"ANG AWKWARD mo naman, mare," sita sa akin ni May noong dumaan si Mark sa harapan ko habang kumakain kami ni May ng ramen dito sa isang restaurant malapit lang din sa Crisso. Katulad namin ay may dala-dala rin siyang isang bowl ng ramen, kaya ang in-assume ko ay dito rin siya kumakain. Kaya ba ako dinala ni May dito ay dahil dito rin kumakain si Mark ngayon? Bruhildang 'to! Naisahan niya ako roon, ah! Binati naman niya ako pero hindi ko lang talaga alam kung ano ang ire-react ko sa kan'ya kaya naman ay ngumiti na lang ako... kung ngiti nga bang matatawag 'yon. Ramdam ko kasi na sobrang pilit ng naging ngiti ko, eh. Parang mas mukha pa nga siyang ngiwi kaysa sa ngiti, pero wala na akong paki kung ano man ang pagkaka-interpret niya sa ipinakita kong ngiti kanina. Pero, bakit nga ba nandi