CHAPTER 7: The Day After Tomorrow

2481 Words
MONDAY, maaga akong nagising at baka sabihin na naman ni ate Patricia na may sakit ako. Hindi ko pa rin talaga siya napapatawad nuʼn Friday. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko iyon. Isama mo pa ang sinabi ni Angelica sa akin kagabi, nakita niya sina Giovanni and ate Patricia na magkasama sa Mall. Pero, wala akong nakuhang sagot mula kay Giovanni dahil napunta ang usapan namin sa family dinner this Saturday, isama mo pa na nahulog ang picture frame naming magkasama. Bad sign niyon, right? Sana wala talagang mangyari masama sa relasyon naming dalawa. Niligpit ko na ang aking kama. Hindi ko alam pero nasanay ako sa ganito, na ligpitin nang maayos ang kama kapag tapos na matulog. Nakakasira kasi sa mood kapag magulo ang bed mo. Kinuha ko muna ang aking phone at nagtext ako kay Gio. “Babe, good morning! Papunta ka na ba sa amin? Text me, okay? Donʼt forget to eat!” Text ko sa kanya. Para alam din niyang papasok ako ngayong araw. Hindi ko na rin pinaalala ang donut na pinapabili ko, tignan natin kong maaalala niya ang tungkol doon. Pumasok na rin ako sa bathroom at mabilis na naligo. May dalawang oras na lamang ako para mag-asikaso sa aking sarili. Nang matapos na rin maligo ay lumabas na rin ako sa banyo, katulad ng sinabi ko ay wala akong walk-in closet hindi tulad kay ate Patricia. Tanging mayroʼn lamang ako ay built-in closet sa may wall. Binuksan ko iyon at kinuha ang dress na floral na kulay cream na hanggang sa aking tuhod at ang haba ng manggas nito ay hanggang sa aking siko. Magde-dress ako today dahil hindi ako nakapag-plantsa ng slacks and polo na gagamitin ko. Iuutos ko na lamang kay ate Angie mamaya kaya nilabas ko na ang polo blouse, slacks and skirt na gagamitin ko this week. Sinuot ko na ang aking dress at humarap ako sa full mirror ko, nakita kong bumagay sa akin ang ganitong dress. Lumakad na ako papunta sa vanity mirror ko at nag-ayos ng aking mukha, naglagay lamang ako ng light makeup at ang buhok ko tinirintas ko pa-waterfalls. Bumagay naman ang buhok ko sa suot ko ngayong dress. Kaya napangiti ako sa aking sarili. Lumakad ako sa aking side table at kinuha ang aking phone. Nakita ko roon ang reply ni Gio pero hindi ko muna binuksan at clinick ang camera icon sa aking phone. Nag-full mirror selfie ako sa aking suot na dress. Isama mo pa na sinuot ko na ang one inch na high heels kong white rin. Bumagay ang aking suot ngayon. Napaupo na lamang ako sa kama nang matapos akong mag-picture sa aking sarili. Pinuntahan ko ang reply ni Gio sa akin. “Babe, good morning too! Yeah, I know po, tapos na po akong kumain and Iʼm on the way na sa house niyo. Kumain ka rin nang marami. I love you too!” Hindi ko natiis na ngumiti nang malaki. Ganito pa lamang niya ay nahuhulog na talaga ako. Kaya siguro kahit anong reject ko sa kanya noong high school kami ay hindi siya nagpapatinag hanggang ako na ang bumigay, dahil sa pagiging green flag niya. And, never din siyang nagkaroon ng girlfriend and nililigawan noon. Wala ni-isa. “Alam ko po iyon, babe! Actually, pababa na po ako sa dining ngayon. Katatapos ko lang magbihis! See you po and drive safe!” reply ko sa kanya at nilagay na ang aking phone sa hand bag na gamit ko, black ang kulay nuʼn. Lumabas na ako sa aking room at sinarado ang pinto nuʼn. Dala ko rin ang mga damit na ipapa-plantsa ko kay ate Angie. Nakita ko rin naman siya agad na nagpupunas ng mga figurines ni mommy. “Ate Angie, sorry po sa istorbo, ha? Pʼwede po bang pa-plantsa po ng mga ito kapag wala po kayong gagawin? Heto po ang susuotin ko ngayong week,” saad ko sa kanya. Nakita ko ang pagpunas niya ng kanyang kamay sa suot niyang apron. “Oo naman po, Miss Quence! Wala naman po akong gagawin mamaya! Wala na po akong labahin, natapos na po kahapon kaya tupiin na lamang po mayroʼn ako! Unahin ko na lamang po itong plantsahin and ang iba niyo pa pong formal attire na nasa tupiin,” nakangiting sabi ni ate Angie sa akin at kinuha ang mga iyon. “Kain na po kayo, Miss Quence! Nasa dining na po ang mom and dad niyo po.” dagdag niyang sabi sa akin. Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “Si ate Patricia po?” tanong ko sa kanya. “Hindi pa po bumababa pero tinawag ko na po kanina, nag-aayos pa raw po siya kaya bumaba na po ako,” sagot niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Iniwan ko na roon si ate Angie at lumakad na ako papunta sa dining room, nakita ko sina mom and dad na seryosong kumakain. “Nandito ka na pala, Quence!” saad ni mommy sa akin. Tinignan ko siya at ngumiting tumango. “Good morning po, mom and dad,” saad ko sa kanila at umupo sa harap ni mommy. “Good morning too! By the way, nabalitaan mo na bang gustong magkaroon ng family dinner ni Bianca this Saturday,” saad ni mom sa akin. Tinignan ko siya at tumango. “Sinabi na po ni Gio sa akin kagabi nang makapag-usap po kami, mom. Balak ko pong pumunta nang maaga sa bahay nila tita Bianca sa Saturday para tumulong sa paghahanda,” sagot ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango. “Mabuti naman kung ganoon! Tulungan mo si Bianca sa pag-aayos sa family dinner na iyon, paniguradong tungkol sa relasyon niyo ni Giovanni ang pag-uusapan sa araw na iyon. Maghahanda rin ako ng specialty sa araw na iyon.” Napangiwi ako sa sinabi ni mommy. Ayaw talaga niyang talagang magpatalo. “Okay po, mom,” sagot ko na lamang sa kanya. Hindi rin naman ako pʼwede tumutol and iyon din naman talaga ang balak kong gawin. Pumunta nang maaga sa bahay nila tita Bianca para tumulong sa pag-aayos ng family dinner that day. Bumalik na muli ako sa pagkain at malapit na ako matapos pero si ate Patricia ay wala pa rin ngayon. Ang tagal naman yata niyang mag-ayos? “Angie, bakit wala pa rin si Patricia? Anong oras na baka ma-late sila ng dad niya pumasok!” malakas na sabi ni mommy. Nakita ko ang pagpasok ni ate Angie. “Kababalik ko lamang po roon sa room niya, Maʼam, nag-aayos pa rin po siya. Bababa na lamang po siya kapag tapos,” sagot ni ate Angie sa tanong ni mommy. Typical na ate Patricia. “Urgh, Patrick, si Patricia talaga kahit kailan always late, right? Heto ang ayoko sa isang ito! The time management she has!” Palihim akong napangiti dahil sa sinabi ni mommy. Matagal naman ng walang time management niyang si ate Patricia ever since. Kailan ba siya nagkaroon ng perfect attendance nuʼng estudyante pa siya? Wala! “Miss Quence, dumating na po si Sir Giovanni,” nakangiting sabi ni ate Angie sa akin. Malaki ang ngiti ang namuo sa aking labi. “Um, mom and dad, alis na po ako!” sabi ko sa kanila at tumayo na. Tumango lamang si mom sa akin. “You should go!” saad niya sa akin. “Mag-iingat sa byahe, okay Quence,” baritonong saad ni dad sa akin kaya tumango ako sa kanya. Lumakad na ako palabas at nakita ko agad ang kotse ni Giovanni, hindi na siya lumabas sa kotse. Ganoʼn naman kasi ang ginagawa niya talaga, hinihintay na niya ako sa loob. Nasa tapat na ako ng passenger door nang bumukas iyon. Nakita ko ang malaking ngiti ni Gio sa akin. “Good morning, babe!” bati niya sa akin. “Hereʼs your donut!” dagdag niyang sabi at tinuro ang isang box na nasa upuan ko. Kinuha niya iyon para makaupo na muna ako at nilapag sa aking hita. “Good morning too, babe! Mabuti naman poʼt naalala mo, ha? Hindi ko pinaalala sa iyo, right?” nakangiting sabi ko sa kanya. Hinalikan niya ako sa aking labi. “Babe, hindi ako makakalimutin, okay? Lahat ng pinili ko ay favorite mo. Dalawang chocolate lang ang kinuha ko then the rest ay ang favorite mong choc bavarian,” nakangiting sabi niya sa akin at kinurot ang aking noo. “Thank you po! I-sha-share ko ito kay Angelica later and aabutin din kita!” wika ko sa kanya. Inilingan niya ako. “No need na, babe! Ubusin niyo na lang ni Angelica niyan, okay?” sabi niya sa akin kaya tumango ako. I feel safe and sound kapag malapit ako kay Giovanni. Kaya hindi ko maaanting kapag niloko niya ako. Nakarating na rin kami sa parking ng company nila Giovanni. Nauna na siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto, nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan at bumaba na rin ako. “Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya. Kinuha na rin niya muna ang isang box ng donut ko. “Ngayon ko lang napansing naka-dress ka pala, babe! Sobrang bagay sa iyo ang dress na iyan!” nakangiting sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin sa dress na suot ko. Inayos niya ang likod ng aking dress at lumakad na kami. “Really? Nag-dress ako today dahil nakalimutan kong mag-plantsa ng susuotin ko this week! Mag-dress na lang kayo sa Saturday, babe? Iyong dress na niregalo mo sa akin?” pagtatanong ko sa kanya. “Oh, the blue dress, babe? Alam ko ay open ang back nuʼn, ha?” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Yes, pero maliit na bilog lang naman iyon. Hindi rin gaanong pansinin kapag hindi tinitigan nang mabuti and tayo-tayo lang naman ang nasa house niyo, right?” sabi ko sa kanya. “What do you think?” pagtatanong ko sa kanya. Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang 4th floor and 9th floor. “Sure! If iyon ang gusto mo, babe! Teternohan ko pala ang dress mo this Saturday! Need ko ring mag-blue,” saad niya kaya tinanguan ko na lamang siya. Nakarating na rin ako sa 4th floor kaya lumabas na ako sa elevator. Nagpaalam ako sa kanya habang dala ang isang box ng donut na binigay niya sa akin. Pumasok ako sa floor namin at nakita ko agad si Angelica na mukhang hinihintay na ako. “Finally, nandito ka na rin! Hindi mo sinasagot ang text ko, ha? Anong balita?” pagtatanong niya sa akin at agad akong pinaupo sa tabi. Napailing na lamang ako sa kanyang sarili. Wala naman kasi akong ire-reply sa kanya, lalo naʼt wala akong nakuhang sagot mula kay Gio. “Um, nagkaroon ng earlier dinner sa pagitan nina dad, mom and Patricia with him, kaya siguro nakita mo silang dalawa. And, magkakaroon kami ng family dinner this Saturday sa bahay nila Gio,” sabi ko sa kanya. “Ganoʼn ba? Pero, hindi pa rin ako satisfied! How about sa date niyo nuʼng Friday, ha? Monthsarry niyo ng araw na iyon, Besh!” Napalunok ako sa sinabi niya. “Um, mamaya na lamang natin pag-usapan iyon, Angelica. Mahaba-haba, e.” usal ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. “Mukhang maiinis ako dʼyan, ha? Sure mamayang lunch break natin pag-usapan ang tungkol doon, Quence!” aniya at tumango kami sa isaʼt isa. Lunch break came, nandito na kami sa third floor para kumain. Nasa dulo kami para walang makarinig sa mga sasabihin namin, dala rin namin ang donut para makain namin as dessert. “Alam mo napaka-gaga at brainwasher talaga niyang ate Patricia mo, Besh! Konti na lamang makakatanggap na siya sa akin ng sabunot, iyong tipong maging ang anit niya ay tanggal!” nanlalaking mga mata ni Angelica sa akin habang ang donut na kinakain niya ay kanyang pinagtutusok. Kawawang donut. “Ganito ang gagawin ko sa kanya kapag nakita ko ang gagang iyon!” dagdag pa niya kaya natawa na ako. “Donʼt worry, Besh, hindi ako magpapatalo sa kanya! Kung alam mo lang kung anong ginawa ko sa kanya nuʼng Friday kaya siya nag-fake cry! Mabuti na lamang talaga ay nandoon si Giovanni,” saad ko sa kanya. “Besh, kahit sana nandoon si Giovanni, sinampal mo man lang sana sa pag-iwan sa iyo nuʼng Friday! Feeling jowa siya! Hindi na lang pala sabunot ang aabutin niya sa akin, maging sampal na rin!” Napangiti na lamang ako sa kanya, at least, alam kong may totoong kaibigan ako kay Angelica. “Kaya dapat this Saturday, Quence, huwag kang papayag na kunin ng bruhang Patricia na iyon, ang atensyon na mayroʼn ka dapat sa araw na iyon! Kapag may ginawa siya ay balikan mo! Okay lang na mapahiya ang ate mong bruha, deserve naman niya iyon! Huwag kang magpapatalo!” madiin niyang sabi at kinain ang donut na gutay-gutay na. Ngumiti ako sa kanya. “Of course, hindi talaga ako magpapatalo sa kanya this Saturday! Kaya may family dinner dahil sa amin ni Gio at hindi sa kanya. Huwag kang mag-alala, Besh, susundin ko ang utos mo sa akin!” “Ay, dapat lang, Besh! Hindi na nga kayo nakapag-celebrate ng monthsarry dahil sa gagang nag-iinarte na iyon! Kaya dapat gumanti ka man lang, okay! Huwag mong hayaan sirain niya ang lahat ng mahahalaga sa iyo! Kung ako ang kapatid ng gagang niya, sinubsob ko na siya sa imburnal!” Napatawa ako sa kanyang sinabi. “Hoy, hindi ako nagbibiro, Besh! Mabuti na lamang ay mabait ka pa nga dahil sinasagot-sagot mo lang siya! Argh, bwisit talaga ang Patricia na iyon!” “I know naman, Angelica, kaya sobrang swerte ko sa iyo! Promise, hindi ako magpapatalo!” nakangiting sabi ko sa kanya. Lumipas ang ilang araw na pagta-trabaho namin sa company ay tapos na rin ang Friday work namin. Napaunat ako at napahawak sa aking likod dahil dama kong nangawit iyon, ikaw pa naman ang daming rush ngayong araw sinong hindi sasakit ang likod kakayuko. “Besh, kailan nga ulit ang family dinner niyo sa bahay nila Giovanni?” Napatingin ako kay Angelica nang magsalita siya sa gilid ko. Pinatay ko na muna ang aking computer nang ma-save ko na ang need kong i-save sa files. “Tomorrow,” sagot ko sa kanya. “Wow! Ang bilis ng oras! Enjoy sa family dinner, okay? Balitaan mo ko, Besh!” nakangiting sabi niya sa akin. “And, huwag kang magpapatalo sa ate mong bruha! Fight!” dagdag niyang sabi kaya natawa ako. Hindi naman talaga ako magpapatalo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD