"WALA." Napasapo ako sa noo ko matapos kong isagot 'yon. Mabuti na lang talaga at hindi siya nakatingin sa akin no'ng ginawa ko 'yon, dahil kung nakatingin siya sa akin ay mahahalata niya na nagsisinungaling ako. Bakit naman kasi ay kinokompronta niya ako today?! Mahina ang kalaban, eh. Wala akong powers! "Wala?" Napataas ang kilay niya bago niya inilagay sa beywang niya ang isang kamay niya. Kung mayroon lang sanang pangkulot ng buhok na nakalagay sa ulo niya ngayon at kung nakasuot lang sana siya ng daster ay siguradong magmumukha siyang landlady na kasalukuyan akong sinisingil na magbayad ng renta. "Bakit mo ba tinatanong? Alam naman 'yon ng lahat ng nakakikilala sa amin sa Nasugbu, ah," pagpapaliwanag ko. Halata na ang pagkairita sa boses ko pero hindi ko na 'yon tinago. "Ini