Chapter 2

1073 Words
AT maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ni Shukai at ang kaniyang ama ang tumawag. "Ssshh!" aniya sa dalawa bago nito sinagot ang tawag. "Yes, Dad?" "Nasaan ka na?" boses sa kabilang linya. "Dito pa sa trabaho." pagsisinungaling niya. "Tumawag ako kay Chief Cruz, nasa field ka raw." "Yeah, may misyon kasi kami." "Ipagpabukas mo na iyan kailangan mo ng umuwi dahil mag-alas-sais na." "Okay Pa!" nakasimangot niyang tugon. "Good!" "Bye..." "Haistt!" galit niyang reaksyon at akmang ibagsak ang kaniyang phone. "Ops! Relaks lang, pre. Sayang ang phone mo," pigil ni Darwin at hinawakan ang kaniyang kamay. "Hindi madala sa relaks, relaks ito! Ikaw ba naman ang ipapakasal sa babaeng hindi mo mahal at hindi mo pa nakikita!" "Oh?! 'Di nga, pre?!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Darwin. "Mauna na ako! Kita na lang tayo sa tagpuan bukas," paalam niya at wala sa mood na umuwi si Shukai. Samantala sa bahay ng mga Dizen ay mahimbing pa ang tulog ni Bailo dahil napagod ito sa kaniyang biyahe. "Ms. Lo ... Ms. Lo?" sambit ng kasambahay. Nasa labas ito ng pinto ng kaniyang kuwarto. "Ummm... yes?" tugon niya na halatang kagigising pa lang. "Ms. Lo... kailangan mo na raw magbihis." Hindi siya sumagot at tulala itong nakatingin sa kisame. "Ms. Lo..." sambit ulit ng kasambahay. "Okay po..." aniya sa mahinang boses. Bumangon siya at naligo. Nang matapos ay nagbihis siya ng kulay pulang whole dress na hanggang tuhod. Bitbit niya ang kaniyang hand bag na ang tanging laman ay wallet at phone hanggang sa bumaba na siya. Pagkababa niya ay nandoon na sa sala ang kaniyang mga magulang, parehong handa na sa kanilang lakad. Sa isang magarang na restaurant ay nandoon na ang pamilyang Labrador. Na naghihintay na sa kanila at may mga pagkain na ring nakahanda. Habang nasa biyahe pa sila ay nag-iisip na si Bailo kung ano ang kaniyang gagawin. "Pa, Mom. Punta muna ako ng comfort room saglit at susunod ako sa loob," aniya nang makapasok sila sa loob ng restaurant. "Okay, pero bilisan mo," turan ng ama. "Yes Pa..." she replied. Nagkunwari siyang pumunta sa loob ng banyo ngunit ang totoo'y sinisilip lang niya na makalayo ang mga magulang. At maya-maya pa'y kumaripas na ito ng takbo papalabas ng restaurant at pinuntahan ang kanilang driver. "Oh, Ms. Lo... may nakalimutan ka ba?" "Wala naman! Tay, may isang libo ka ba diyan?" "Oo, meron bakit?" "Pahiram muna, ibabalik ko bukas." "Okay sige..." inosente namang binigyan siya ng driver. Sapagkat hindi naman nito alam ang plano niya. "Ito Ms. Lo." "Thank you tay! Kung magtanong si Papa, sabihin mong hindi mo ako nakita, ha." "Ano?! Bakit saan ka pupunta?" pag-aalala nito. "Mag-ran away ako, Tay. Thank you ulit!" Mabilis tumakbo si Bailo at pumara agad ng taksi. "Ms. Lo! Diyos ko... batang ito!" Hindi alam ng driver kung ano ang kaniyang gagawin. Tinakbuhan ni Bailo ang dinner meeting ng dalawang pamilya. Sapagkat ayaw niyang makaharap ang lalaking ipagkasundo sa kaniya. "Manong, dito na lang po ako. Ito po ang bayad." Inabot niya ang isang libo at bumaba siya sa may park. Habang naghihintay siya sa kaniyang sukli... "Ayyy!" bahagya siyang napatili sa pagkabila. "Damn you guys!" sigaw ni Bailo, matapos hablutin ang kaniyang hand bag, na ang tanging laman ay ang kaniyang wallet at phone. Isang single motor ang sinakyan ng mga snatchers. Dahil nasa tapat ng ilaw sila huminto ay naaninag niya ang mukha ng lalaki. "Manong... manong... sundan mo ang motor na iyon, bilis!" utos niya, nang muli siyang nakapasok sa loob ng taksi. "Bakit? Anong nangyari, Miss?" "Na-snatched ang aking bag! Bilisan mo pa manong." Naiinip na ang dalawang pamilya sa kakahintay sa dalaga. "Anak, puntahan mo kaya doon sa comfort room." Inutusan ni mr. Franco ang kaniyang anak na dalaga na si Shannel. Kaibigang matalik ito ni Bailo na dating kaklase sa elementarya. Excited rin itong makita ang kaibigan na matagal-tagal na niyang hindi nakikita. "Yes, Dad..." agad itong tumayo. Halos mapatalon naman sa sobrang tuwa si Shukai sapagkat ang babae mismo ang gumawa ng paraan upang hindi matuloy ang plano ng kanilang mga magulang. Nakabalik si Shannel ngunit hindi kasama ang kaibigan. "Tito, wala po siya doon," turan rito. "What?!" Kumunot ang noo ni Mr. Yonon at dali-daling tinawagan ang driver. "Vicente! Nakita mo ba si Bailo?!" Tanong niya sa kabilang linya. "A-e... Oo sir, mag-run away daw siya e..." "What?! Bakit hindi mo sinabi kaagad?" "Eh, sabi ni ms. Lo, huwag ko raw sabihin." "Grrrr! Vicente. Gigil na gigil siya sa galit at kinansela ang tawag. Napaubo si Shukai at tumalikod ito at lihim na humagikhik ng tawa. Sapagkat narinig nila ang sinabi ng driver, dahil naka-load speaker ito. "Pasensyahan niyo muna ang anak namin, next time na lang," pakumbabang wika ni mrs. Dizen. "It's okay... baka nabigla lang ang bata," tugon naman ni mrs. Labrador. Itinuloy nila ang dinner kahit wala ang dalaga, ngunit hindi pa rin nababago ang desisyon ng mga magulang. Hindi tinantanan ni Bailo ang pagbuntot sa mga snatchers. Hanggang sa huminto ito sa isang may katamtamang laki na gusali, sa tanto niya ay nasa likod sila. "Manong, pahiram ng inyong phone," aniya na hindi tumingin sa driver. "Anong gagawin mo ma'am?" "Kukunan ko lang ng picture 'yang gusali na iyan." "H-hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo ma'am? Tingin ko mukhang malaking sindikato sila." "I don't care!" "Ito po ma'am." "Salamat! Dito lang po kayo ha, lalapit ako doon." "Naku! Mag-iingat po kayo ma'am." "Opo!" Hinubad niya ang high heels at nakapaa itong sumugod. Maingat siyang naglakad at nagpalinga-linga siya sa buong paligid. Hanggang sa nakalapit siya at dahil bahagyang nakatiwangwang ang malaking pinto ay lihim siyang pumapasok. "OMG!" bulalas niya sa mahinang boses. Dali-dali niyang pinikturan ang mga ito habang abala sila sa kakalagay ng mga armas sa loob ng kahon. Naka-uniporme sila na kulay pula na may halong itim. Hindi pa nakuntento si Bailo at kaniya itong bini-vediohan. Upang may matibay siyang ebidensya laban sa kanila. Matapos niyang makunan ng larawan at video ay maingat na siyang lumabas. At inutusan na naman niya ang driver na umikot sila sa harapan. "Ah... ma'am, medyo malaki na po ang inyong babayaran." Tiningnan ni Bailo ang meter at nasa one thousand five hundred na ito. "Maliit pa 'yan manong. Basta ipag-drive mo lang ako at babayaran kita ng sakto." "Sige po, ma'am."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD