Chapter 5 - Topless

2313 Words
"ISA PA PONG plato ng hipon, ate!" sigaw ko kay ate waitress na naglilibot ngayon sa buong Crisso para tingnan kung sino pa ang mga gustong mag-round two sa pag-order, at isa na ako roon. Marami pa akong pagkain sa lamesa ko ngayon tulad na lang ng tahong na may cheese, kanin, at tempura, pero hinahanap talaga ng puso't-kaluluwa ko ngayon ang hipon. Iyon din kasi ang special dish nila rito sa Crisso. Nakakasama lang ng loob isipin na in-acquire na ng pamilya ni Stacey ang kainan na 'to, pero nandito pa rin ako at nakikikain. Walking distance rin itong Crisso mula sa condo building na tinutuluyan ko kaya sobrang convenient na rin! "You got it!" sagot niya sa akin sabay saludo pa gamit ang kanang kamay niya bago siya bumalik doon sa kitchen nila. Kahit na medyo may katandaan na itong si ate waitress ay ang cool pa rin niya. Ang astig lang. Dahil unli-seafoods at unli ice cream ang offer nila rito ay susulitin ko na. Sobrang na-miss ko kaya ang vibes ng Crisso! Noong nandito ako ay parang blue yata ang theme ng lugar na 'to, samantalang ngayon ay red and white na siya. Mayroong mga high stool chair malapit sa counter at maliliit na yellow na ilaw sa paligid ng pader. Maikukumpara ko siya sa restaurant doon sa Riverdale, parang ganoon nga. "Here's your order, ma'am!" "Woooow," hindi ko napigilan ang pagre-react nang maamoy ko ang bango ng hipon na dala-dala ni ate waitress na nakalagay sa isang malaking plato. Nang nilagay niya iyon sa lamesa ko ay hindi ko napigilan ang mapapikit habang inaamoy ang bango ng hipon. Sobrang juicy din niya to the point na tinitingnan ko pa lang ito ay parang nabubusog na ako. At oo, ganoon ako ka-eksaherada, at ganito rin ako ka-patay gutom. "Ate, bakit po may ice cream na?" nagtatakang tanong ko nang makita na may nilapag din siyang isang baso ng chocolate ice cream sa tapat ko. "Hala, may um-order po ba niyan for me, ate?" "Hindi, ah," agad na sagot ni ate waitress. Umiling-iling pa talaga siya. "Napansin ko kasi na kanina na parang nakararami ka na ng order ng hipon. Matamis ang panglaban sa hilo, eh." Aray, ha. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng tubig na may yelo sa ulo dahil pagkatanong ko noon ay agad siyang humindi. Assumera kasi Sunset, eh. Sino naman ang magbibigay sa'yo niyan kung sakali? "Hinihintay kita, okay na ba?" Napapikit ako bigla dahil sa naalala ko. Bakit naman naaalala ko siya bigla kahit hindi ko gusto? "Maghiwalay na tayo." Kapag naaalala ko siya ay kasali ko ring naaalala ang masasamang alaala kahit na hindi ko naman iyon iniisip ngayon. Nakawawala tuloy ng ganang kumain. Charot. Hindi nakawawala ng ganang kumain as long as masarap ang pagkain, mabait ang staffs, maganda ang ambiance, at isa pa, ginutom talaga ng pag-travel ko kanina ang katawang lupa ko. Kawawa naman ang mga uod ko sa tiyan kaya pakakainin ko na muna sila. "Ay, ganoon po ba? Hehe," sagot ko naman kay ate waitress sabay tawa pa nang kaunti. "Thank you po, ate!" Alam ko na sobrang awkward ng tawa ko pero wala naman akong magagawa. Gusto ko na lang tuktukan ang sarili ko mentally, o kaya naman ay magpalamon sa lupa, kaso ay baka hindi rin ako magustuhan ng lupa dahil hindi naman ako yummy. Char. "You're welcome." Ngumiti lang siya sa akin bago niya ako iniwan at nagsimulang mag-entertain pa ng iilang customers dito ngayon sa Crisso. Pangmalakasan na talaga sila ngayon, ah. Dati ay medyo maliit pa itong lugar na 'to, pero ngayon ay ang laki na niya. It's prominent for this one to be called as one of GFC's subsidiary. Mabuti na lang talaga ay hindi ako nag-bar at mas pinili ko pa rin ang pagkain. "Hmm, sarap," puri ko sa kinakain kong hipon. Ang dugyot na ng kamay ko ngayon dahil ang totoo niyan ay kinakamay ko lang ang hipon ngayon dahil hindi naman ako marunong magbalat ng hipon gamit ang kutsara at tinidor. Isa pa, mas mabilis ang magbalat ng hipon kung kamay ang gagamitin, right? "Alam mo, kung tinutulungan mo na lang sana ako magbalat dito, kanina pa tayo tapos kumain," singhal ko kay Mark ngayon na nakatitig lang ngayon sa akin habang nakikipaglaban ako sa mga hipon na binabalatan ko. Ayaw niya kasi akong payagan na magkamay. Kailangan daw ay matuto akong magbalat ng hipon gamit ang kutsara at tinidor dahil hindi naman daw ako makagagamit ng kamay kapag nasa isang formal na kainan ako or event. Pero wala pa naman ako sa isang formal na kainan or event ngayon, eh, kaya puwede pa akong magkamay! "Hindi naman sa lahat ng oras ay nandito ako, Set," wika niya bago niya ako tinitigan nang mabuti. "Huwag kang dumepende masyado sa akin. Kailangan mong matutuhan ang maging mag-isa." "Okay." Wala naman na akong laban dahil tititigan niya lang naman ako habang nagbabalat ako. Dapat kasi ay hindi na ako nag-offer kanina na hati kami sa babalatang hipon, eh! Pero maya-maya lang ay mukhang naawa na siya sa kagandahan ko dahil kinuha na niya ang ilang hipon na nasa plato ko at siya na ang nagbalat noon. "Alam mo naman na mahal kita, eh." "Shet," agad na pagre-react ko nang ngayon ko lang mapansin na napatigil pala ako sa pagkain ko. Literal na naka-steady lang ang katawan ko ngayon habang inaalala ang bagay na iyon. "My life is so f*cked up." Um-order na rin kaya ako ng alak dito sa Crisso? Tutal, ang buhay ko naman ay isang malaking joke. Isang malaking walwal. Charot. Ang sabi ko kasi kanina ay magba-bar ako, pero agad din na nagbago ang isip ko. Ayoko na nga palang uminom ng alak. Ang sakit kasi sa ulo kapag may hangover, at para akong may amnesia dahil nalilimutwn ko ang mga pinaggagagawa ko. Kaya naman, napagdesisyunan ko na na kumain na lang sa Crisso. At least dito, masaya ka na, busog ka pa! Double kill! Akmang kukunin ko na sana 'yong chocolate ice cream na bigay ni ate waitress at lalantakan ko na sana ito para naman ma-relax din ang umiinit kong ulo, pero napatigil ako nang may walanghiyang bastardo na kumuha ng ice cream ko. "Anak naman ng deportanerang putragis—" Handa na sana akong manapak gamit ang aking masasamang mga word nang mapatigil ako dahil pamilyar sa akin ang boses ng nagsalita. "Kumain ka muna ng kanin bago mo lantakan 'tong dessert mo." At kahit na hindi ko siya tignan, alam ko na kung sino siya. "Kukuha-kuha ka ng kanin, tapos hindi mo kakainin?" Si Mark. Siya na naman. Umupo siya sa harapan ko na para bang close kami at inimbita ko siyang kumain dito. Hindi ko nga sinamahan si May dahil akala ko ay naroon siya, eh, tapos nandito rin pala siya ngayon? E'di sana ay sumama na lang ako kay May at Dale, 'di ba? Doon ay sigurado pa ako na magchhi-chikahan lang kami hanggang madaling-araw, at kapag sinipag pa si Dale mag-drive ay baka mag-roadtrip pa kami. "Peste ka ba noong past life mo?" naiiritang tanong ko. Sobrang epal kasi niya, eh. Siguro ay ipis 'to noong past life niya. "Peste?" tanong niya pabalik. "Ang guwapo ko namang peste. At kung peste ba ako sa past life ko kamo? Hindi ko rin sure, eh. Baka ay sikat akong artista noong past life ko kasi ang guwapo ko." Ha? Ano raw? Guwapo? Baka g*go. Tama, g*go 'yon. Baka nagkamali lang ako ng dinig. "Ang guwapo ko namang peste," panggagaya ko sa sinabi niya bago ko kinuha ang ice cream sa kamay niya at sinimulang kainin ito. "May guwapo bang peste? Assumero." And again, tulad ng isang maharot na teenager ay nakaramdam ako ng parang sparks sa kamay ko nang magdikit ang balat naming dalawa. Hindi ko na lang iyon pinansin. "Oo," sagot niya bago ako tiningnan. "Ako." "Luh, asa." Imbes na mainis siya sa akin ay tinawanan niya lang ako ulit, habang ako ay napairap na lang. Abnormal na yata talaga ang isang 'to. Sure naman ako na sinabi ko sa kan'ya kanina na 'wag siyang magpapakita sa akin at 'wag niya akong susundan dahil bab*yagan ko siya? Hindi na ba siya natatakot na mab*yagan dahil mayaman naman si Stacey na puwedeng magpatanim ng sperm sa ovary niya kung kailan niya gusto? E'di sila na! Sila na ang mayaman! Mga deponyatera. Jeez, napunta na nga ang utak ko sa sperm. Bakit naman biglang nag-transition ang utak ko sa topic about pagbubuntis at sperm? "Ay, teka, pick up line ba 'yan? Ikaw, ha," nakangisi niyang pang-aasar na nagpangiwi sa akin. "T*nga ka ba?" Napairap na lang ako ulit, habang siya naman ay napahalakhak lang ng tawa. Gusto ko na sana umalis kaso ayokong magbayad sa left-over. Kairita. "Hindi ka naman kasali sa in-order ko, ah," nabubuwisit na sabi ko at nilantakan ko na lang ulit 'yong hipon na nabalatan ko naman na kanina. "Kaya umalis ka na. Shoopi." "Paano kung sabihin ko na kasali ako sa in-order mo?" tanong niya sa akin at ipinatong ang magkabilang elbow niya sa lamesa. Kapag natabig niya ang isa sa mga pagkain ko ay siya talaga ang pagbabayarin ko. "Kakainin mo ba ako? Saka, masama na bang tumambay sa favorite restaurant namin ng ex-girlfriend ko noon?" Automatic ko siyang inirapan pagkasabi niya noon. Pestengyawa, ha. Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin ang mga katagang 'yon. Hindi man lang ba siya nasasaktan dahil wala na kami ngayon. Kung ituring niya ako ngayon ay para kaming friends. Oo, friends lang. "Yuck?" tanong ko na parang nandidiri pa. I mean, nakakapangdiri naman talaga ang mga lumalabas sa bibig niya, kaya naman ay dapat hindi na siya nagsasalita para hindi na ako nandidiri. "As if naman na kakainin kita, 'no. Di ka kaya masarap. Saka, pakyu ka? Favorite restaurant daw. Lokohin mo lelang mo, gago." Sinadya ko talagang murahin siya dahil ayaw na ayaw niyang naririnig na nagmumura ako. Baka sakaling kapag nagpaulan ako ng mura rito ay umalis na lang siya bigla. Achievement iyon para sa akin 'pag nagkataon! Akala ko ay maiinis na talaga siya sa akin dahil sa pagmumura ko. Iyon naman talaga ang goal ko, pero nagulat ako dahil tinatawanan na naman niya ako. Clown ba ang tingin nito sa akin? "Paano mo naman nasabi na hindi ako masarap?" nakangising tanong niya pa habang tumataas-baba 'yong dalawang kilay niya. "Natikman mo na ba ako— Ito, tubig." Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla kong naibuga 'yong kinakain kong hipon nang tuluyan nang mag-sink in sa utak ko 'yong sinabi niya. Ano raw? Natikman? Masarap? Deporta, ha! Mabuti na lang at binigyan niya ako ng tubig na agad ko namang kinuha. Siya rin naman ang dahilan kung bakit ako nabulunan, kaya mabuti naman ay binigyan niya ako ng tubig. Buti naman at marunong siyang makiramdam. Napahalakhak siya nang sobrang lakas nng makita niya ang itsura ko ngayon. 'Yong tawa niya ay 'yong tipo na mawawalan na siya ng hininga. "Alam mo, p*tangina mo," mura ko sa kan'ya bago ko siya sinamaan ng tingin. Itinaas ko pa ang middle finger ko para murahin siya. Mumurahin ko siya with feelings. "Mabulunan ka sana ngayon sa laway mo. Bastos." Anak ng chocolate ice cream nga naman talaga, oh! "Ako, bastos?" tanong niya ulit, natatawa pa. "Ang bastos, nakahubad, Sunara Suzette." "Huh?" Napatigil ako sa pagkain ko nang tawagin niya ako sa buong pangalan ko. It's been a while mula noong marinig ko ang pangalan na iyon. Mas gusto kasi ng mga tao na tinatawag ako na Sunset dahil mas madali raw iyon banggitin. Naalala ko tuloy ulit ang lahat. Ang mga oras na magkasama pa kaming dalawa. Ang mga oras na nangangarap pa kaming dalawa sa mga gagawin namin para sa kinabukasan namin. "Gusto ko ng bahay, Mark. Kahit 'yong isang floor lang para naman hindi sobrang laki ng bahay. Dalawa lang naman tayo, eh," sabi ko sa kan'ya habang nakatingin kaming dalawa sa papasikat na araw dito sa dalampasigan. Mas gusto ko kasi ang sunrise kaysa sa sunset. Pakiramdam ko kasi ay simbolo iyon ng panibagong panimula, habang ang sunset naman ay simbolo ng pamamaalam. I am not fond of saying goodbyes. Iyon talaga ang pinakaayaw ko sa lahat. "Ikaw, ano'ng gusto mo?" tanong ko sabay tingin sa kan'ya. Nagulat ako kasi nakatitig lang pala siya sa akin habang naglilitanya ako rito nang kung anu-ano. "Bahay or kotse?" "Ikaw," sagot niya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko bago niya itinuloy ang sinasabi niya. "Makasama lang kita habangbuhay ay magiging masaya na ako. Iyon lang ang bukod-tanging pangarap ko." Pero magkahiwalay na kami ngayon. Scammer talaga siya. Ang sakit. I never thought na aabot kami sa ganito. I never thought na magkakahiwalay kami. Sa sobrang tagal na namin, akala ko ay kami na talaga ang para sa isa't-isa. Kaya simula noon ay natakot na akong magmahal ulit. Kung ganito lang din naman ang sakit na kapalit ng pagmamahal ko, aba, 'wag na lang. Ayoko na. "Ayos ka lang?" "Ha?" Nabalik ako sa reyalidad nang kausapin niya ako. "Pinagpapantasyahan mo na naman ako sa utak mo, 'no?" nakangising tanong niya. "Excuse me?!" At ako naman si pikon, sobrang bilis mairita kapag siya ang nang-aasar. Nalagay ko tuloy ang baso ng ice cream na wala nang laman ngayon at ang kutsara na hawak-hawak ko rito sa lamesa. Hindi ko na ma-enjoy ang pagkain ko! Mabuti na lang at ubos na siya! "Alam mo kung ano ang bastos?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Ganito." Ano na naman kaya ang pinagsasasabi ng baliw na 'to? "Ano na naman ang trip mo—" What the pack. "Hoy!" singhal ko nang makita kong nakatanggal na ang lahat ng butones ng polo niyang color blue. Topless ang hinayupak! Topless! As in kita 'yong mga pandesal niya, I mean, 'yong taba niya. Ang kapal ng mukha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD