MARCH 15, 2014 "SUNARA SUZETTE!" Napangiwi na lang ako nang may tumawag na naman sa akin sa buong pangalan ko. At hindi lang sa pangalan ko, ha. Buong pangalan ko pa talaga ang binabanggit niya. Ilang beses ko naman na sinabi na kan'ya na tawagin ako sa nickname ko, pero ayaw niya talaga dahil mas gusto niya na binubuwisit ang araw ko. At sino pa nga ba ang tinutukoy ko? E'di si Mark! Mark Jeremiah Lancaster. Pagkatapos niya akong tulungan noon sa report ko ay talaga namang nilibre niya ako ng pagkain at binilhan pa ako ng bulaklak kahit na sinabi ko naman sa kan'ya na mas gusto ko ang pagkain kaysa sa mga ganoong bulaklak. Ang sabi niya kasi sa akin ay deserve ko raw iyon dahil tapos na ako sa pag-cram ko ng report ko. Feeling close na nga siya sa akin noong mga panahon na 'yon,