"SA'YO 'TONG restaurant na 'to?" pag-uulit ko ng tanong sa kan'ya nang mahimasmasan na ako. Baka kasi ay namali lang ako ng dinig or what. Don't get me wrong, hindi ko siya minamaliit dahil sa pagtatayo niya ng restaurant. Nagulat lang ako dahil inayawan na niya ang pagtatayo ng restaurant magmula noong namatay si tito. Ang sabi niya ay dahil sa pagpupumilit ni tito na mapasikat ang restaurant nila noon kaya ito namatay, at sinabi niya rin sa akin na kahit kailan ay hindi niya susundan ang yapak nito. Kaya naman ngayon na sinasabi niya na kan'ya itong restaurant na ito at siya ang nagpatayo nito ay isang malaking balita para sa akin. Sobrang nakaka-inspire rin talaga ang kasipagan ng isang 'to. "Oo," maikling sagot niya bago siya muling tumango sa akin. "Salamat sa'yo, Sunset," dagdag