PART 1 - Chapter 1
SHUKAI LABRADOR ay isang magaling na NBI agent, iginagalang at hinahangaan. Dahil sa kaniyang pagiging mahusay. Binata at seryoso, guwapo, maginoo, mayaman ngunit humble. 'Stone Man' kung siya ay tawagin ng kaniyang mga kaibigan at kasamahan.
Ngunit ang totoo ay lihim siyang umiibig sa isang dalagita na nakita niya noon ng isang beses. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya tumingin sa ibang babae. Sapagkat umaasa siyang makita niya itong muli.
He's twenty seven years old subalit hindi pa rin nagkaroon ng nobya at hindi pa ito nakahalik sa labi ng babae.
BAILO DINZEN, lahat-lahat ay nasa kaniya na. Anak ng presidente sa isang malaking kompanya ang 'ZEN and GAMBLE COMPANY (Z&G)'. Lahat ng gusto ng mga magulang ay kaniyang sinunod. High school pa lamang siya ay sa London na nag-aral.
Uuwi lang kung pasko at bakasyon. Ngayon ay kasalukuyan pa ring nag-aaral bilang isang lawyer.
"Lo?" sambit ng kaniyang Ama na kasalukuyang naghihintay sa waiting area.
"Hello, Pa! Where is Mom?" masayang tugon nito at kalalabas lang mula sa eroplano.
"She's not feeling well."
"Oh... Why?" pag-alala niya.
"Ms. Lo, akin na ang maleta mo," sabad ng kanilang personal driver.
"Salamat, Tay!"
Si Vicente ay matagal-tagal ng naninilbihan sa kanila. At kahit nakapag-asawa na ay sa kanila pa rin ito nagtatrabaho kasama ang kaniyang asawa na si Duren. May anak silang isa at nasa High school na ito, ang kaniyang mga magulang ang nagpapaaral nito.
"Let's go!" turan ng Ama at ito mismo ang nagbukas ng pinto para sa kaniya..
"Thank you, Pa."
Nang dumating sila sa bahay ay agad siyang tumakbo paakyat sa ikalawang palapag, at tinungo ang kuwarto ng kaniyang mga magulang.
"Mom ... I'm home!" sigaw niya.
"I miss you, honey..."
masiglang turan ng ina at umupo ito mula sa pagkahiga.
"I miss you too, Mom." At yumakap siya.
"You look thinner, honey. Why?" pagtataka nitong tanong.
"Don't mind me, Mom. Nag-aral kasi ako ng martial arts dahil kailangan ko ito balang araw. What about you, Mom? Are you okay?"
"Yeah, mild lang itong sakit ko... trangkaso lang yata."
"Nagpatingin ka na ba sa doctor?"
"Kahapon ko pa 'yang sinabihan na pupunta sa doctor. Pero matigas ang ulo," sabad ng kaniyang Ama na kapapasok lang.
"Parang ikaw lang rin naman, Pa!" Sabay sulyap niya sa ama.
"Oh! Bakit napunta sa akin ang isyu?"
Nagtawanan ang mag-ina at tumabi sa pag-upo ang kaniyang Papa. Sabay akbay sa kaniyang butihing may-bahay.
"Excuse me, ma'am, sir. Ready na po ang pagkain," boses ng kanilang kasambahay na nasa labas ng pinto at kasalukuyang kumakatok.
"Hello ... Nay Duren, kumusta po kayo?"
"Hi, Ms. Lo... okay naman po kami dito. Halina kayo sa baba, niluluto ko ang paborito mong adobong shrimps."
"Really?! Naku! Tataba na naman ako nito... Let's eat na Pa, Mom!" Sabay tumayo ang tatlo. Inalalayan nilang mag-ama ang kaniyang Mommy at bumaba sila.
"Lo?" Panimula ng ama.
"Yes, Pa?" tugon niya na abala ito sa pagsubo.
"Nagkasundo pala kami ng kaibigan ko na ipapakasal ka sa anak niyang binata," kalmadong sabi nito.
"What?! Pa... are you kidding me?" gulat niyang tanong at kumunot ang noo.
"Nope! I'm serious. Napag-usapan na namin ito ng Mommy mo."
"Pinag-usapan ninyo pero hindi niyo ako kinunsulta?"
"Bailo, this is for your good!" turan ng ama.
"For my good? Or for your good? Hmp! Busog na ako!" Tumayo siya at tinalikuran ang mga magulang.
"Hindi mo na mababago ang aming desisyon. Tonight at seven o'clock, be ready may dinner meeting tayo!"
Bahagya siyang huminto at muling bumalik sa lamesa at walang pasabing kinuha niya ang isang platong adobong shrimps.
"Whatever!" paismid niyang turan sa ama at tuloy-tuloy siyang umakyat sa ikalawang palapag.
"Honey, tama kaya itong desisyon natin para sa kaniya?" pag-alala ni mrs. Mahravie, ang ina ni Bailo.
"Honey, mapagkatiwalaan ang pamilyang Labrador at kilala ko ang kaniyang anak," tugon ni mr. Yonon Dizen.
Ang presidente ng 'ZEN and GAMBLE COMPANY' (Z&G).
Sa pagkakataong ito ay susuwayin ni Bailo ang kagustuhan ng mga magulang.
Hindi siya papayag na ipakasal sa isang lalaki na hindi niya kilala. Anong silbi ng pag-aaral niya ng abogasya kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang karapatan.
Wala pa sa isip niya ang mag-asawa ng maaga sapagkat gusto pa niyang sulitin ang buhay dalaga. Dahil sa ngayon ay twenty-three pa lang siya.
SAMANTALA sa bahay ng mga Labrador. Paalis na sana si Shukai nang tawagin siya ng kaniyang ama.
"Yes, Dad?"
"Maupo ka muna sandali. May pag-uusapan tayo."
Tiningnan muna ni Shukai ang relo kung may oras pa ito na makipag-usab sa kaniyang ama... mayroon pa siyang kalahating oras kaya umupo muna ito.
"About what?" tanong rito.
"Kailangan mo ng mag-asawa at sa anak ng aking kaibigan," pahayag ng kaniyang ama.
"What?!" Nagbigla siya at napatayo na wala sa oras.
"Dad, seryoso kayo?"
"Yes! At hindi ka puwedeng tumanggi dahil negosyo natin ang nakasalalay dito. Mamayang alas-siyete ng gabi ay may dinner meeting tayo sa restaurant. Kaya kailangan mong umuwi ng maaga." pahayag ni Mr. Franco Labrador, ang vice-president ng 'ZEN and GAMBLE COMPANY (Z&G)'.
"I'll see." Napailing-iling na umalis si Shukai. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaniyang ama.
-NBI HEADQUARTERS-
"Labrador, tawag tayo ni Chief Cruz," turan ng kaniyang matalik na kasamahan. Si Martin Lopez.
"Bakit raw?" seryoso niyang tanong na tila mainit ang ulo.
"Mayroon tayong bagong misyon."
"Biyernes Santo yata ang mukha mo ngayon may problema?"
"Badtrip si erpat!" pailing-iling niyang tugon.
"Bakit, war ba kayo?"
"Mas higit pa sa war. Biruin mong ipapakasal niya ako sa babaing 'di ko man lang nakilala!"
"Wow! Patay tayo diyan, bakit biglaan?"
"Ewan!"
Hanggang sa makarating sila sa opisina ng kanilang Chief.
"Good afternoon Chief!" bati ng dalawa at nasa loob na ang isa pa nilang kasamahan. Si Darwin Javier.
"Maupo kayo, ito ang bago ninyong misyon." inabot ni Chief Dolfo Cruz ang tatlong folder.
"Kailangang mapasok ninyo iyang bar na iyan."
"Matindi ito Chief ah! Bar and restaurant pa talaga?" boses ni Martin.
"Mag-iingat kayo diyan dahil ayon sa ating intel. Malakas ang kapit ng may-ari na 'yan."
"Okay, Chief. Lalakarin namin ito ngayon."
Walang inaaksayang oras ang tatlo at nagtungo sila sa naturang bar. Upang mag-apply bilang mga waiters.
Hindi naman sila nabigo sapagkat agad silang natanggap. Ang sabi ng manager ay tamang-tama ang kanilang pag-apply dahil nangangailangan sila ng maraming trabahador. Sinabihan rin ng mga ito na pwede na silang magsisimula bukas.
Ang bilin nito ay kailangang maaga silang pumasok. Sapagkat may-orientation pa silang gagawin. Dahil wala na silang gagawin ay nagyaya si
Darwin, na mag-shot muna sila ng tig-dalawang bote ng beer. Pumayag naman ang dalawa at pumasok sila sa isang maliit na bar.