Chapter 3

1021 Words
Sa isip ng driver ay mayaman ang kaniyang pasahero. Dahil sa kutis pa lang nito ay halata na at idagdag pa na naliliitan ito sa one thousand five hundred. Nang nasa harapan na sila ng gusali, 'ASTIG BAR & RESTAURANT'. 'Yan ang pangalan ng gusali at kinunan na naman niya ito ng larawan. "ASTIG pala ha... pwes! Tingnan lang natin," aniya at nakikinig lang ang driver. "Manong, ihatid mo na ako sa bahay please." "Ah... ma'am, hindi ko po alam ang bahay ninyo," aniya at napakamot sa ulo. "Ahhh... Oo nga pala... sorry!" Itinuro niya ang daang papunta sa kanila hanggang sa makarating sila. Namilog ang mga mata ng driver nang makita niya ang bahay dahil sobrang laki nito. "Manong, hintayin niyo muna ako ha, kukuha lang ako ng pera." "Sige po ma'am," tugon niya. Patakbong pumasok si Bailo sa kanilang bahay at dumiretso sa library. Sapagkat doon nakalagay ang vault ng kanilang pera. Kumuha siya ng sampung libo at dali-dali namang bumalik sa labas. "Magkano ang babayaran ko manong?" "Two thousand po ma'am." "Ito manong, limang libo at bukas, alas-nuwebe ng umaga sunduin niyo ako maghihintay ako." "Okay po ma'am! Walang problema," masayang tugon nito. Abot-tainga ang ngiti ng driver dahil sobrang laki ang ibinayad sa kaniya at pwede na siyang umuwi sa kanila. "Ah... manong! Pwede bang humingi ng pabor?" "Ano po 'yan ma'am? "Puwede po ba bago kayo pumunta dito bukas ay dumaan muna kayo sa photo studio at ipa-develop niyo muna ang picture at 'yung video ipalipat niyo sa USB. Ito ang pera, sa'yo na ang sobra. Manong, very confidential po ang nasa video at mga picture. Kaya walang ibang dapat makakaalam kun'di tayong dalawa muna." "Okay, sige po ma'am, makakaasa po kayo." "I trust you manong. Anyway ako pala si Bailo Dizen." "Dizen? Hindi po ba Dizen ang may-ari ng Z&G Company? Sino nga ba ang pangalan noon? Nakalimutan ko e..." aniya. "Yonon Dizen," turan rito. "Oo, iyan." "Papa ko iyon, manong." "Ayyy! Ganoon po ba ma'am? Ako naman si Nonong Bulgar. Alis na po ako ma'am, salamat sa ibinayad niyo sa akin." "Welcome! Mag-ingat po kayo manong, hihintayin kita bukas. "Okay ma'am." Nang makaalis ang taksi ay muli na siyang bumalik sa loob at nagtuloy sa kaniyang kuwarto. Dumating ang kaniyang mga magulang at nagdadabog ang kaniyang ama. Siya naman ay kasalukuyan ng nakahiga sa kaniyang kama. "Bailo!" Malakas na kumatok ang kaniyang ama. "BAILO! OPEN THE DOOR!" Galit na galit ang boses ng kaniyang ama at patuloy ito sa pagkatok. "Pa... let's talk tomorrow... I'm tired and so sleepy..." malumanay niyang tugon. "No! Open the door at ngayon tayo mag-usap! Bailo!" "Mom... please... kausapin mo si Papa... I'm so sleepy na..." "Honey, hayaan mo munang makapagpahinga ang anak natin. Please... try to understand her, alam mo naman na kakarating lang niya. Baka may 'jet lag' pa siya." "Okay! Bukas kausapin mo 'yang anak mo! Haist!" SAMANTALA hindi makatulog si Shukai at bigla niyang naalala ang dalagita na kaniyang nakita noon. Kinuha niya ang kaniyang wallet at may dinukot sa secret pocket. Larawan ito ng dating kaklase ng kaniyang kapatid. When he was sixteen years old. Graduation day ng kaniyang kapatid. "Shannel... Shannel!" Boses ng isang dalagita na tumatawag sa kaniyang kapatid at lumingon rin siya. "Yes BFF?" "Ito pala regalo ko sa'yo." Nakangiti ito habang inaabot ang regalo at iyon ang nagpapa-attract sa kaniya at ang manipis nitong labi. Biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso. "Thank you... BFF!" "Welcome! Byee... BFF!" Bago siya umalis ay tumingin ito sa kaniya at ngumiti nang napakatamis. Na mas lalong nagpapatibok ng kaniyang puso. Simula noon ay hindi na ito matanggal sa kaniyang isipan at halos hindi na siya makatulog sa kakaisip. Isang araw ay lihim niyang hinahanap ang 'YEARBOOK' ng kaniyang kapatid at ginupit ang mukha ng dalagita. "Almost eight years na rin kitang tinatago dito sa wallet ko. Kumusta ka na kaya ngayon? Kailan kaya kita makikitang muli? Para masabi ko sa'yo kung gaano kita kamahal." pagmumuni-muni ni Shukai at hinalikan niya ang larawan. Atsaka niya ibinalik sa secret pocket. Kinabukasan ay maaga siyang nagising dahil sa kanilang unang araw sa misyon. Dala niya ang kaniyang 'KAWASAKI NINJA ZX-10R', hindi na siya nag-report sa NBI HEADQUARTERS. Sapagkat alam na iyon ng kanilang Chief kung saan siya dumiretso kung meron silang misyon. Dahil merong inuupahan na apartment ang Chief nila para kanilang tatlo na line-agent. "O... pre, mukhang maaliwalas ang mukha mo ngayon ah. Maganda ba ang wife-to be mo?" salubong na tanong ni Martin sa kaniya. "Good girl siya pre and thanks to her. Dahil siya mismo ang nag-run away." "Wow! 'Di nga pre?" sabat ni Darwin na kasalukuyang nagpalit ng uniporme. "So, hindi mo siya nakita?" "Hindi e... sabi magbanyo raw pero ayon tumakas." Nagtawanan ang tatlo. Hanggang sa pareho na silang nakapagpalit ng kanilang uniporme sa naturang restaurant. Kulay pula ito na merong halong itim. Bago sila pinapunta sa loob ay dumaan muna sila sa opisina ng kanilang manager. At nagkaroon sila ng konting briefing para sa kanilang gagawin. "Ganito ang gagawin ninyo ha, kilatisin ninyong mabuti ang mga customers. At tingnan ninyo ang kanilang bag kapag sa tingin ninyo na maraming pera i-report niyo agad sa akin isulat niyo lang sa papel. Siguro bago kayo tinanggap sinabi na sa inyo na ito ang trabaho ninyo." "Yes sir!" "Good! Galingan ninyo...para malaki rin ang inyong share." "Yes sir!" "Sige na... trabaho na kayo." Nagsimula sila sa kanilang trabaho sabay pagmanman sa buong paligid. *********** SAMANTALA alas-otso pa lang ay naka-ready na si Bailo at pasilip-silip ito sa bintana. Tinitingnan kung dumating na ba ang taksi. Nakasuot ito ng t-shirt na puti at pinarisan niya ng linen jean six-pocket. Naka-sumbrero rin siya ng kulay itim with high cut converse shoes. Sadyang pinaghandaan niya ang kaniyang lakad sa araw na ito. Nang makita niyang dumating na ang taksi ay dali-dali na siyang lumabas at nagtungo sa kuwarto ng kanyang magulang. Upang magpaalam sa ina alam niyang maagang umalis ang ama dahil may business meeting ito. "Mom?" "Yes honey?" "Pwedeng pumasok?" "Come here!" "Good morning Mom!" "Good morning! Bakit ganyan ang suot mo may lakad ka?" "Yes Mom... hahanapin ko lang ang aking hand bag." "Why, what happened?" "Hmm... I think naiwan ko sa taxi," pagsisinungaling niya. "Magpa-police blotter ka anak para madali nating mahanap iyon." "No need Mom. Natandaan ko naman 'yung plate number ng taxi." "Okay... uwi ka ng maaga, dahil kailangan niyong mag-usap ng Papa mo." "Okay! I have to go na Mom..." paalam niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD