Chapter 6 - Boyfriend

2128 Words
"ANO SA tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko habang nanlalaki ang dalawang mata ko. Bakit naman gan'yan na ang ayos niya ngayon? Naalala ko tuloy bigla si Kai! Susme, uso ba ngayon ang maglabas ng abs? Dito pa talaga sa labas? At higit sa lahat, dito pa talaga sa harapan ko? Right in front of my f.ucking salad? Char, naalala ko lang talaga 'yong meme na madalas kong makita sa social media. "Ah, so hindi ka peste sa past life mo? Stripper ka?" pambabara ko naman sa kan'ya bago ko tinakpan ang dalawang mga mata ko. "Shuta, ha. Talagang dito ka pa naghubad,” dagdag ko pang sambit. Pero nagtira ako ng kakaunting espasyo sa kamay ko para masilip ko ang katawan niya kahit kaunti. Curious lang naman ako sa abs niya. Last time kasi ay anim lang iyon. Ilan na kaya ngayon? One, two, three, four, five, six, seven... eight. Hala, walo na ang pandesal niya! Shocks! After two years ay nakagawa pa ulit siya ng dalawa pang pandesal? Pakiramdam ko ay nakanganga na ako ngayon dahil nagulat ako sa nalaman ko. Shocks, ang dami. Feeling ko ay masarap— hala, Sunset, magtigil ka! "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" natatawa niyang panggagaya sa akin habang nakataas pa ang isang kilay. "Ikaw, ha. Minamanyak mo na naman ako. Wala ka pa rin talagang pinagbago." Tuluyan ko na palang naibuka ang mga daliri ko nang hindi ko namamalayan. ‘Yan tuloy, mukha akong ewan dahil tinatakpan ko ang mata ko pero nakasilip pa rin naman ako sa kan’ya. "Luh, manyak agad?" tanong ko. "Curious lang ako sa tiyan mo, shonga. Baka kasi ay tabs iyan at hindi abs. Mahiya ka naman sa mga makakakita sa'yo." Inirapan ko pa siya pagkatapos kong sabihin iyon. Mabuti na lang talaga ay tapos na akong kumain kaya naman ay puwede na akong magbayad. Pagkataas ko ng kamay ko ay may lumapit agad na babae sa akin. Kung ikukumpara roon sa nagse-serve ng pagkain kanina ay mas bata ang isang 'to. Siguro ay nasa twenty lang ito. Teka, kung makasabi naman ako ng bata ay parang ang laki ng agwat niya sa akin. Twenty-five lang naman ako, eh. Five years lang! "Yes, ma'am?" mahinhin na tanong niya at inipit pa ang kapiraso ng buhok niya sa likod ng tainga niya. Nakasuot ito ng puting t-shirt, blue na denim jeans, at apron na color yellow. Ang cute rin niya sa ash gray niyang buhok. Ang hindi lang cute sa kan'ya ay 'yong pagsulyap-sulyap niya kay Mark. Kay bata pa pero tsumatsansing na agad sa abs ni Mark! Pero, sabagay, ako rin naman ay walang ginawa kung hindi ang sumilay sa abs ni Kai lalo na sa mga concerts nila. Kaya tuwang-tuwa ako roon sa aksidente sa concert nila na natanggal 'yong kurtina habang nagpapalit sila ng damit, eh. Mabuti na lang din at bihis naman na ang pang-ibaba nila noong mga panahon na iyon, pero ooh la la, si Chen ay inaagaw ako kay Kai noong mga panahong iyon! "'Yong bill." Ngumiti ako nang pilit sa kan'ya at gumawa pa ako ng hugis square gamit ang magkabilang kamay ko, senyales na hinihingi ko na ang bill para makaalis na ako rito. "Noted, ma'am," mahinhin ulit na sagot niya at kinuha 'yong parang form nila na nakasabit doon sa ibabaw ng lamesa ko. "Hello, sir," nahihiyang pagbati niya pa kay Mark na nakangisi lang ngayon habang prenteng nakaupo sa tapat ko. Itong isang 'to naman, tuwang-tuwa sa atensyon na nakukuha niya. Hindi lang kasi itong batang waitress ang tumitingin sa kan'ya ngayon. Maging ang ibang mga babae na nakaupo sa kan'ya-kan'ya nilang upuan ay sumusulyap na rin sa kan'ya ngayon. Papansin. Kung tutuusin ay normal lang naman 'yong bihis niya ngayon. I mean, 'yong nakatanggal ang mga butones niya. Halos malapit kasi sa beach ang Crisso, kaya naman ay karamihan dito ay mga nakasuot din ng bikini at may nakapatong lang na see through dress na pangtaas nila. Well, ako naman, unique ako, eh, kaya pantalon at t-shirt ang suot ko. Hindi ko sila pinapakialaman, kaya dapat ay hayaan din nila ako sa trip ko sa buhay. "Hi," simpleng pagbati naman niya pabalik at kumaway pa nang kaunti. "Salamat sa pagbati, binibini." Ay, wow. Binibini? Ang landi niya talaga. "T-Thank you po." Nagmukha tuloy na parang hihimatayin na itong batang waitress sa harapan ko, pero mabuti na lang ay hindi 'yon natuloy. Hindi ko naman kasi siya sasaluhin kung mahihimatay man siya. Sariling kaharutan iyan. Dapat ay lumandi nang naaayon sa responsibilidad. Another landi tips iyon from me! "Hoy," sita ko sa kan'ya. "Ang landi mo naman. Kung lalandi ka lang pala kaya ka pumunta rito, lumipat ka ng upuan. Naaalibadbaran ako sa mukha mo." Napahalakhak siya ng tawa dahil sa sinabi ko, dahilan para tumaas ang kilay ko. May nakatatawa ba sa sinabi ko? Totoo naman na naaalibadbaran na ako sa mukha niya, eh. Kumuha na lang ako ng tubig at nilagok ko iyon sa inis ko sa kan'ya. "Nagseselos ka ba?" At ang tubig na iyon ay agad ko ring naibuga. Saan? Sa kan'ya lang naman. Siya ang kaharap ko, eh. "Ano'ng klaseng tanong ba naman 'yan?" singhal ko bago ako kumuha ng tissue na nakalapag sa lamesa at pinunasan ang labi ko habang nakatingin nang masama sa kan'ya. Gusto ko sanang tumawa dahil mukha siyang basang sisiw dahil sa itsura niya ngayon, kaya lang ay gusto ko rin maglaway at the same time dahil ang guwapo niyang tingnan. Para siyang nagco-commercial ng tubig sa harapan ko ngayon— shet, talaga bang pinuri ko siya? Ito? Itong cheater na 'to, pinuri ko? "Grabe, ha. Sige, pinapatawad na kita," sarkastikong saad niya habang nakatingin sa akin na para bang hindi siya makapaniwala na mas inuna ko pang mainis muna sa kan'ya bago ako humingi ng tawad. Duh, talagang uunahin ko munang mainis sa kan'ya, 'no! Ano siya, chicks? Kung anu-ano kasi ang tinatanong niya, eh! Sino ang hindi maiinis? Ako, magseselos? Bakit ako magseselos? Ex-girlfriend lang ako, remember? Ex-girlfriend! "'Wag mo akong patawarin," sagot ko sa kan'ya sabay irap. "Hindi naman ako humingi ng tawad, duh. Bawiin mo 'yang patawad mo." Kaysa mainis sa akin ay napangisi na lang din siya habang pinupunasan na rin ang mukha at katawan niya gamit din ang tissue na nakalapag sa lamesa. Pinupunasan na rin pala niya ang sarili nga ngayon. Mabuti naman dahil baka magkasakit pa siya bigla. Basa na rin kasi ang damit niya, eh. Sa dami ba naman ng nabuga kong tubig ay siguradong kaya kong makabasa ng tao. Yuck, Sunset, ang dugyot ko, ha. Nakawawala ng poise. Sa bagay, sino ba ang nagsabi na mayroon akong poise? "Here's your bill... ma'am..." Napakunot ang noo ko nang parang napatigil ang pagsasalita ng batang waitress sa bandang gilid ko, at noong nilingon ko siya ay nakita ko na grabe ang pagkakatitig niya kay Mark. Dahil ba sa wet look, or sa abs? Or both? Ewan! Bahala silang dalawa riyan! "Thank you." Gusto ko na lang makaalis dito kaagad kaya naman ay kinuha ko na ang black na parang wallet na hawak hawak niya at nagbigay ako ng five hundred. "Keep the change." Malaki-laki rin ang change na iyon, ah. There hundred lang naman ang bayad ko dapat pero five hundred ang ibinigay ko. Isisingil ko lang iyon kay sir Lean, charot not charot. "Saan ka pupunta?" tanong ni Mark nang makita niya na inaayos ko na ang sarili ko pati ang dala kong maliit na bag na naglalaman ng panyo at salamin ko. Panyo para pangpunas ng pawis ko if mayroon, at salamin naman pa ma-check ko mamaya kung may tinga ba ako. Hindi man ako palaayos ay sinisigurado ko pa rin naman na hygienic ako kahit papaano, 'no. "Uuwi na," simpleng sagot ko bago ako tumayo. Bakit, may balak pa ba siyang mag-stay dito? Kung siya mayroon, puwes, ako, wala. Bahala siya riyan. Basta ako ay uuwi na at magpapahinga siguro, o kaya naman ay papupuntahin ko si May at Dale roon sa unit ko para makapag-bonding kami kahit papaano. Iyon ay kung hindi pa sila busog at pagod sa date nila ngayon. "Sama ako." Akmang tatayo na sana siya at maglalakad papalapit sa akin nang biglang may babaeng nasa mid-30's yata ng biglaang lumapit sa kan'ya at hinawakan ang katawan niya. "Ang dami mong abs, totoy!" sabi ng babaeng mukhang manyak. "Kanina iniisip ko if masarap siyang hawakan, at pak na pak nga! Ang tigas!" dagdag pa niya. Wow, ang tanda-tanda na pero nangmamanyak pa? I mean, kung hindi siya manyak, bakit bigla na lang siyang nanghahawak ng abs na hindi naman sa kan'ya? At hindi lang 'yon, hindi naman sila magkakilala, eh. Kasi kung kilala siya ng babaeng 'to ay Mark dapat ang itatawag niya. Pero hindi, eh. Totoy ang tinawag niya rito. On top of that, even if they knew each other, you shouldn't touch anyone's body parts, or even properties, without the owner's consent. "Babe," tawag ko kay Mark na prenteng nakaupo ngayon sa tabi ko habang nanonood kami ng series. Curious lang ako kung paano niya nakakayang panoorin 'yang nakadidiring, eh nakatatakot kaya! Episode one pa lang ay mamamatay na ako sa katitili dahil sa sobrang kaba, eh! Pero dahil maarte itong si Mark ay gusto niya raw na samahan ko siya sa panonood para raw hindi siya matakot. Sus, ang totoo lang naman niyan ay gusto niya na kasama ako palagi. At ito naman akong si uto-uto, pumayag na rito na lang ako sa unit niya mag-review para sa quiz ko next week. Mabuti na lang at hinayaan naman muna niya akong makagawa ng reviewer sa subject ko na International Business and Trade bago siya nanood. Ngayon ay inii-scan ko na lang ang reviewer na ginawa ko. Pakiramdam ko ay ready na rin naman ako para sa quiz ko bukas. "Bakit?" sagot niya pabalik habang nakatitig pa rin doon sa pinanonood niya. Kumakain pa siya ng popcorn habang nanonood ng movie. Wala man lang awa ang isang 'to roon sa mga pinapatay. "Puwedeng pahawak ng abs mo?" tanong ko. Bigla kasi akong na-curious sa abs niya habang nagre-review ako para sa subject namin. Alam kong pang-business course itong kinuha ko, pero kasalanan ko ba na bigla kong naisip ang abs niya? Minsan kasi ay napapansin ko na bakat na bakat ang abs niya, lalo na kapag nakasuot siya ng t-shirt na sobrang hapit sa katawan niya. Bigla tuloy akong na-curious kung ano nga ba ang pakiramdam kapag nakahahawak ng abs. Curious din kasi ako kung paano sila nabubuo sa tiyan ng isang lalaki. Tabs lang kasi ang mayroon ako, eh. Puro ako bilbil dahil mahilig ako kumain, pero tamad naman ako mag-exercise. "Ha?" Napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko, nakataas pa ang isang kilay. "E'di hawakan mo. Bakit ka pa nagpapaalam sa akin?" "Duh," pagtataray ko. "Alangan namang hawakan ko na lang 'yan bigla nang walang consent mo." Abnormal yata ang isang 'to, eh. "Sige, binibigyan na kita ng consent," saad niya bago niya kinuha ang remote ng tv niya at pinindot ang pause roon. Itinaas niya na rin nang bahagya ang damit niya. "'Yan. Hawakan mo na." Naaalala ko pa 'yong pakiramdam. Matigas nga siya at parang pandesal— ay, bakit ko inaalala?! Sunset naman! Hindi kita pinalaking gan'yan! "Sorry po, pero off-limits po ang abs ko," rinig kong sabi ni Mark bago siya umurong sa dulo sa pagkakaupo niya. Wrong move iyon dahil tinabihan pa siya no'ng matanda. Hindi ko na tuloy alam kung matatawa ba ako dahil sa sinabi niya na off-limits ang abs niya, or maaawa ako dahil kinukulit siya ng matandang babae na 'to. "Off-limits?" Humalakhak siya. "Kung off-limits 'yan, bakit nakatanggal ang butones ng damit mo? Niloloko mo naman ako, eh." Hindi lang ang mga mata niya ang nanlaki. Nanlaki rin ang mga mata ko at kung hindi lang nakakabit ang panga ko sa mukha ko ay malamang na nalaglag na ito sa sahig. Natawa ako nang bahagya nang makita ko 'yong pagmumukha ni Mark na parang hindi na alam kung ano ang gagawin. Gusto ko siyang iwan dito dahil kung tutuusin ay karma na niya ito dahil sa pangloloko niya sa akin, pero hindi ko kaya. Hindi ako ganoong tao. Isa pa, kung walang sisita sa babaeng 'to ay panigurado na gagawin niya ito sa iba pang lalaki. Hindi lang naman babae ang pinoprotektahan, eh. Lahat ng tao ay dapat na protektahan. Kasali na roon ang mga lalaki. "Miss," tawag ko sa matandang babae. Agad naman niya akong tinignan nang masama na para bang iniistorbo ko ang ginagawa niyang harassment. "Problema mo?" masungit na tanong niya. "Boyfriend ko 'yang hinaharass mo, hindi mo ba halata 'yon?" wika ko habang nakapameywang ako sa harapan niya. "Wala ka bang respeto?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD