"O SIGE, 'YAN NA, IYONG-IYO NA," wika ko sa isang sarkastiko na tono bago ko binitiwan ang likuran ni Mark at lumayo sa kan'ya nang bahagya. "Kinginang bruha 'to, akala mo naman ay maaagawan ng lalaki kung umasta," bulong ko pa na siguro akong narinig niya dahil biglang tumaas ang kulay niya habang nakakrus ang mga kamay sa kan'yang dibdib. "Are you saying something?" tanong niya pa sa akin kaya naman ay napangisi ako bago ko ulit pinagpagan ang short ko na mayroon din palang kaunting buhangin sa gilid. Ano ba 'yan, akala ko ay naayos ko ang pag-pagpag ko ng damit ko kanina pero mayroon pa rin palang natira na buhangin dito sa damit ko. Parang pagmamahal lang iyan, akala mo ay nawala na pero mayroon pa rin pala. Charot! Bakit ba bigla akong humuhugot? Kasalanan ito ni Stacey, eh. Mukha