PUTANGINA. Iyan ang mahinang bulalas ko sa aking isipan habang pilit niyang pinapabuka ang aking labi nang sa gayon ay magalugad niya pa nang husto ang bibig ko. Hindi ako impokrita para hindi aminin sa sarili ko na nasasarapan ako ngayon sa uri ng halik na ibinibigay niya sa akin. Ang paraan ng paghalik niya ngayon sa akin ay parang siya: magulo at hindi ko maintindihan. Bigla-biglang bumabagal iyon at bumibilis kapag na-trip-an niya. Sa kasalukuyan ay sobrang lalim at agresibo ngayon ng halik niya sa akin, ngunit kahit ano ang gawin niya ay hinding-hindi ko ibubuka ang bibig ko. Kasi mali ito. Maling-mali. "Ah!" medyo malakas na ungol ko nang bigla siyang nainis nang bahagya dahil sa hindi ko pagtugon sa kan'ya at biglaan niyang pinisil ang kanang dibdib ko gamit ang kanang kamay ni