"Mabuti pa siguro boss kung sundin natin ang kaniyang gusto. Isauli na lang natin ang kaniyang bag. Baka tutuhanin pa niya ang banta at ipa-close itong business mo." Suhestyon ni Shukai. "Hm... may punto ka bata nasaan ang bag? Ibigay mo sa kaniya." "Sandali boss kukunin ko," tugon ng manager. "Bago lumabas ang manager mula sa opisina ay tiningnan muna niya ang laman ng bag. "HOLLY SH*T!" bulalas nito nang makita niya ang ID ng babae. "Boss, boss!" Ttawag nito at pinapapasok sa opisina. "O, bakit?" "Tingnan mo ito boss," sabay pakita niya sa ID. "f*****g SH*T!" Galit nitong mura matapos niyang makita ang pangalan ng ama nito. Ibinagsak niya ang ID sa lamesa at naglalakad-lakad ito. "Sa dinami-dami na puwedeng biktimahin bakit ang anak pa ni Yonon Dizen?! DAMN!" galit at k