aking dibdib nang tumabol iyon nang mabilis habang pinapanood silang masayang naglalakad palayo sa akin. Nang mawala sila sa aking paningin ay lumabas na rin ako sa aking kinatataguan, kasabay nuʼn ay nakita ko na rin si Bien. “Good afternoon po, Miss Quence, kanina pa po ba kayo? Pasensya na po kumain na po kasi ako ng lunch ko.” pagtatanong niya sa akin nang makita niya ako. “Huh? I mean, um, kararating ko lang din dito... H-heto iyong papers na need mo, Bien. Oh, siya alis na ako, ha? Kumpleto ang mga iyan!” sabi ko sa kanya at inabot na ang envelope sa kanya. “Teka po, Miss Quence, hindi niyo po ba kakausapin si Sir Giovanni? Nandʼyan po siya ngayon sa loob,” saad niya sa akin at tinuro ang office room ni Giovanni. “Huh? Mamaya na lang siguro, Bien, need ko na rin kasi bumalik sa 4th floor, lunch break na rin kasi at hinihintay na ako ni Angelica sa Marketing Department,” sagot ko sa kanya. “Ganoʼn po ba? Sige po, sabihan ko na lamang po mamaya si Sir Giovanni na dumalaw po kayo rito.” Tumango na lamang ako sa kanya at lumakad na paalis. Hindi alam ni Bien na dumating si ate Patricia? Pero, bakit siya nandito ngayon at ano ang pinag-uusapan nila kanina?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook