"HAYOP KA, bakit hindi mo ako kinatok sa kuwarto namin ni Dale kagabi?" reklamo ni May sa akin habang nakahiga siya sa tiyan ko. Nakahiga kasi kaming dalawa ngayon sa kama ko para makapagpahinga na muna kami bago kami mag-swimming. Iba talaga kapag may yayamaning dyowa ang best friend! Pati ako ay nadadamay! Pagkatapos kasi lumabas ni Stacey sa kuwarto ko ay nakasalubong pala siya ni May. At itong bruha naman na ito, gulat na gulat nang makita si Stacey dito sa resort. Hindi ko tuloy maintindihan kung nagulat ba siya dahil galing si Stacey dito sa kuwarto ko o dahil ang ganda ni Stacey, eh. Pero ang mahalaga ay bati na kaming dalawa ngayon. Pagkapasok na pagkapasok kasi niya sa kuwarto ko ay kaagad niya akong niyakap at humingi ng patawad sa akin. Mali raw ang mga nasabi niya at masyad