NAPATINGIN ako sa relos na suot ko nang makitang malapit na mag-two hours katulad ng sinabi ng lalaking nakausap ko kanina. “Um, Mister Ukyo, malapit na po mag-two hours. Wala pa po iyong lalaking kinausap ko kanina,” sabi ko sa kanya. Ilang oras na rin akong nananahimik dito sa gilid dahil wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Pakiramdam ko nga ay napapanis na ang laway ko dahil sa sobrang tahimik namin dito. Naupo siya nang maayos sa kanyang hospital bed at tinignan ako. “Theyʼre should be here,” sagot niya sa akin at nakatingin ang mga mata niyang seryoso sa direction ko. “Um, kung parating na po sila. Paniguradong labing limang minuto ay nandito na dapat sila, Mister Ukyo,” sagot ko sa kanya at tinignan ang relos ko. Malay natin ay na-traffic nga sila kaya hindi nila nasunod an