"ANG TAGAL mo namang matapos diyan," reklamo ni Mark sa akin habang sinisilip niya 'yong nilalagay ko sa proposal ko. Prente lang siyang nakahiga sa kama ko ngayon habang ako naman ay nagtitipa sa keyboard ko ng idadagdag para sa business proposal ko. Mabuti na lang talaga ay finalize na lang ang ginagawa ko rito, dahil kung hindi ay baka umiiyak na ako dahil sa pagka-cramming ko. "Lumayas ka na kasi rito. Hindi ka naman welcome rito, eh," wika ko bago ko siya inirapan. "Bakit ka ba kasi nandito sa unit ko? Napaka-epal mo, alam mo 'yon?" naiinis ko pang singhal sa kan'ya. "Alam ko," kaswal lang niyang sagot sa akin kaya naman binato ko siya ng unan na malapit lang sa akin. Binubuwisit niya ako, eh. "Aray! Putangina, ang sadista!" reklamo niya sa akin habang pinupulot 'yong french fri