CHAPTER 8: Family Dinner

2140 Words
PASADO alas-otso ng gabi nang bumaba muli ako sa kitchen. Nakita ko pang bukas ang ilaw roon at nakita ko sina ate Angie and ate Celis na nandoon. “Miss Quence, maayos na po ang lahat ng kailangan niyo bukas. Hinugasan na rin po namin ang lahera na paglalagyan ng cookies and cupcakes na lulutuin niyo po, maging ang bilog na ito,” saad ni ate Celis sa akin at tinaas ang lalagyanan ng cake. Gagawa na rin ako ng chocolate cake para bukas. “Thanks po, ate Celis and ate Angie! Pasensya na po kung inutos ko po kayo,” sabi ko sa kanila. Dapat ngayong oras ay nasa head quarter na sila at nanonood ng television ngayon. “Naku, Miss Quence, ayos lang po iyon! Tutulungan po namin kayo bukas sa paggawa ng cookies, cake and cupcake niyo po! Kami po ang bahala sa icing ng cake and sa pagdesign doon!” Napangiti ako sa sinabi ni ate Angie sa akin. “Thank you po talaga, ha? Sosobrahan ko po ang paggawa bukas para mayroʼn pong matira rito,” saad ko sa kanila. Nakita ko ang mga mata nilang ngumiti. “Thanks po, Miss Quence. Oh, siya po, matulog na po kayo para makapag-beauty rest na po kayo! Kami na po ang bahala rito!” saad ni ate Celis sa akin. Pagpapaalis nila sa akin kaya wala na akong nagawa kung ʼdi lumabas doon sa kitchen at muling umakyat sa room ko. Pumasok na ako roon sa loob ng room ko, iniisip ko kung anong balak gawin ni ate Patricia bukas. Lalo naʼt sobrang tahimik niya kanina. Paniguradong may binabalak na naman ang isang iyon. Napailing na lamang ako at humiga na ako sa kama. Kailangan ko nang matulog para makapag-ready ako bukas. Magba-bake pa ako. Bago ko ipikit ang mga mata ko ay napatingin ako sa blue dress na susuotin ko bukas, naka-ready na iyon kaya maging ako ay ready na rin. Sana maging maganda at maayos ang family dinner namin bukas. Napabangon na ako sa aking mahimbing na pagkakatulog. Hindi ko namalayan ang bilis ng araw dahil ngayon ang araw ng family dinner namin kasama ang family ni Giovanni. Pag-uusapan na siguro ang kasal naming dalawa. Isang taon na rin nang ma-engage kami ni Giovanni. Pagkakataon na siguro na asikasuhin na namin ang kasal namin. Inayos ko ang aking higaan at naghilamos na muna ako. Mamaya na ako maliligo kapag aalis na ako. Alas siyete ng gabi pa naman ang family dinner. Kaya balak kong umalis ng mga alas-dos ng hapon para tumulong naman doon sa bahay nila tita Bianca. Bago ako lumabas sa room ko ay chineck ko muna ang aking phone, nakita ko roon ang name ni Giovanni. “Good morning, babe! See you later, ha? I love you!” “Wala ako sa house, babe! May urgent meeting kami ni dad. But donʼt worry, okay? Mga bandang hapon ay darating din agad kami, hindi lang ako makakatulong sa pag-aayos ng family dinner.” “Your awake na, babe? Tulog ka pa nang mahimbing, ha? See you!” Napangiti ako sa kanyang text sa akin. Kaya hindi ko namamalayang gumagalaw na ang aking daliri para magtype ng sagot mula sa kanya. “Good morning too, babe! Okay lang, saka mamaya pa naman ang family dinner, right? Galingan mo sa meeting niyo ni tito Gavin, ha? See you later!” reply ko sa kanya at sinend na iyon. Iniwan ko muli ang phone ko at bumaba na ako para makapag-bake na rin. Nakita ko kasing mag-a-alas nuwebe na pala ng umaga. Nakababa na ako at ang ginawa ko muna ay kumain, mawawalan ako ng energy kapag walang laman ang tiyan ko. As usual, ako lang ang nasa dining table ngayon, paniguradong si mommy ay nagpaayos ulit ng kanyang kamay para sa mamayang family dinner. Si dad? Nasa office room niya at nag-aasikaso ng business. Si ate Patricia? Tulog pa iyon. Kapag ganitong weekends at wala silang meeting ni dad, buong araw siyang nakakulong sa room niya at tulog. Natapos na rin akong kumain at hinugasan na rin itong pinagkainan ko. Naghugas ako ng kamay at nagsuot ng hairnet and apron. Mag-uumpisa na akong mag-bake ngayon. Nakaayos na ang mga gagamitin ko sa pagba-bake. Kaya kinuha ko na ang malaking bowl at kinuha ang mga kailangan kong ingredients, una kong gagawin ay ang cookies. Nakatingin lamang sa akin si ate Angie ngayon at tinitignan ang ginagawa ko. “Wow, ang bilis niyong kumilos, Miss Quence! Talaga po bang hindi kayo nag-aral mag-bake? Ang gusto ko pong iparating, sa panonood lang po talaga sa mga videos kayo natuto?” galak niyang tanong sa akin. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Opo, ate Angie! Hassle rin po kasi kapag nag-aral ako. Pera pa ang need, right? Alam ko naman pong hindi problema ang money sa amin pero sayang pa rin po! Kaya nanonood na lamang po ako ng tutorial video!” nakangiting sagot ko sa kanya. Ini-scoop ko na itong ginawa kong cookie dough. Nilagay ko na ito sa lahera na may pinahid akong butter. Nilakihan ko na ang size nito at ang iba ay nilagyan ko ng choco chips sa ibabaw, may halo naman na ng choco chips ang cookie dough ko pero mas maganda tignan kapag kita ang choco chips kalag kakainin. “Matalino po talaga kayo, Miss Quence! Sa panonood lamang ay natututo agad kayo!” saad ulit ni ate Angie sa akin. “Ate Angie, tapos na po ba i-pre-heat ang oven? Ilalagay ko na po itong cookies ko and isusunod ko na rin itong cake and cupcakes,” nakangiting tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at tinignan ang timer. “Miss Quence, isang minuto pa po. Ang sipag niyo po talaga. Ang swerte ni Sir Giovanni na kayo ang magiging asawa niya,” nakangiting sabi niya sa akin. “Ganoʼn din naman po ako, ate Angie. Give ang take lamang po sa aming dalawa,” saad ko at nilagyan na rin ang ibang cupcake molder ko ng mixture ko. “Ate Celis, ayos lang po ba kayo sa icing mixture?” tanong ko sa kanya dahil kinuha ni ate Angie ang paglalagay ng cupcake mixture sa akin. “Ayos lang po, Miss Quence! Malapit naa po iyong icing!” saad ni ate Celis sa akin. Tahimik niya kasi sa isang sulok habang gamit ang mixture namin. Talagang Naka-focus siya sa akin. “By the way po, kailan niyo po balak magpakasal, Miss Quence. Isang taon na rin po ng grumaduate kayo?” saad ni ate Angie sa akin. Tinignan ko siya at binigyan nang malaking ngiti. “Malapit na po. Sasabihin po namin mamaya sa family dinner ang tungkol doon,” sagot ko sa kanya. “Seryoso po, Miss Quence? Excited na tuloy kaming malaman kung kailan kayo ikakasal ni Sir Giovanni,” sabay nilang sabi sa akin. “Thank you po agad, ate Angie and ate Celis!” sabi ko sa kanya. “By the way, okay na po ba itong oven natin? Ilalagay ko na po itong cake and itong dalawang stray ng cupcake natin. Lalagyan pa po ito ng icing sa ibabaw.” dagdag na sabi ko sa kanila. Ma-trabaho ito kaya need kong asikasuhin talaga, kumpara sa cookies na once na maluto ay maayos na iyon. Ilalagay na lamang sa box. Habang hinihintay naming maluto ang cake and cupcakes ay tinulungan ko naman si ate Angie na mag-cut ng mga ginawa niyang decorations sa cake and cupcake namin. Flowers ang mga ito. “Ang bango! Naaamoy ko na ang cake and cupcakes, Miss Quence!” nakangiting sabi ni ate Angie sa akin. “Same po! Tumikim po tayo ng tig-iisang cupcake mamaya po!” saad ko sa kanilang dalawa. Inalis ko na sa oven ang cake and cupcakes, sinunod ko na ulit ang isa pang tray ng cupcakes and ang dalawang tray kung nasaʼn ang cookie dough. Nag-timer na rin ako at inayos ko naman na ang cake. White ang icing cream ang pinahid ko sa cake, kinapalan ko iyon at pinakinis para magandang tignan. Nang mapakinis ko na, kinuha ko naman ang piping kung nasaʼn ang light pink na icing and light blue na icing. Naglagay lamang ako ng border sa cake at nilagay ko na rin ang decorations na ginawa nina ate Angie and ate Celis. “Ang ganda, Miss Quence!” “Magaling po talaga ang kamay niyo, Miss!” sabay na bulalas nina ate Angie and ate Celis sa akin. “Seryoso po ba? Hindi po ba crowded ang mga decoration?” pagtatanong ko sa kanila. May nilagay rin akong gold na pearl para lalong tumingkad ang cake. Umiling sila sa akin. “Hindi po crowded, Miss Quence! Sobrang galing niyo po! Sa acads, sa work niyo and pagdating sa pagluluto ay sobrang galing niyo pa rin po!” saad nila sa akin kaya natawa ako. “Pinag-aaralan ko rin po ang mga iyon, lalo na po sa pagluluto. Gusto ko pong paglutuan si Gio kapag naging ganap na mag-asawa na po kami. Kaya lahat ng luto ay aaralin ko po,” sabi ko sa kanila. “Paniguradong magiging mabuting asawa po kayo, Miss Quence!” Napangiti na lamang ako sa sinabi nila sa akin. Natapos na rin kaming mag-bake. Nakaayos na ang lahat ng aming binake na cookies, chocolate cake and cupcake. Paborito ito nina tita Bianca and Giovanni kaya nagbake talaga ako for them. “Ate Angie, maghahanda na po ako, ha? Need ko pa pong maligo!” sabi ko sa kanila. Nakita ko kasi ang oras, alas-dos naʼng hapon. “Sige po, Miss Quence! Kami na po bahala rito maglagay sa mga ito. Hindi rin po namin hahayaang makita ni Miss Patricia. Kaya ise-secure po namin ang cake,” mahinang sabi ni ate Angie sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Umakyat na ako sa room ko at naligo na ako. Nagkuskos ako nang mabuti para maging presentable ako sa harapan ni tita Bianca mamaya. Nang matapos na ring maligo ay nag-ayos naman ako ng aking sarili, naglagay ako ng light makeup and kinulot ang dulo ng buhok ko. Napangiti ako sa aking ayos ngayon at tinignan ang blue dress na nakasabit. Kinuha ko na iyon at sinuot na. Mag-a-alas kwatro naʼng hapon, ang bilis tumakbo ng oras. “Sobrang ganda natin, Quence!” ani ko sa aking sarili at umikot pa sa harap ng salamin. Kinuha ko ang aking sling bag at maging phone kong nasa side table. Napansin ko roon ang chat nina Angelica and Giovanni. Angelica: Besh, balitaan mo ko kung anong ganap sa family dinner niyo, okay? Mag-ayos ka ng bongga, ha! Enjoy! Napangiti ako sa chat ni Angelica. Siya talaga ang nagpapataas ng self confidence and self-esteem ko. “Nakaayos na ako ngayon, Besh! Naka-blue dress ako tonight! Katatapos ko lang din mag-bake ng cookies, cake and cupcakes! Sure, babalitaan kita mamaya!” reply ko sa kanya at sinent na rin iyon. Napagawi naman ako sa chat ni Giovanni. “Babe, malapit na matapos ang meeting namin ni dad. Uuwi na rin kami agad, sana hindi kami ma-traffic. Saturday naman ngayon, right? I love you! And, wear the blue dress you mentioned! Magbu-blue polo ako tonight!” Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa chat niyang iyon. “I love you too, Babe! Papunta na ako sa bahay niyo ngayon! May surprise akong ginawa. See you later and ingat sa byahe niyo ni tito Gavin.” reply ko rin sa kanya with yellow hearts emoji. Huminga akong malalim at lumabas na rin sa loob ng room ko. Bumaba na muli ako sa kitchen at nakita ko ang dalawang eco-bag, nasa katamtaman ang laki ng mga iyon. “Miss Quence, maayos na po ang lahat!” saad ni ate Celis sa akin. “Hetong eco-bag na po ito ay nandito ang cake, hawakan niyo na lamang po. At, ang isang ito ay ang cookies and cupcakes. Steady po sila kaya hindi matatapon kahit umaalog pa sa byahe,” saad naman ni ate Angie. Talagang inayos nilang lahat, ha? “Sige po, alis na po ako, ha? Nasa labas na po ba si kuya Angelo?” pagtatanong ko sa kanila at tumango sila sa akin. “Oh, siya, alis na po ako. Pakisabi kina dad and mom, nauna na po akong umalis sa kanila!” dagdag na sabi ko sa kanila. Kinuha ko na ang dalawang eco-bag sa kanila. Lumabas na ako sa kitchen, nasa living room na ako nang may marinig akong sumigaw. “Quence!” Palabas na sana ako ng bahay namin nang may marinig akong sumigaw sa aking pangalan kaya napalingon ako. Nakita ko si ate Patricia na bihis na bihis ngayon. May pupuntahan ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD