CHAPTER 2: Patricia Valdez

1891 Words
“Hoy, ang tagal mong bumaba! Inabot ka yata ng 30 minutes sa taas, ha? Nag-usap pa kayo ni Giovanni, ano, Besh? Akala ko nga hindi ka na bababa! Nagugutom na ako!” Nakatulala lamang ako habang kinuha ko ang aking lunch box. Ang isip ko ay nandoon pa rin sa masayang mukha nina Giovanni and ate Patricia. “Besh, ayos ka lang ba? Bakit parang tulala ka yata? May nangyari ba sa iyo habang nasa 9th floor ka?” Naririnig ko ang sinasabi ko Angelica pero ang aking bibig ay ayaw bumuka. “Hoy, ayos ka lang ba talaga?” Hinawakan na niya ako sa aking balikat kaya napalingon na ako sa kanya. “Ha?” tanong ko sa kanya. “Sabi ko kung ayos ka lang ba, Besh? Tulala ka na nang bumaba ka galing 9th floor, may sinabi ba sa iyo si Giovanni?” Kita ko sa mga mata ang pag-aalala sa akin. Umiling ako sa kanya. “Hindi kami nagkita sa 9th floor, Angelica. Natagalan ako roon dahil hinintay ko si Bien na dumating, nag-lunch break na kasi siya at ka-a-akyat lamang niya kanina. Kaya late ako nakababa. Tulala? G-gutom na rin kasi ako,” sabi ko sa kanya. Halt truth and half lies sa aking sinabi. “Hay naku! Kaya naging mag-BFF tayo dahil sa pagkain, eh! Tara na at bumaba na tayo sa canteen para naman makakain na rin, gutom na rin ako!” sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Lumakad na kami paalis sa working table namin ay nag-biometrics for our lunch break. “Weird talaga ng company building natin, ano? Sana sa 11th floor na lang din nilagay iyong canteen para hindi na pumupunta ang mga smoker sa itaas para once matapos silang kumain ay magyo-yosi na sila, ʼdi ba? Nilagay pa sa third floor ang canteen pero okay na rin sa atin kasi kung puno ang elevator pʼwede tayong maghagdan pababa,” mahabang sabi ni Angelica sa akin. Sumang-ayon ako sa kanya. Tama naman ang sinabi niya. Nahihirapan tuloy ang mga smoker na umakyat sa 11th floor pagkatapos nilang kumain. “Mabuti na lamang ay hindi tayo pareho nagyo-yosi,” nakangiting sabi ko sa kanya. “No, Besh! Babaho ang ating hininga and hindi na magiging natural red ang ating lips, hindi katulad ng ate mong impakta kung manigarilyo ay sinusunog talaga ang baga!” saad niya at umikot pa ang kanyang mga mata. Number one hater talaga siya ni ate Patricia. Hindi ko alam kung paano at bakit niya talaga kinainisan si ate Patricia pʼwera pa roon sa ako ang gumawa ng research paper niya. “Sira, baka roon lang nila binubuhos ang stress nila, right?” sabi ko sa kanya. She rolled her eyes to me. “Hoy, Besh, kahit na, ano? Kung stress sila, eh ʼdi kumain sila! Hindi iyon dinadamay nila iyong baga nila sa pagiging stress nila!” usal niya at nakarating na rin kami sa 3rd floor kung nasaan ang canteen. Hindi na lamang ako nagsalita sa kanyang sinabi. Tama naman kasi siya sa kanyang sinabi kaya wala na akong ire-react doon, right? “Oo nga pala, si Giovanni ba ay nagyo-yosi na rin? Naku, sana hindi siya mahawaan, ano?” usal niya sa akin. Umiling ako sa kanya at umupo kami rito malapit sa may bintana para kita rin ang view kung gaano kaluwag ang kalsada pero mamaya ay traffic na dʼyan. “Hindi naman. Mabuti na nga ay hindi pa rin siya natututo mag-yosi. Ako ang kinakabahan kapag natuto na siya pero alam naman niyang ayoko ng amoy ng yosi,” sabi ko sa kanya at nilapag na ang dalawang tupperware ko. “Mabuti naman kung ganoʼn! Anyway, balik tayo sa impakta mong ate! Secretary pa rin siya ng dad mo? Ayaw man lang umalis sa company niyo, ano? And, hindi lamang iyon, secretary siya, ha? Hindi man lang kumuha ng work na naaayon sa course niya bilang business management! Kakaloka ang ate mo, ha?” saad niya sa akin kaya napangiti na lamang ako. “Natatakot daw siyang magkamali,” sabi ko sa kanya. “And, nagugustuhan din naman niya yata ang work niya bilang secretary ni dad.” dagdag na sabi ko sa kanya. “Ay, besh, sabihin mo ay boba lang talaga ang ate Patricia mo! Siya ang magmamana ng company niyo, ʼdi ba? Kaya nga mas pinili ming mag-work dito sa company ni Giovanni kaysa sa inyo,” saad niya sa akin habang nakataas ang kanang kilay niya. Huminga akong malalim “Um, hindi rin naman dahil doon, Angelica... Magiging asawa ko si Giovanni kaya tinutulungan ko na siyang patayuin at palaguin ang business niya,” kalmado kong sabi sa kanya. “Eh? Kahit na, ano! Kasi ang parents mo mas matimbang ang ate mong impakta at bobita!” gigil na sabi niya sa akin. “Kumain na lang tayo, Angelica, baka maubos na naman ang oras natin dahil kay ate Patricia!” “Tumpak! Baka mawalan pa ako ng ganang kumain ngayon, masarap pa naman ang pagkain ko!” usal niya sa akin. “By the way, anong ulam mo?” tanong niya sa akin. “Ham and hotdog, Angelica,” sabi ko sa kanya at pinakita iyon. “Exchange tayo, Besh!” nakangiting sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Nakita ko ang ulam niyang menudo kaya kumuha na rin ako. “Oo nga pala, this Friday, monthsarry niyo ni Giovanni, ʼdi ba? Saan naman kayo pupunta this month, ha? Tamang-tama weekends na iyon,” nakangising sabi ni Angelica sa akin. Napailing na lamang ako sa kanya. “Sira, hindi ko alam kung saan kami pupunta... Alam mo namang si Giovanni ang nag-aasikaso ng date namin every month, ʼdi ba? At, nililihim niya sa akin kung ano ang balak niya every month, Angelica, kaya wala akong alam,” sabi ko sa kanya at kumain na ako. “Ay sus! Pustahan magpapasikat na naman si Giovanni sa iyo. Ano naman kaya ang gagawin ng isang iyon sa iyo, ano?” May makabuluhan sa sinabi niyang iyon. Napailing na lamang ako sa kanya. “Ewan ko sa iyo, Angelica! Sana nga at may ganap kami bukas! Hindi ko alam pero bigla aking kinabahan,” mahinang sabi ko sa kanya. “Huy, mayroʼn iyan! Kailan pa ba pumalya si Giovanni na pakiligin ka, ha? Mahal na mahal ka nuʼn, gusto ka pa ngang gawin secretary kahit may secretary na siya! ʼDi ba, nakakaloka? Kaya relax ka lang, Besh! Kasi ako ang unang jujubag sa kanya kapag niloko ka pa siya! Sa akin, humingi ng basbas ang isang iyon,” nakangiting sabi ni Angelica sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. “Thanks, besh, nawala na ang kaba ko! Kain na lang ulit tayong dalawa!” nakangiting sabi ko sa kanya. Pagkatapos ng eight hours na duty namin ay natapos na rin ang work hours namin ngayong araw, nagliligpit na ako ng aking gamit nang banggain ni Angelica ang aking braso. “What?” tanong ko sa kanya at nakita ko ang kanyang pagnguso. “Besh, sundo mo, oh? CEO lang naman ng company natin,” bulong niya sa akin at nakita ko si Giovanni na palakad palapit sa amin. “Ikaw na! Ikaw na ang may mahabang buhok!” saad pa niya at lumayo sa akin. “Sira ka!” ani ko at napatingin kay Giovanni. “Are you done, Quence?” pagtatanong ni Giovanni sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Um, oo, magbi-biometrics na lang ako,” sagot ko sa kanya at kinuha na niya ang backpack ko. “Come on,” sabi niya sa akin at nakita ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Hinawakan ko iyon at sobrang lambot ng kamay niya, hindi pa rin nagbabago. “See you tomorrow, Besh!” malakas na sabi Angelica sa akin at kumaway pa siya, napailing na lamang ako sa kanya. Pagkalabas ko sa loob ng floor namin ay nag-biometrics na ako at lumakad na ulit kami para sumakay ng elevator. “Sinabi ni Bien na dumalaw ka pala kanina para dalhin ang papers sa kanya. Dapat tumawag ka na lang sa telephone ni Bien para siya na ang bumaba sa iyo,” sabi niya sa akin habang nasa harap kami ng elevator. “Um, nakakahiya naman, saka baka busy rin si Bien dahil secretary mo siya. And, wala na rin naman akong gagawin kanina kaya ako na ang nag-akyat,” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa pinto ng elevator. “Kahit na. Lunch break pa man din ng iba kanina. Nakipagsiksikan ka na naman siguro sa elevator,” seryosong sabi niya sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko, pinisil niya iyon. Napangiti akong tumingin sa kanya. “Ikaw po talaga! Okay lang talaga ako at nakipagsiksikan nga ako pero hindi ako nagpatinag sa mga nakasabayan ko kanina!” Bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok na kami, at usual puno ang elevator nang pumasok kami. Ginilid niya ako at nakaharang ang kanyang katawan sa akin, ingat na ingat siya sa akin. Heto ang isa sa nagustuhan ko sa kanya kaya na-in love rin ako kay Giovanni, iyong pagiging gentlemen niya. Nakahinga rin ako nang maluwag nang makababa na ang ibang empleyado sa lobby area. “Are you okay? Naipit ba kita?” pagtatanong niya sa akin kaya umiling ako sa kanya. “Okay lang ako,” nakangiting sabi ko at lumabas na rin kami nang tumunog na muli ang elevator, nasa basement parking na kami. “By the way, babe, tomorrow, monthsarry na natin. Want a clue kung saan tayo pupunta?” Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang ngisi sa labi niya. “Saan naman po, aber?” pagtatanong ko sa kanya kahit wala naman talaga siyang balak sabihin sa akin. “Itʼs a secret, babe!” See? “Nagtanong ka pa po, ano?” Napapailing na sabi ko sa kanya. “By the way, n-nakita ko si ate Patricia kanina... A-anong ginagawa niya rito?” pagtatanong ko sa kanya. Tinignan niya ako. “Ahh! May binigay lang ang ate mo sa akin, babe, galing kay tito then after nuʼn ay umalis na rin siya. Nagulat nga rin ako na dumating siya, mabuti na lamang ay nasa office room pa ako kanina. Sinabi ko nga na I-email or pinadala ng thru booking para hindi na hassle sa kanya pero she insisted daw. Wala naman daw siyang ginagawa sa company niyo,” tugon niya sa akin. Napatango ako sa kanyang sinabi. “Really? Baka nga marami siyang time.” Iyon lamang ang sinabi ko sa kanya. Pero, iba kasi ang nakita ko kanina. Sobrang saya nilang dalawa nang lumabas sa office room niya. “Yes, babe, donʼt worry, ikaw lang ang mahal ko!” saad niya sa akin at hinalikan ako sa akin noo. “Smile na dʼyan, okay?” Binanat pa niya ang aking labi para mag-smile lang ako. “See, sobrang ganda mo kapag nakangiti ka! Love you!” saad pa niya sa akin. Huminga akong malalim at ngumiti na malaki. “I love you too!” saad ko rin sa kanya. Sana nga. Sana nga hindi mo ko lokohin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD