"SUNARA SUZETTE!" Napakamot na lang ako sa ulo ko habang pinipilit kong takpan ng unan ang magkabilang tainga ko, kaya lang, kahit ano ang gawin kong pagtatakip ng unan sa tainga ko ay nananaig pa rin ang lakas ng boses niya at ang ingay ng sunod-sunod ng pagdo-doorbell niya sa unit ko. Maya-maya ay nagsimula na ring tumunog ang cellphone ko, at kahit hindi ko 'yon tingnan, alam ko na si May ang tumatawag sa akin dahil siya lang naman ang nangungulit sa akin ngayon. Ang ingay! "Tulog ka pa ba?!" sigaw ni May mula sa labas habang patuloy siya sa pagpindot ng doorbell sa unit ko. "Alas-tres na ng hapon, sis! Balak mo na ba maging si sleeping beauty?!" Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Ano raw? Alas-tres? Agad kong kinuha ang cellphone ko na nagri-ring pa rin para i-chec