NAGISING akong napatulala na lamang ako nang maalala ko ang nakita ko kahapon. Ang mga masaya nilang mukha na naglalakad habang nag-uusap sila, hindi na nagagawa ni Giovanni iyon sa akin nang siya na ang humawak ng company nila. Lagi na lamang siyang seryoso kapag magkasama kaming dalawa, nawala na iyong Giovanni na kilala noong nasa 3rd year high school kami.
Heto ba ang sinasabi nilang matured relationship?
Napapikit na lamang ako sa aking iniisip. Hindi naman niya siguro ako lolokohin, ʼdi ba? O, ipagpapalit kay ate Patricia. Hindi naman siya magpo-propose nuʼng college graduation namin kung ʼdi niya talaga ako mahal.
Mahal ako ni Giovanni. Mahal niya ako.
Napapikit na lamang ako at mahinang tinapik ang aking magkabilang pisngi. “Quence, huwag na natin isipin iyon, okay? Mahal tayo ni Giovanni. Ako lang ang babaeng mamahalin at pakakasalan niya,” sabi ko sa aking sarili.
Tumayo na ako sa bed ko at inayos iyon. Ganito talaga ako, gusto ko ay maayos ang lahat ng nasa paligid ko. Pumasok na ako sa bathroom ko at naligo na. Hindi naman gaano malaki itong bathroon ko dahil shower at inidoro lamang ang mayroʼn, hindi tulad kay ate Patricia na may bathtub pa. Lahat ng gusto niya ay nasusunod dahil siya raw ang magmamana ng business namin dahil siya ang panganay.
Hindi na lamang ako tumutol dahil hindi ko rin naman maaasikaso iyon dahil magiging asawa rin ako ni Giovanni, siya dapat ang tutulungan ko sa company nila na lumago.
Natapos na rin akong maligo at lumabas na ako sa bathroom, wala akong walk-in closet katulad ng room ni ate Patricia. Binuksan ko na lamang ang cabinet ko at kinuha ang aking damit na isusuot ngayon, wala kaming uniform sa company.
Balak ko ngayon mag-dress, kaya kinuha ko ang black and white kong dress na hanggang sa aking ibabang tuhod. Nagdala na lang din ako ng blazer para kapag nilamig ako sa office mamaya. Nag-ayos na rin ako at naglagay ng light makeup sa mukha ko, para magmukhang natural pa rin ako. Ang maikling buhok ko naman ay hinayaan ko na lamang nakalugay.
Lumabas na rin ako sa room ko na may ngiti sa aking labi. Nang makababa ako ay nakita ko ang gulat sa mukha ni ate Angie nang makita niya ako, isa siya sa mga kasambahay namin.
“M-Miss Quence?” bulalas niya sa pangalan ko.
“Bakit po? May kailangan po ba kayo sa akin?” pagtatanong ko sa kanya habang nahihiwagaan ako kung anong nangyayari sa kanya. “N-nandʼyan na po ba si Giovanni, ate Angie? Pakisabi po ay kakain po muna ako ng breakfast ko,” dagdag na sabi ko sa kanya.
“Ah, eh, Miss Quence... U-umalis na po si Sir Giovanni, k-kanina pa po,” nauutal niyang sabi sa akin.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. “Po? U-umalis na po si Giovanni? Bakit daw po?” pagtatanong ko kay ate Angie.
“Eh, Miss Quence, sabi ng ate niyo may sakit daw kayo. Kanina pa raw siya kumakatok sa room niyo pero walang sumasagot,” tugon niya sa akin. “K-kaya nagpasya na po silang umalis.”
“What?” Napataas ang boses ko dahil sa sinabi niyang iyon. “Wala akong naririnig na kumatok sa room ko! Maaga akong nagising kanina... O, baka naman ay hindi siya kumatok talaga?” sabi ko sa kanya.
“Baka nga po, Miss Quence. Kasi po iyong sinabi kong aakyat ulit ako para katukin ka ay sumigaw po siya na baka ma-late na raw sila ganoʼng maaga pa po ng isang oras bago ang duty niyo po. Sorry po, Miss Quence, sana hindi ako natakot kay Miss Patricia. Sana inakyat ko po ulit kayo,” mahinang sabi niya sa akin.
“No need to say sorry, ate Angie. Hindi ko alam na ganoʼn ang gagawin ni ate Patricia,” sabi ko sa kanya at tinapik ang kanyang balikat.
“Pakiramdam ko po, Miss Quence, may gusto ang ate niyo kay Sir Giovanni... A-alam niyo naman po ang ate niyo kung ano ang gusto ay nakukuha niya po, ʼdi ba? Huwag po kayong magpapatalo sa kanya. Kahit kapatid niyo siya ay huwag niyong hahayaang makuha ang mahahalaga sa inyo,” sabi ni ate Angie sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. “Hindi ko po hahayaang, ate Angie. Hayaan mo pong umasa siya!” sabi ko sa kanya. “Kakain na lang po muna ako ng breakfast at magko-commute na lamang po ako papunta sa company ng mga Angeles.” dagdag na sabi ko sa kanya.
What a monthsarry to us! Monthsarry pa man din namin ngayong araw.
Nakakainis!
Nagmadali akong kumain dahil commute day ako ngayong Friday, kung kailan Biyernes pa talaga, ano? Kaya ang ending siksikan sa bus ang inabutan ko, isama mo pang naka-dress ako ngayon.
Pagkababa ko galing sa bus ay mabilis aking tumakbo pababa roon. Tumakbo ako at wala na akong pakealam kung naka-dress ba ako dahil malapit na ang oras duty ko, mala-late pa yata ako ngayong araw.
Bwisit talaga ang ate Patricia na iyon!
Napanganga ako nang makita ang elevator na nasa 9th floor. Kaya hindi na lamang ako naghintay sa tapat nuʼn. Lumakad na ako papunta sa fire exit at naghagdanan na lamang ako. Mabilis ang paglalakad at hindi alintana ang dress and high heels na suot ko ngayon, basta umabot lamang ako sa time in ngayong araw. Ayokong magkaroon ng late!
Nasa harap na ako ng biometrics at nag-time in na ako, nakita ko roon ang oras, 8:02AM, late ako ng two minutes.
“Hay, late pa rin ako kahit ginawa ko na ang lahat!” usal ko sa aking sarili.
First time kong ma-late.
Lumakad na lamang ako papasok para makarating na ako sa department namin, ang Marketing.
“Besh, late ka? Anong nangyari sa iyo?” pagtatanong ni Angelica sa akin.
Hinihingal akong napaupo sa silya ko habang habol ang aking hininga.
“Tubig, oh? Ayos ka lang ba?” tanong niya ulit sa akin.
“Thanks!” Kinuha ko ang inabot niyang water jug at uminom doon.
“Uhaw na uhaw, ha? Ano nang nangyari sa iyo bakit late ka, ha?” Narinig kong tanong ni Angelica sa akin.
Tinignan ko siya at binaba ang water jug niya. “Naiwan ako... I mean, sinadya akong iwan ni ate Patricia! Sinabi lang naman niya kay Giovanni na may sakit ako, kaya ang ending nang bumaba ako ay wala na sila roon. Nakakainis! Monthsarry pa man din namin ngayon!” gigil na sabi ko sa kanya. “Tignan mo naman nag-dress pa ako, iyon pala magko-commute ako papunta rito. Siksikan pa sa bus at hindi lamang iyon...” Binuksan ko ang computer sa harapan ko. “Naghagdan ako papunta rito dahil ang elevator ay nasa 9th floor pa. Akala ko makakaabot ako bago ang 8AM pero 8:02AM na ako naka-biometrics!”
“Wow! Hanep din niyang ate Patricia mo, ano? Ang kapal ng mukha! Anyway, dapat tinawagan mo ko, sinundo sana kita sa inyo!”
Napatingin ako sa kanya at inayos ang buhok kong magulo. “Eh ʼdi dalawa tayong late dapat? Alam mo namang nasa south ka at ako nasa north! Gastos lang din sa gasoline,” saad ko sa kanya at tinignan ang email para sa akin.
“Gaga ka talaga, Quence, whatʼs a friend are for, right? Best friend mo ko since high school! Bakit naman kasi lumipat sila dad ng bahay! Eh ʼdi dapat until now magkapitbahay pa rin tayo!” usal niya sa akin.
Lumipat kasi sila ng bahay ng after ng pagiging college namin. Binenta nila ang lumang bahay nila at bumili ng bago sa may south.
“At least, maganda ang house niyo ngayon! May garden and swimming pool pa kayo! Ganoʼn ang gusto kong bahay soon,” sabi ko sa kanya.
“Doon na rin kayo kumuha ng bahay ni Giovanni para magkapitbahay ulit tayo, Quence! Doon kayo kumuha, ha?” sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
“Oo na, Angelica! Magtrabaho na tayo at nakikita kong nakatingin na si Supervisor dito sa hilera natin,” mahinang sabi ko sa kaya at tumango siya sa akin.
Natapos na rin ang araw ng Friday namin. Makakapagpahinga na rin kami ngayong araw. “Besh, enjoy sa date niyo later, ha? Alis na ako! Text mo ko kung anong ganap, ha? Kung ano na naman ang surprise niya sa iyo!” saad niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Nakita kong una na siyang umalis. Kapag Friday kasi ay dinadaanan niya si tito para sunduon, coding kasi ang isang car nila.
Nakapagligpit na rin ako nang makita ko si Giovanni na nakangiti sa akin. Sabay kaming ng lunch kanina sa 4th floor, hindi na rin naman bago ito at alam na rin ng ibang empleyado na fiancé niya ako.
“Come on, babe! Sorry kung naiwan kita kanina, ha? Akala ko talaga may sakit ka. But, thanks, God, wala naman!” saad niya sa akin. “Happy monthsarry to us!” dagdag niyang sabi at hinalikan ako sa aking noo, binigyan pa niya ako ng red tulips.
Favorite flower ko.
Napahinto ako nang makita ko si ate Patricia na nasa harap ng elevator. “Um, babe, kasabay natin ang ate Patricia mo. Pumunta siya rito para ibigay niyong business proposal ng dad mo sa business na gagawin namin. Sasabay na siya sa pag-uwi sa atin,” saad niya sa akin at tinuro si ate Patricia.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. “T-teka, date natin ngayon, right? M-monthsarry natin, ʼdi ba? Ikaw pa nga ang nagpaalala sa akin kahapon at ngayon,” usal ko sa kanya. “And, naalala mo ang ginawa niya kanina sa akin? Sinabi niyang may sakit ako!” paalala kong sabi sa kanya.
“I know, babe. And, humihingi na rin siya ng sorry about sa nangyari kaninang umaga. Pakinggan mo mamaya ang sasabihin niya sa iyon, okay?” mahinang sabi ni Giovanni sa akin at hinawakan pa niya ang kamay ko.
“Um, Quence, sorry kung naiwan ka namin kanina, ha? Akala ko talaga may sick ka, eh! And, nakapasok ka rin naman, right?”
Napatingin ako sa kanyang sinabi. Napatawa ako sa sinabi niyang iyon. “Really? Kung gusto mong bumawi sa akin dahil sa nangyari kanina. Pʼwede ka ring mag-commute ngayon, right? Alam mo namang monthsarry today,” matapang na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang nag-aalinlangan sa mukha niya. Hindi siya makasagot dahil unang-una ay planado na niyang sumabay sa amin para hindi matuloy ang monthsarry namin.
“Quence, huwag naman ganoʼn!”
First time akong pagtaasan ng boses ni Giovanni.
“What? Humihingi siya ng sorry sa akin, right? And, date natin today!” saad ko sa kanya.
“I-Itʼs okay... Um, b-baba na lamang ako, Gio. Tama naman si Quence, nakakagulo ako sa date niyong dalawa,” mahinang sabi niya sa amin at parang ngarag pa ang boses.
Nagmamakaawa talaga siya, ano?
Nakita ko ang pagbaba niya sa kotse. Napangiti ako nang bumaba na siya.
“Babe, sana hindi mo ginanon ang ate Patricia mo,” saad niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. “Ako naman ngayon ang mali? Pero, kaninang umaga ay hindi ka man lang nagtext sa akin if totoong may sakit ako, right? Sabihin mo nga sa akin may surprise ka ba sa akin ngayong monthsarry natin, or, wala? Kaya gusto mong isabay si ate Patricia sa atin?” pagtatanong ko sa kanya.
“No, babe! I have a surprise ngayong araw! Sa monthsarry natin! Kaya huwag mong sabihin na wala, okay! Never akong bumali sa sinabi ko sa iyo!” seryosong sabi ko sa kanya.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. May surprise talaga siya ngayong araw, ha?