JUNE 21, 2014 FINALS WEEK. S.hit. Halos hindi na ako magkanda-ugaga sa dami ng kailangan kong review-hin. Pakiramdam ko ay mas gugustuhin ko na lang na magpalamon sa lupa kaysa naman ganito na hindi ko alam kung ano ang uunahin kong basahin dahil isang bagsakan sila kung magpa-exam. "Oh, kape mo," wika sa akin ni Mark na may hawak-hawak na kape ngayon sa kanang kamay niya bago siya umupo sa tabi ko. "Nangangarag ka na naman?" dagdag na tanong niya pa sa akin noong nakita niya na napakarami na namang nakatambak na libro sa lamesa ko at sobrang gulo ng mga notes ko. Ewan ko ba kung bakit sa second sem ko ngayong college ay hindi ko pa rin mahanap kung ano ang tamang study routine para sa akin. Everytime na may ita-try akong study routine, pakiramdam ko ay parang lalong mas pumapalpak ang