"I MISSED YOU SO BAD," he whispered in a low baritone while sucking my lips a bit. Nahihirapan man kaming maglakad dahil sa hindi namin masyadong makita ang dinadaanan namin ay hindi nagawang putulin ng dahilan na iyon ang mainit at mapusok na halikan sa pagitan naming dalawa. Habang naglalakad kami ay nagsisimula nang lumikot ang dalawang kamay niya sa lahat ng parte ng katawan ko. Hindi ko na nga masundan kung saan pumupunta ang mga kamay niya dahil sa halik pa lang niya sa akin ay nababaliw na ako. Alam ko ang ganitong pakiramdam ng babaeng bida dahil nanonood naman ako ng mga palabas na may SPG kahit papaano, pero ganito pala ang pakiramdam no'n? Ang init ng katawan ko kahit na nakabukas naman ang aircon dito? Ang astig lang pero parang may kulang pa rin. Mukhang hindi ako makukunt