TUMINGIN MUNA ako kay Mark kasi isa siyang malaking asungot. Kung sa proposal ko nga ay sumisilip siya sa isiunusulat ko, eh. Maging sa mga assignments ko noon ay palagi rin siyang umeepal, paano pa kaya rito sa pagsusulat ko mismo? Baka bigla pa akong asarin niyan kapag nalaman nya na sumusubok akong magsusulat ng ganito, eh. Kahit na noong kami pa, palagi niyang gustong makita kung ano ang isinusulat ko. “Ang damot naman! Parang others!” nagtatampo niyang wika sa akin habang pilit ko inilalayo ang laptop ko sa kan’ya. “Huwag ka kasing makulit! Ayaw ko nga, eh!” sigaw ko naman sa kan’ya pabalik. Nahihiya kasi ako kapag mayroong ibang tao na nakakabasa ng story ko, eh. Alam ko na sobrang ironic dahil isa akong writer, pero ayaw ko namang ipabasa ang mga gawa ko. “Sige na nga.” Mab