"HOW MANY TIMES do I need to tell you not to call me sir? I am not your boss here. I am your friend," wika sa akin ni sir— este ni Lean habang nakaupo kaming dalawa ngayon sa buhanginan. Nasa kanang gilid namin si May at Dale na naglalampungan at nagsusubuan ng pusit na inihaw ni Dale kanina habang nasa kaliwang gilid naman namin si Stacey na pilit nilalandi si Mark, pero itong si Mark naman ay parang ewan lang na nakaupo roon habang nakatingin sa kalangitan na para bang nagmumuni-muni siya. Ano na naman kaya ang iniisip ng isang iyan? Gan'yan siya kapag nag-iisip, eh. Nakatulala lang, parang ako lang. "Friend lang po?" pabiro kong tanong sa kan'ya bago ko inayos ang pagkakaupo ko. "Huh?" nagtatakang tanong naman niya sa akin habang nakakunot ang noo. I chuckled. Hindi niya pa rin ta