February 14, 2014 "HAPPY BIRTHDAY, SUNSET," pabulong na pagbati sa akin ng mga kaklase at kakilala ko na napapadaan dito sa puwesto ko sa library. It's either may hinahanap silang libro para review-hin bukas, o kaya naman ay para sunduin ang mga dyowa nila na rito muna tumatambay sa library para makigamit ng aircon. "Thank you," pabulong naman na sagot ko sa mga bumabati sa akin dahil kapag nilakasan namin ang boses namin ay tiyak na palalayasin kami ng librarian. Hindi ako puwedeng mapalayas sa library ngayon. Alam kong birthday ko pero ito ako ngayon, gumagawa ng report dahil deadline na ito sa Friday. Bakit kasi naging Wednesday pa ang birthday ko? Puwede namang sa Sunday na lang, eh! At first year college na ako, nasa second sem na nga, pero bakit isa pa rin akong crammerist?