"OH, ANO 'TO? Bakit may plastic bag dito sa harap ng unit mo?" tanong ni May sa akin nang may nakita kaming isang black na plastic bag sa harap ng unit ko. "Basura ba 'to? Ginawang basurahan ang unit mo, sis?" Galing kasi kami sa gym kanina para mag-exercise. Kahit papaano naman ay kailangan ko pa rin mag-exercise dahil una sa lahat, nagkakaroon na naman ako ng back pain, at ayoko nang maulit 'yong nangyari sa akin sa States dati na halos hindi na ako makatayo dahil sa sobrang sakit ng likod ko, at pangalawa, ayokong dumating sa point na kailangan ko na namang bumili ng panibagong damit dahil sa hindi na kasya sa akin ang mga damit ko na dinala ko rito sa Pilipinas. "Hindi ko alam kung kanino galing iyan," sagot ko. "Sabay tayong dumating dito, 'di ba?" dagdag ko pa bago ko siya inirapan