"ANO NA naman ba ang sinasabi mo riyan?" tanong ko kay May matapos kong marinig ang sinabi niya sa akin. Napakunot na lang ang noo ko habang nakatitig sa kan'ya na para bang hindi ako makapaniwala. Kung anu-ano na naman kasi ang pinagsasasabi niya, eh! Una sa lahat, bakit naman magsisinungaling si Dale sa akin sa kung ano man talaga ang ginagawa nila? Isa pa, bakit naman kakailanganin pa nilang maglihim para lang hindi ko malaman kung ano ang pinagkakaabalahan nila ngayon? Para kasing ewan, eh. Bakit hindi na lang nila sabihin sa akin kung ano talaga ang ginagawa nila nitong mga nakaraang linggo? Pero teka nga, ano nga ba ang pakialam ko roon? Ano nga ba ang pakialam ko sa mga business nila sa buhay nila? Wala na dapat akong pakialam doon! Wala! Pero kung iisipin, ilang linggo na rin