Chapter 1 - The Ex-Boyfriend
"SUNSET! Hoy!”
Lumingon ako sa paligid ko dahil naririnig ko ang boses ni May pero hindi ko naman siya makita rito. Where’s that girl, by the way? Naririnig ko na agad ang boses niya kahit na wala pa naman siya rito. Abnormal ba ako na nakaririnig ng kung anu-ano or buwisit lang talaga ako sa kan’ya dahil ang bigat ng mga maleta na dala ko ngayon?
Pero infairness, ha! Ang hirap magtulak ng mga maleta rito sa beach. Imagine, lumulubog ‘yong mga gulong ng maleta habang hinihila ko sila gamit ang magkabila kong kamay. Gusto ko sanang buhatin ang mga maleta ko pero hindi naman ako si Wonderwoman na kayang magbuhat ng dalawang maleta nang sabay. The struggle is real!
At itong mga nakasasalubong ko naman na mga lalaki ay tinitingnan lang ako. Sa bagay, sino ba kasing baliw ang nakasuot ng gray sweater, black loose pants, winter boots, at may nakasabit pang panyo sa leeg na akala mo ay nasa ibang bansa na mayroong snow? Ako lang naman ang babaeng baliw na tinutukoy ko.
Akala ko kasi ay malamig dito sa beach sa Nasugbu katulad ng mga beach sa States. Halos hindi ko nga kayang magsuot ng bikini roon kahit na summer, eh. Mainit pa rin pala rito sa Pilipinas, ano? 2022 na, Pilipinas, at January naman na ngayon, pero bakit ang init pa rin? Para akong tinutusta sa loob ng oven, eh!
Ah, ngayon ko lang naalala na nakabalot nga pala ako ng mainit na damit, shunga.
“Tungaw, dito sa likod mo!” saad niya kaya naman kaagad akong lumingon sa likuran ko, at doon ko nakita si May na nagtatatakbo pa na parang bata habang papalapit sa akin.
Short hair pa ang peg niya ngayon kaya naman mas lalo niyang naging kamukha si Dora. Naka-pink pa siyang pajama, ni hindi man lang nag-abalang magpalit ng damit. Siguro kasi malapit lang siya rito? O dahil kakagising lang niya?
Teka, ano ulit ang sabi ko? Kagigising lang? Alas-dos na ng hapon, ah! Anyway, May ‘yan, eh. Ano pa nga ba ang aasahan ko?
"May!"
Hindi na ako nag-atubiling bitawan ang mga maleta ko at tumakbo na rin ako papalapit kay May upang yakapin ito.
“I missed you, witch!” I said as I pulled her hair lightly. Kita ko pa ang pagngiwi niya dahil sa pagsabunot ko nang bahagya sa buhok niya, pero tinawanan ko na lang siya bago ko siya niyakap nang mahigpit.
“Don’t english me, I’m nosebleeding!” sagot niya pabalik bago niya sinuklian ang pagkakayakap ko sa kan’ya sa pamamagitan ng pagyakap niya nang mas mahigpit sa akin. Natawa na lang ako sa ginawa niya. Abnormal.
Charot ko lang naman ang pag-e-english ko sa kan’ya, eh. Marunong pa rin kaya akong magsalita ng Tagalog kahit na dalawang taon ako sa States!
Sinanay kasi ako ni mama na magsalita pa rin ng Tagalog kapag naroon ako sa bahay namin. Isa pa, Tagalog din ang gamit ko kapag kausap ko si sir Lean dahil half-Filipino siya at marunong din naman siyang magsalita ng wikang Tagalog. Mabuti na lang talaga at marunong siya, dahil kung hindi, kawawa naman ang ilong ko, char.
Hays, kaya crush na crush ko siya, eh. Sino ba naman ang hindi kikiligin kay sir Lean, eh guwapo na nga siya tapos ay mayaman pa?
Ano ba ‘yan, bigla tuloy akong kinilig!
Ramdam ko na pinagpapawisan ang kili-kili ko habang magkayakap kami ni May. Ang init nga lang talaga rito sa Pilipinas pero na-miss ko ang sariwang hangin at magandang tanawin dito kahit papaano. Magandang tumira sa States pero iba pa rin talaga ang Pilipinas dahil ito ang lugar na kinalakihan ko. I was just glad that the Marketing Department forced me to come back here.
At kahit naman hindi nila ako pilitin ay babalik pa rin talaga ako rito kasi as if may choice naman akong tumanggi? Naghahabol kaya ako ng promotion! Perang-pera na ako, okay? As in, kailangan ko talaga ng pera sa buhay ko! Sino ba naman ang hindi?
Isa pa, napamahal na sa akin ang Dream Luxury Furniture o DLF kung tawagin. Confident ako na magaganda ang furnitures na mina-manufacture namin doon sa ibang bansa, at sure ako na kapag naibenta ang mga iyon sa Pilipinas ay papatok iyon sa maraming tao. Magandang strategy ang naisip nila na sa Nasugbu mag-expand ng branch dahil inaayos pa lang naman ang lugar na ‘to at hindi pa siya fully developed.
Well, medyo na-develop na rin naman ‘tong Nasugbu. Malaki na rin ang pinagbago ng lugar na ‘to kumpara noong dito pa ako nakatira. Mas marami na rin ang tao ngayon sa beach dahil mas naging malakas na ang hatak ng lugar na ‘to sa mga turista, at mas marami na rin ang mga negosyo na itinayo rito.
I smiled as I admired the view.
Since this is my hometown and everybody in the company knows that, they chose me to check the business location and supervise the business expansion. Sana lang talaga ay ma-promote na ako pagkatapos nito para kahit papaano naman ay madagdagan na rin ang suweldo ko.
This beach gives me a painful memory. I wanna hit my head on the wall because I remember these things unconsciously.
“Bakit ayaw mo pa akong pakasalan? Apat na taon na tayo at nasa tamang edad na rin naman tayo pero ayaw mo pa rin mag-propose,” nagtatampo kong tanong kay Mark na nakaupo ngayon sa tabi ko habang nakatingin sa papalubog na araw.
Sunset.
He’s watching the sunset and it suddenly feels like he’s watching me.
Nang nilingon niya ako ay nginitian niya lang ako pero sinimangutan ko siya pabalik. Akala niya ba madadaan niya ako sa pangiti-ngiti niya? Aba, oo naman. Marupok ako, eh.
Nilaro niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa kanang hita niya bago siya nagsalita.
“We’re married, one way or another,” paliwanag niya sa akin bago niya hinalikan ang likod ng palad ko. “Isa pa, ayokong magpakasal hangga’t wala pa tayong sapat na ipon. Set, alam mo kung gaano kahirap ang buhay. Mahirap lang ako. Wala pa akong napapatunayan sa iyo. Gusto ko na kapag nakasal ka na sa akin, hindi ka maghihirap. Gusto kong magawa mo ang lahat ng mga kailangan mong gawin kahit na kasal na tayo.”
Matapos niyang sabihin ‘yon ay inilapit niya ang ulo ko sa kan’ya bago niya ako ginawaran ng halik sa noo ko. Napangiti na lang ako dahil sa ginawa niya. Ang sweet talaga ng isang ‘to kapag nagseseryoso.
“Pakakasalan kita kapag handa na tayo.” Ngumiti siya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi. This time ay nakangiti na ako at tuluyan na ngang nawala ang pagtatampo ko. “Pangako.”
Napangiwi na lang ako nang maalala ko ang mga karumaldumal na mga bagay na ‘yon. Isang malaking scam ang lahat ng sinabi niya sa akin dahil nasaan na siya ngayon? Sumakabilang-bahay na siya! Promises are meant to be broken talaga.
Hay, naku. Pakakasalan? Sure ba siya roon? Ipinagpalit nga niya ako, eh! Kasal niya mukha niya!
I just shook my head lightly to erase that prohibited thought out of my head. Naka-move on ka na, Sunset. Tandaan mo ‘yan. Hindi na ikaw ang Sunset na nakilala nilang lahat. Hindi ka na marupok, okay?
“Wala ka pa ring pinagbago!” saad ni May noong humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko para matitigan ako nang mabuti. “Cutie ka pa rin! Pati ang hair mo ay ang cutie rin!”
Alam ko na kanina pa ako nakangiwi pero napangiwi pa ako lalo, hindi dahil sa sinabi niya, kung hindi dahil sa bigla niyang hinila ang buhok ko pagkatapos niyang sabihin na wala akong ipinagbago. Jusko, bihira na nga lang akong magsuklay tapos guguluhin niya pa ang buhok ko!
“Cutie mo ulo mo, bruha!” sigaw ko.
Naiinis ako sa kan’ya pero tinawanan lang niya ako bago niya inalis ang kamay niya sa buhok ko. Inggit na inggit na naman siya sa natural brown wavy hair ko, hays. Wala, eh. Natural ang buhok ko katulad na lang ng pagiging natural ng ganda ko, char.
Teka nga, parang kasasabi ko lang na hindi na ako ang Sunset na kilala nila tapos sasabihin niya na wala akong pinagbago? Ganda ng timing, ha. Nakabubuwisit.
“ANG INIT, hindi ko na kaya. Mamamatay na yata ako,” reklamo ko bago ko tinanggal ang panyo sa leeg ko.
Ano ba ang tingin ko rito sa Pilipinas? May snow? In my dreams. Ang mayroon dito ay mga tsismosa kagaya ng mga nakatingin sa amin ngayon habang naglalakad kami!
“Ang OA, ha!” saad niya bago niya ako sinapok na kaagad na nagpakunot ng noo ko. Magre-react pa sana ako pero nag-peace sign lang siya sa akin bago niya inagaw sa kamay ko ang hawak kong maleta.
“Sis, ang bigat! Dala mo ba rito buong bahay mo?” tanong niya sa akin na para bang buong mundo na ang pasan-pasan niya kahit na isang maleta lang naman talaga ‘yon!
Hindi niya pa nga gaanong ginagamit ang energy niya sa paghihila ay nagrereklamo na siya!
“Ang OA naman!” paggaya ko sa sinabi niya kanina sa akin. “Alangan naman na kaunti lang ang dalhin kong damit. Matagal-tagal din akong mananatili rito, ‘no.”
“Aw, ang sweet mo naman para mag-stay nang matagal para sa akin,” pang-aasar niya pa na naging dahilan para irapan ko siya.
“Sweet mo mukha mo,” usal ko naman pabalik sa kan’ya bago kami naglakad habang hila-hila namin ang tig-isang maleta. Hawak niya ‘yong maleta kung saan nakalagay ang mga importanteng dokumento na pang-trabaho ko maging ang travel documents ko, habang hawak ko naman ang maleta kung saan nakalagay ang mga damit ko at pati ang ibang necessities ko.
Kung hindi lang sana ako kuripot ay sa siyudad ako kukuha ng condo para naman hindi ko muna kailanganging dumaan sa buwisit na beach na ito bago ako makarating sa tinutuluyan ko ngayon, pero dahil sa gusto kong bumili ng maraming souvenir pagkabalik ko sa States ay tinipid ko ang sarili ko.
Ginusto mo ‘yan, self, kaya huwag kang mareklamo!
"After two years, sis! Bumalik ka rin dito!” pagsisimula ni May ng panibagong topic na puwede naming pag-usapan. Sure ako na mamayang gabi ay pupunta kami sa Crisso para kumain o kaya naman ay makikitambay siya sa condo ko para manood ng movie.
Ginagawa naman namin iyon sa discord kahit na noong nasa States pa ako, pero iba lang kasi talaga kapag personal. Mas feel mo na mayroon kang kasama. Nakawawala iyon ng lungkot.
“Tuwang-tuwa ka naman,” untag ko sa kan’ya habang nakangisi. “Parang hindi tayo magkausap kagabi, ah.”
“Siyempre, ‘no! Iba pa rin kasi kapag personal, sis!” pangangatuwiran naman niya. “Kapag sa discord tayo nanonood, hindi kita makurot, eh. Ngayon ay puwede na ulit!”
Kung siya ay excited dahil sa sinasabi niya, ako naman ay napangiwi. Dapat ba ay hindi ko na lang sinabi kay May na babalik ako rito sa Pilipinas? Charot, pero mukhang bugbog-sarado ang braso ko mamayang gabi, ah. Masakit pa naman manghampas ang isang ito lalo na kapag kinikilig siya.
Nevertheless, it just feels so good to see her again. Feeling ko ay nakabalik ako sa comfort zone ko. Living in the States was a continuous challenge dahil hindi ko naman ka-vibes ang mga tao roon. Napakaraming competition lalo na at hindi ko naman sila kalahi. Kailangan kong makisama pero hindi ko puwedeng ibaba ang depensa ko sa sarili ko dahil nasa ibang lugar ako.
It’s too tiring to fight, to be honest.
“So, ano, kumusta ang lovelife mo?" tanong ni May sa akin habang tumataas-baba ang kilay niya, halatang inaasar ako. Hirap pa rin siyang dalhin ‘yong maleta ko pero dahil nakiki-tsismis siya ay hindi niya napansin na nahihila niya na nang maayos ang maleta na hawak-hawak niya. The power of chismis talaga!
“Lovelife?” pag-uulit ko sa tinanong niya sa akin. “May crush ako pero priority ko ang trabaho ko. Kilala mo naman ‘yon, ‘di ba? Si sir Lean.”
Tumango siya.
Nakuwento ko na kasi iyon sa kan’ya dati. Hindi pa nga raw niya bet si sir Lean kasi mukha raw masungit, eh ang totoo naman niyan ay masungit talaga si sir Lean, hindi nga lang sa akin.
Malamang, Marketing head namin iyon kaya kailangan talaga na maging intimidating ang aura niya. Marketing head siya sa DLF at Marketing Associate naman ako. Bagay talaga kami, charot.
Crush ko lang siya pero hindi ‘yong tipo na gustong-gusto ko talaga siya. Feeling ko, kung sakali man na magkakagusto siya sa akin ay mawawalan na lang ako bigla ng gana. Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Isa pa akong abnormal, eh.
At isa pa, okay lang na hindi maging bet ni May si sir Lean. Akin ‘yon, eh, so bakit kailangan niyang magustuhan? Char, ang possessive ko naman, eh wala pa nga kaming label.
Ang tanong, magkakaroon nga ba?
“Saka, duh, aanhin ko naman ang lovelife na ‘yan? Mabubusog ba ako roon? At least kapag kumain ako, sure na mabubusog ako,” dagdag ko pang wika kay May bago ko siya inirapan.
Ang main goal ko lang talaga ngayon ay yumaman nang husto. Sa dalawang taon kong nagtatrabaho sa States ay hindi rin ako masyadong nakaipon dahil inuna ko munang bayaran nang buo ang bahay namin sa France. That’s where my parents lived before he died, though.
Alam ko rin na iyon ang isa sa goals ni papa sa buhay. Hindi na nga lang niya natupad ‘yon dahil maaga siyang kinuha sa amin ni mama. Hindi alam ni May na namatay si papa sa mismong araw na naghiwalay kami ni Mark.
February 14, 2020.
Walang nakaaalam no’n sa buong Nasugbu dahil hindi naman dito nanatili si papa nang matagal. Dalawang beses lang naman kasi siya nagpunta rito at ‘yon ay noong nakipag-compete ako sa debate noong high school at noong naka-graduate ako sa kolehiyo. Ako ang paminsan-minsang pumupunta sa France kapag mayroon akong free time.
Isa pa ay wala na rin namang sense kung malalaman pa nila ang nangyari noon. I don’t wanna be a burden anymore. Kung may gusto man akong gawin ngayon, ‘yon ay ang ibaon na lang ang buong nakaraan ko sa limot at huwag nang hukayin pa iyon.
“Weh?” she asked sarcastically as she raised her right eyebrow. Aba at nagmamaldita pa nga! “Baka kamo hindi ka pa nakaka-move on! Aanhin ka riyan! Echos ka!”
“Ano’ng ka-ek ekan na naman ang tinutukoy mo, aber?” pagmamaang-maangan ko naman.
Kunwari ay wala akong naalala kahit na siya naman talaga ang kaagad na pumasok sa isipan ko. Wala akong naalala, okay? Wala. Past is past na. Kaya nga sila nasa past dahil hindi na dapat sila binabalikan pa.
“Uy hala! Si Mark, oh!” wika niya bago niya itinuro ang hintuturo niya sa likod ko.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso nang sabihin niya kung sino ang nasa likod ko. Kaagad akong lumingon kahit na hindi ‘yon ang gusto ko, pero tila ay may sariling utak ang katawan ko, at nang makita ko na wala namang tao sa likod ko ay kaagad kong inilipat ang tingin ko kay May na tumatakbo na ngayon palayo habang hila-hila ang maleta ko.
Napailing na lang ako habang nakatingin sa kan’ya na tuwang-tuwa pa sa pagtakbo niya ngayon palayo sa akin. Akala ko ba ay nabibigatan siya sa maleta ko? Pero bakit ngayong tumatakas siya ay parang isang sako ng bulak lang ang dala-dala niya? Lokaret lang talaga siya.
“Luh, nami-miss niya, oh!” pambubuwisit niya pa sa akin bago niya ipinakita sa akin ang dila niya na para bang inaasar ako lalo. “Namumula na ang mukha mo, hoy!”
Nasaan kaya ang boyfriend niyang singkit na si Dale? Nakapagtataka lang kasi na wala ‘yon dito sa tabi niya dahil parang buntot na ‘yon ni May, eh. Nababaliw na naman tuloy ang girlfriend niya dahil nawala ‘to sa radar niya.
“Napalingon lang naman ako, ‘no!” I defended myself kahit pa na magmukha akong ewan ngayon. “Malamang, instinct!”
Nagsisigawan tuloy kami ngayon dahil ang layo na namin sa isa’t-isa. Abnormal ba naman kasi ‘tong si May, ang bilis ba naman niyang tumakbo! Runner ka, girl?
Palibhasa ay alam niyang hahabulin ko siya para bigyan ng isang malakas na batok tulad ng ginagawa ko sa kan’ya dati, eh. Gusto ko siyang habulin pero nabibigatan talaga ako sa maleta ko… unlike her. Sana lang ay ingatan niya ang maleta ko dahil naroon ang laptop ko.
Mukhang tama nga si May sa tinanong niya kanina. Dala ko ba ang buong bahay namin sa maleta ko ngayon? Ngayon ko lang naisip na parang ang OA naman ng dalawang maleta para sa tatlong buwan na pananatili ko rito. Bakit ko nga ba dinamihan ang mga damit ko? Feeling ko ba ay mamamasyal ako rito?
"Oh, ba’t defensive? Umamin ka na lang, mahal mo pa!” pagpilit niya pa sa akin bago siya pumasok sa loob ng building kung saan ako mananatili pansamantala. Doon ko lang din napagtanto na malapit na pala kami sa building na tutuluyan ko dahil natatanaw ko na ‘yon mula rito sa kinalulugaran ko.
I stopped walking as I sighed in relief when I didn’t see her anymore.
Ang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan habang inaasar ako ni May tungkol sa kan’ya. Hindi ko naman siya masisi sa ginagawa niyang pang-aasar sa aming dalawa dahil wala namang nakakaalam sa nangyari sa amin ni Mark, dalawang taon na ang nakararaan.
My decision to fly in the States before was the best choice that I can make to protect my remaining sanity and to protect his reputation at the same time. I still wanted to protect him despite the pain he inflicted on me. All along, kaming dalawa lang naman ang nakaaalam na niloko niya ako at ginago na para bang isa akong p.rostitute sa bar na puwede niyang itapon kapag nagsawa na siya.
Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit.
Sa dalawang taon kong pag-iisa, ilang beses kong inisip kung ano ang rason kung bakit niya ako nagawang lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa kan’ya para saktan niya ako nang ganoon, eh. Ang alam ko sa sarili ko ay ginawa ko naman ang buong makakaya ko para mahalin siya… pero siguro nga ay hindi lang ‘yon naging sapat.
Siguro nga ay wala akong nagawang pagkakamali. Siguro ay hindi lang talaga naging sapat ang pagmamahal ko para sa kan’ya.
Kung gusto niya na pala kasing makipaghiwalay noon ay sana sinabi niya na lang. Bakit kailangan pang umabot sa ganito?
It was a five-year relationship, after all. Ang sakit lang isipin na nakaplano na ang lahat ng pangarap naming dalawa. Kasama namin ang isa’t-isa sa anumang bagay na kinakaharap naming pero bigla na lang ‘yon nawala na parang bula.
Ang hirap pa rin bumitaw kahit dalawang taon na ang nakararaan. Alam kong kailangan, pero hindi ko alam kung paano. Paano nga ba bitiwan ang pagmamahal na minsan kong pinrotektahan?
Tama na, Sunset, tigilan mo na ‘yang kakaisip mo sa past. Naka-move on ka na, remember? Hindi mo deserve ang gagong katulad ni Mark, okay? Okay.
Dahil nakatayo lang ako sa labas ng building ay napaangat ako ng tingin upang pagmasdan ang buong lugar. This is the condo where he used to stay noong kami pa. Regalo ‘yon ng papa niya sa kan’ya kaya naman ay iniingatan niya ‘yon nang husto. Madalas din akong tumambay dito noon dahil mas gusto namin ni Mark na mag-bonding nang tipid kaysa mamasyal sa labas at gumastos nang malaki.
Kung may iba nga lang na puwedeng tirahan sa parteng ito ng Nasugbu na medyo mura lang din ay hindi talaga ito ang building na titirahan ko. I hate the memories that are coming in my head right now. Parang ngayon pa lang ay gusto ko na kaagad bumalik sa States. Natatakot ako na baka ay mas lalo lang sumakit ang kalooban ko habang may mga naaalala ako.
Hindi rin ako sigurado kung dito pa rin ba siya nakatira hanggang ngayon pero sana ay ibinenta na niya ito at lumipat na siya sa mas magandang lugar, o kung hindi man niya ibinenta dahil regalo iyon sa kan’ya ay sana pinabayaan na lang niya ‘yon.
Mayaman naman ‘yong hipon niyang kabit. Magpabili na lang siya roon ng bahay na mas maayos kaysa rito sa Nasugbu, o kaya naman ay doon na lang siya tumira sa mansiyon ni Stacey! Sa sobrang yaman no’n ay mukhang binili niya pati si Satanas dahil sa sama ng ugali niya. Maganda nga siya at mayaman pero demonyo naman ang ugali niya.
Ay mali, silang dalawa pala, kasi wala namang mangangabit kung walang magpapakabit, hindi ba?
Anyway, this building changed a lot, just like the beach. ‘Yong mga dating sirang bintana ay maayos na ngayon at nagkaroon pa ng ibang disenyo. Mayroon na ring mga puno sa gilid na nagpapaganda sa design ng building na ito. Maayos na rin ang hagdan nila at mayroon nang daanan para sa mga naka-wheelchair.
At habang nakatingin ako roon ay naisip ko na roon ko na lang idadaan ‘tong maleta ko para naman hindi na ako mahirapan pa. Ang bigat kaya nito! Feeling ko ay na-workout ko na ang buong pagkatao ko!
Sana lang ay hindi ko na talaga siya makita, ngayon, bukas, at magpakailanman. Tama na ‘yong sakit na dinanas ko noon sa pag-iisip ko pa lang sa kan’ya. Ayoko nang masaktan ulit dahil baka hindi ko na kayanin pa kapag nasaktan na naman ako. I’m barely living at this point.
“Bumalik ka na nga."
Isang baritonong boses ang narinig ko sa likod ko kaya naman ay agad akong lumingon para tingnan kung sino ito kahit na mayroon na akong ideya kung sino siya.
Nabitawan ko na lang ang maleta ko bigla nang makumpirma ko na siya nga iyon.
“Mark?” I asked unconsciously while staring at him.
Noong una ay nakakunot ang noo ko pero nang ma-realize ko kung ano ang pangalan na binanggit ko ay nanlaki ang dalawang mata ko.
Hala, nakapagsabi ako ng isang masamang salita!
"It's nice to see you again," he said before he flushed a smirk in front of me. Napangiwi na lang ako dahil sa ginawa niyang iyon.
Grabe naman ‘to, world! Kakasabi ko lang na sana hindi ko siya makita rito, eh! May balat ba ako sa katawan at minamalas ako ngayon?!