Humalik muna siya bago lumabas ng kuwarto at dumaan rin siya sa library upang kumuha ng pera. Kailangan niyang bigyan ng tama ang driver upang makuha niya ang tiwala rito.
"Good morning manong!" Bati niya nang makapasok ito sa loob ng taksi.
"Good morning rin sa'yo ma'am. Ito pala ang pinapagawa mo sa akin ma'am. Pinanood ko pala iyan kagabi illegal pala ang kanilang negosyo at buti na lang may kaibigan akong may sariling photo shop kaya doon ako lumapit sa kaniya."
"Maraming salamat manong ha. Magagamit natin ito para ma rid ang lugar na iyon."
"Tama ka ma'am... hindi puwedeng mananatili ang negosyo nila salot sila sa lipunan. Saan po pala tayo ma'am?"
"Doon sa restaurant hahanapin ko ang mga snatchers na iyon dahil kailangan kong mabawi ang aking wallet at phone."
"Bilib rin ako sa tapang mo ma'am hindi ka ba natatakot?"
"Sila ang matakot sa akin manong... lalo na't may hawak ako laban sa kanila."
"Ma'am, pulis po ba kayo?"
"No! Graduating ako sa Law manong," tugon niya at tiningnan ang mga larawan.
"Maganda po iyan ma'am. Kaya naman pala ang tapang mo."
"Kapag ganap na akong prosecuting attorney. Puwede mo akong malapitan manong anytime tutulungan kita ng libre."
"Naku! Maraming salamat ma'am." Nakangiti nitong tugon.
Hanggang sa makarating sila sa naturang lugar.
"Manong, dito na lang tayo hindi ka puwedeng makita nila. Iiwan ko muna sa'yo itong ebidensya manong ha. Tatawagan kita pagkatapos ko dito."
"Sige po ma'am. Walang problema kunin mo na lang ang number ko ma'am."
"Okay manong, ito pala para sa'yo."
Binigyan niya ang driver ng sampung libo at kinuha rin niya ang phone numbers at agad niyang pinaalis ang taksi atsaka siya naglakad at nagtungo sa Bar & Restaurant.
Nakayuko siyang pumasok kaya hindi maaninag ang kaniyang mukha.
"Good morning sir! Dito po tayo!" soses ni Martin na siyang sumalubong sa kaniya.
Sumunod naman siya at walang kibo ngunit ang kaniyang mga mata ay lihim na may hinahanap... "American Coffee please!" Order niya.
"Okay sir... iyan lang po ba?"
"Yes."
Umalis ang waiter upang kunin ang kaniyang order. Nagpalinga-linga siya at hinahanap ang lalaking ng snatched sa kaniyang hand bag. Marami ang customers at marami ring mga waiter na kahina-hinala ang mga kilos.
At maya-maya pa'y may isang lumabas na waiter mula sa kitchen at pamilyar ang mukha nito.
Hindi siya puwedeng magkamali dahil ito ang lalaking humablot sa kaniyang hand bag. Inuubsirbahan niya ang bawat kilos nito at napansin niyang lumapit ito sa bag ng isang customer at akmang ipapasok na niya ang kaniyang isang kamay.
Maagap siyang tumayo at hinawakan ang kwelyo ng lalaki. Isang suntok agad ang pinakawalan ni Bailo at tumama ito sa kaniyang ilong.
Nagsigawan at nagkagulatan ang mga customers. Nagpanik ang mga waiters at sinubukan siyang awatin.
Gulat na gulat naman si Martin at hawak niya ang order nito. Napatingin siya kay Shukai at suminyas itong awatin.
Hindi binitawan ni Bailo ang kwelyo ng lalaki at ang bawat nagtangkang lumapit sa kaniya ay kaniyang pinagsisipa.
"Sir, Ano ang problema?" tanong ng isang waiter na niyakap siya.
Pilit niyang tinanggal ang kamay at nabitawan niya ang snatcher. Tumakbo ito ngunit maagap niyang kinuha ang tasa na bitbit ng isang waiter at ibinato niya sa lalaki.
Dumaing ang lalaki matapos matamaan ang kaniyang ulo at tinakbo agad niya ito sabay inuupuan ang likod.
"Where is my phone and my wallet?!" gigil niyang tanong sa lalaking humalbot sa kaniyang hand bag.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"
"Hindi mo alam?! Ako 'yung hinalbutan ninyo kagabi!" turan niya, at patuloy na pinagsusuntok.
"Ibalik mo ang aking hand bag!" Muli na naman niyang sinuntok.
Paulit-ulit niyang inuuntog sa sahig ang noo ng lalaki.
"Tama na si—" boses ni Darwin at hindi natapos ang sasabihin matapos siyang sumbagin sa mukha.
"s**t!" Namimilipit ito sa sobrang sakit ng kaniyang mata dahil dito tumama ang kamao ni Bailo.
Sumaklulo si Martin sa kasama at sinipa niya si Bailo subalit nasalo niya ang paa at itinapon niya ito sa lamesa.
"OHH ... JESUS!" Halos hindi makatayo si Martin.
Pakiramdam niya ay nabali ang kaniyang likod.
Ang hindi alam ni Bailo na ang kaniyang napasukan na 'BAR & RESTAURANT' ay pugad pala ng mga professional snatchers at Scammers.
"Makinig kayong mabuti! Hindi kayo safe sa lugar na ito! Itong lalaki na 'to ang humablot sa aking bag kagabi. Umalis na kayo dito!" sigaw niya.
Natakot naman ang mga customers at kanya-kanyang takbo papalabas. Isa pang lalaking naka-uniporme na pang waiter ang umatake sa kaniya. Hahawakan sana siya ngunit maagap niyang nasalo ang kamay nito.
Sinadiya iyon ni Shukai upang hindi masira ang kanilang misyon. Mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ng dalaga at nasa likuran siya.
"OUCH! f**k!" bulalas ni Shukai matapos ihataw ni Bailo ang kaniyang ulo at tumama ito sa kaniyang noo.
At kamay naman niya ang binali ni Bailo. Sila na naman ang nagkarambola hanggang sa natumba ang lalaki at agad niya itong inupuan sa tiyan. Kasabay naman sa pagkatanggal ng kaniyang sumbrero at bumagsak ang mahaba niyang buhok.
"Babae ka?!" gulat na tanong ni Shukai at lumakas ang kabog ng niyang puso at titig na titig siya sa dalaga.
Hindi siya makapaniwala na isang babae lang pala ang magpabagsak sa anim na waiter. Napansin niyang bumukas ang pinto ng opisina at nakita niyang lumabas ang kanilang manager at boss. No choice si Shukai sapagkat napansin niyang papalapit ang kanilang boss. Kaya kinabig niya ang babae at walang pasabi na inangkin labi nito.
"Emp! Emp!"
Nagpumiglas si Bailo ngunit mahigpit ang maghawak ni Shukai sa kaniyang batok.
"Makinig ka! Taga-NBI ako... tutulungan kitang maibalik sa'yo ang nawawala mong gamit pero sa ngayon ay kailangan mong makatakas mula dito. Bukas ng umaga magkikita tayo sa park. Suntukin mo ako ngayon at tumakbo ka na!" bulong sa kaniya ni Shukai.
Subalit mautak si Bailo at ibang diskarte ang kaniyang ginagawa bigla niyang binasag ang bote ng cola at itinutok niya ito sa leeg ni Shukai.
"Tayo!" utos niya rito. "Ikaw ba ang boss dito?!" tanong niya sa lalaking lumabas mula sa opisina.
"Oo ... anong problema? Baka puwede natin itong pag-usapan," tugon ng kanilang boss.
"Iyang tauhan mo! Biktima niya ako kagabi ang gusto ko ibalik ninyo sa akin ang aking bag. Kailangan walang labis at walang kulang hihintayin ko bukas ng umaga. Hanggang bukas lang ng umaga at gusto ko itong lalaki ang magdadala sa akin at huwag na huwag kayong magkakamaling magdala ng mga tauhan. Kung hindi mag-report ako sa mga pulis!" Pahayag niya at bigla nitong sinipa ang lalaki.
"Damn!" bulalas ni Shukai matapos siyang sinipa at nasubsob ito sa upuan. Dali-dali namang tumakbo palabas si Bailo.
"Magsitayo kayo! Mga pulpol! Isang babae lang napabagsak kayo?!" Galit na galit nitong sabi.
"Magaling boss e," tugon ng isang waiter.
"Shut up!" sigaw rito at binato niya ng baso.
"Sino ang bumiktima sa babaeng 'yon?!"
"Siya ang tinuturo boss," tugon ni Shukai at ang kaniyang kamay ay nasa bukol nakahawak.
"Siya raw boss." Itinuro ni Shukai ang lalaking walang malay.
"AHH! Dalhin niyo ako sa hospital..." turan ni Martin.
"Ako rin boss, baka mabulag ako nito," aabat naman ni Darwin.