"IKAW ANG MAGBABAYAD NO'N!" May narinig ulit akong sigaw kaya naman napalingon ako sa gilid ko, at doon ay may nakita akong dalawang pangit na lalaki pero malaki ang mga katawan. Malaki nga ang mga katawan nila, pero pangit naman sila, kaya wala rin! Pero, teka, ano ang ginagawa nila? Hawak-hawak ng isa sa mga pangit na iyon ang isang babae sa leeg, at dahil doon, tila ay nahihirapang huminga ang babae. Hindi katulad ko ay mukhang bata pa ang babaeng 'to, pero bakit siya nandito sa labas nang ganitong oras, at ano'ng atraso ang ginawa niya para sakalin siya ng mga pangit na ito nang ganito? "Alam mo ba kung gaano kalaki ang atraso ng syota mo samin, ha?!" Ay, hindi nga pala siya ang may atraso. Ang boyfriend nga pala niya. Akala ko naman ay ako ang kausap nila noong tinanong nila kung