"WALA NGA," naiiritang sagot ko sa tanong niya habang nakakrus ang dalawang daliri ko sa paa. Ang ibig sabihin no'n ay nagsisinungaling ako. Mabuti na lang talaga at hindi niya nakikita ang paa ko ngayon, kaya hindi niya nakikita na nakakrus ang dalawang daliri ko. Alam niya rin kasi na kapag nakakrus ang dalawang daliri ko ay nagsisinungaling ako. Ang ibig sabihin kasi ng pagkrus ng dalawang daliri ay parang pinapatawad na ako ng Maykapal sa pagsisinungaling ko. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang kasabihan na iyon, pero dahil na rin sa madalas ko itong ginagawa ay nakasanayan ko na rin. Ginagawa ko lang naman itong pagkrus ko ng daliri ko kapag mabigat ang pagsisinungaling na gagawin ko. "Wala ba talaga?" tanong niya pabalik sa akin. "Sigurado ka riyan, ha?" Tumango ako. Sinus